Chapter 12: Typical Day
Ariea P.O.V
Maraming tumakbo sa isipan ko ngayon. Una, ay wanted na ako kung saan-saan baka pagnakita ako ng mga hunters ay siguradong mapawi agad ako. Pangalawa, nalalaman na ng mga AMO na nagsama na ang tatlong tribo. Ikatlo, hindi pa namin nahanap ang tribo ng mga fyr. Mababaliw na yata ako kakaisip kung paano agad ito masolusyonan at mahinto ito.
"Okay ka lang ba?" Nabalik ako sa realidad ng may nagsalita bigla. Lumingon ako at nakita ko ang mukha ni Rai. Napatingin ulit ako sa harap at ngumiti.
"Oo at hindi." sagot ko. Napatawa siya at napatingin din sa harap kahit tanging puno lamang ang aming makikita.
"Hindi ko inakala na ang kwebang 'yun ay bahay mo pala." ngising sabi ko at lumingon na naman sa likod kung saan nagsilabasan na ang iba naming kasamahan. Kaya pala walang mga bintana at isang floor lang ang meron.
"Oo at mabuti hindi gaano napinsala. Ilang araw pa naman ako gumawa sa loob niyan para gawin kong tahanan at ilang taon na rin ako nakatira diyan simula nung —" Napahinto siya. Alam ko naman kung anong kasunod sa sasabihin niya. Panahong nagdudusa kami. Tipong makikita namin ang aming mga kauri na sila ay nasasaktan pero patuloy paring nakikipaglaban. Mga katawang nakahandusay kung saan-saan, mapa-ordinaryong tao o meta man. Huli kong nakita ay ang aking ina nakikipaglaban para masalba kaming dalawa ngunit sa kasamaang palad ako lamang ang nabuhay. Napapikit ako at huminga ng malalim. Nakakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib nung maalala ko rin ang mukha ng aking ina. Tama nga, lalaban kami ngayon. Hindi na magtatago pa at ipapakita sa kanila ang katarungan.
"Ariea okay na ba?" Saktong paglapit ni Lars ay dumilat ako. Lumingon ako sa kaniya at tumango. Napabaling naman ang tingin niya sa katabi ko.
"Naalala mo pa ba ang Leicester? Doon lang tayo magkikita." ngiting sabi nito.
"Leicester?" Surprisang tanong ni Rai. Parang di siya makapaniwala sa narinig niya. Tumango lamang si Lars at lumakad papunta ni Bliant.
"Uuna na kami!" sigaw niya at sabay silang kinain sa lupa. Nakita ko ring humakbang si Nixie sa tubig at nawala. Pinapalapit ko si Calli at Medea sa akin tsaka gumawa ng malaking hole sa harapan namin.
"Una na kayo," sabi ko sa kanila na agad naman nilang sinunod. Bumaling ako kay Rai na nakatingin din sa akin. "See you there."
Pumasok na ako sa ginawa kong portal patungo sa Leicester at sa isang iglap bumungad sa akin ang hindi ko inaasahang larawan.
"A-anong nangyari?" utal na tanong ni Calli. Narinig ko ang mga papalapit na hakbang at tumigil ito sa aking tabi. Tanging nakatingin lang kami sa mga bahay na nasusunog at mga katawang nakahandusay.
Itinaas ni Nixie ang kaniyang kamay at bumuhos ang maraming tubig sa mga nasusunog na bahay. Tumakbo si Bliant papunta sa walang malay na enchanter at hinawakan ito.
"We're too late."
*****
Halos maabot kami ng isang oras para bigyan sila ng pormal na libingan. Kahit isa walang nakaligtas. Agad tumatatak sa isipan ko na ang mga shadow ang gumawa nito. Dahil una hindi alam ng mga AMO na ang lugar na 'to ay umiiral pala kaya hindi ko sila maakusahan. But the big question mark is, why they have a nerve to do this? To them? What is their problem?
Hindi ko napansin na nakabuo ako ng malakas na hangin kung hindi pa ako tinapik ni Rai. Nakakainis at nakakagalit lang. Pinapakalma ko ang aking sarili pero ramdam ko parin ang pagkulo ng aking dugo.
"I believe na bumalik pa sila rito." sabi pa ni Calli. Tumango ako at tumingin sa kaniya.
"Yes. Can you do any spell or enchantments?"
"For what?"
"For protection, in this place. Kung saan di nila tayo makikita pero nandito lang pala tayo." wika ko.
"Well—"
"Kung babalik na lang tayo ulit sa kuweba? Doon na lang tayo magsanay?" mungkahi ni Nixie. Tumango ang ilan sa kaniya pero hindi ako sumang-ayon.
"No, that's why we're here. This place were build for training ground. A place that let us train and enhance our abilities. I also believe that this place help us to be more powerful because..." Huminto ako sandali para tumingin nila isa't isa.
"Source." mahinahong wika ni Medea. Ngumiti ako sabay tango. Lumakad ako at inilibot ko ang aking tingin. Mabuti may isa pang bahay hindi nasusunog. Humakbang ako patungo dun pero nakita ko si Calli na lumakad papunta sa entrance sa lugar na 'to at gumawa ng spell. May lumabas na dilaw na ilaw at dahan-dahan pumorma ng hemisphere o parang igloo. Sakto lamang sa lugar para sa pagsanay namin. Nawala ang ilaw at para naring walang nangyari. Daling-dali lumapit si Calli sa akin na may ngiti sa labi.
"Just what you said. They can enter here but they can't see us." ngiting wika niya. Tumango ako at nag-thumbs up.
Kakatapos lang namin sa paglagay ng aming gamit sa bahay. Mabuti na lamang na sakto sa loob ang pitong tao. Nasa labas kami ngayon ni Calli habang ang iba naman ay nasa loob. Hindi ko maiwasan mapansin ang malungkot niyang ekspresyon. May parte sa akin na alam ko ang rason ngunit nagtatanong pa rin ako sa kaniya kung bakit.
"Hey you okay?" panimula ko.
"Tell me Ariea, sino bang gumawa nito?"
"Shadows."
"Why?"
"I don't know. But I guess they are part of the AMO."
"What? Why they are helping an ordinary people?"
"I don't know but that's only my theory." Natahimik na lamang siya at yumuko. Napabuntong-hinga ako sabay hinawakan ang balikat niya.
"We should go inside." wika ko. Pumasok kaming dalawa sa loob. Lumapit siya sa kaniyang kapatid at tumabi habang ako naman ay sumandal sa pader. Tumigil sila sa pag-uusapan at bumaling sa akin. Ngumiti ako bago nagsalita.
"Bukas magsisimula na tayo. I've been thinking na less than a week lamang ang sanay natin. Tomorrow we will start by enhancing our powers and the following days." Nakita ko ang ngiti sa kanilang mukha. Siyempre alam na nila ang susunod mangyari.
"While nag-train tayo. Calli will locate fyr tribe baka may matagpuan pa tayo." Tumango si Calli.
"The more the better." she chuckled. Napangiti ako. Ilang segundong katahamikan, bumasag ang malakas na tunog mula sa tiyan.
"Guess who's hungry!" Tanging mga halakhak ang maririnig dito sa loob.
-----------------------
Like×Comment
BINABASA MO ANG
Phenomenal
FantasyIsang mundo inihati ng dalawang kaharian. Ang Kaharian ng Kellan, matatagpuan sa silangang bahagi ay naninirahan dito ang mga hindi ordinaryong tao o tinatawag na mga Metahumans. Kunti lamang sila pero may taglay silang kakayahan. Kaya nilang makaga...