Chapter 4: Two Tribes

27 24 0
                                    

Chapter 4: Two Tribes

Ariea P.O.V

"Hey, Ariea! Wake up!" Nakaramdam ako ng yugyog mula sa aking balikat. Dahan-dahan ko inimulat ang aking mata. Nag-blur blur yung paligid kaya pumikit naman ako tsaka dumilat ulit.  Nakita ko si Callista na nasa harapan ko duguan pa rin ang noo. Napahawak ako sa aking ulo at nakaramdaman ng hapdi. Napatingin din ako sa aking kamay na may bahid ng dugo.

"Ariea, I'm glad  that you wake up." Mahina niyang sabi. Napaupo ako at tinignan ang paligid.

"Where are we?" Tanong ko pa sa kanya. Napabaling ang aking tingin sa kaliwang bahagi kung saan may taong nakahiga pa sa sahig.

"Nixie." Bulong ko at dahang-dahan papunta sa kanyang pwesto.

"Hindi ko alam kung saan tayo napadpad." Sabi ni Callista na papalapit din sa aming kinaroroonan. Tinignan ko ang paligid puro kahoy at halaman rito. Teka, ito ba ang nasa isipan ko kanina? Ba't parang nasa kagubatan kami?

"Buhay pa siya?" Alalang tanong ni Calli. Agad ko naman hinawakan gamit ang dalawang daliri ko sa kanyang leeg. Nararamdaman ko naman ang pagtitibok pa ng pulso niya. Kaya napahinga ako ng maluwag at napatango sa kaniyang tanong kanina.

"We should go now." Maawtoridad kong salita sabay tingin ni Callista

"Where? Back to my place?"

"No, nakita ka na ng mga AMO. They already track you down."

"I think I can help you guys." Agad napakuha ng wand si Callista mula sa kaniyang pocket at tinuro iyon sa taong nagsasalita mula sa aming likod. Umatras siya ng ilang hakbang sabay taas ng kanyang kamay at kabahan ito nakatingin sa amin.

"Easy." sabi nito at ngumiti pa. Tumayo ako at matalim ko siyang tinignan.

"Who are you?" Maawtoridad ko pang tanong. Tumikhim muna ito bago nagsalita.

"I am Lars, okay. And I'm one of you." Sabay kaming nagtinginan ni Callista sa isa't-isa. Para kaming nag-usap kung dapat ba kaming maniwala o hindi gamit lang ang aming mata. Sandali pa binaling ang aming tingin sa taong nasa harapan" namin.

"So you see the whole thing." Wika pa ni Callista na nakaturo pa rin sa kanya ang wand.

"Yes and I can help you guys. You can stay on our unit and maybe the healers can treat you."

"Healers? Are you a healer?" Niliit ko ang aking mata . Hinintay ang kanyang sagot na kanina pang tahimik. Napangiti siya at binaba ang kanyang kamay.

"I'm one of the Erthe tribe."

*****

Dahan-dahan kaming naglalakad papunta sa kanyang Unit daw. Umakbay sa akin si Callista dahil hirap itong makalakad habang si Lars naman binuhat niya si Nixie na hanggang ngayon wala pa ring malay.

"Here we are." Pinindot-pindot niya ang isang malaking bato kaya labis ang aking pagtataka gayundin si Calli. Biglang bumukas ang mga naglalakihang bato. Hindi akalain na may secret passage pala dito. Makikita rin sa mukha ni Calli na siya ay nagulat din. Mga ilang hakbang nakapasok na kami sa isang malawak na lugar. Maraming halaman at puno sa paligid. Meron ding mga bahay pero mabibilang lamang. Mukha itong mini-village at sigurado ako kung anong lugar 'to.

"Welcome to-"

"Leicester." Ngiting sabi ko. Tumingin siya sa akin at napangiti rin.

"Our secret home before." Bulong ko. Napatingin ako sa paligid at nakita ang mga kauri namin masayang nagkwekwentuhan. Kung iisipin sila ang mga time manipulators base na rin sa symbolo ng kanilang kamay. Nakikita ko rin na may iba pang enchantress at enchanter.  Patuloy pa rin ang paglalakad namin hanggang pumasok kami sa isang bahay na may karatulang "Healers". Hindi ako makapaniwala na makapunta pa ako rito. Akala ko nilusob na ito ng mga tao. Mabuti nalang nanatiling sekreto pa ang lugar na ito.

PhenomenalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon