Chapter 5: Mission

28 24 0
                                    

Chapter 5: Mission

Ariea P.O.V

Maaga akong nagising at lumabas sandali para makalanghap ng preskong hangin. Kunti pa ang lumabas at ang iba binati pa ako. Tudo naman ako ngiti sa kanila at bumati rin. Good to know some of them pero wala na akong nakilala pang mga ibang generals.

"Good morning, Ariea." Lumingon ako at nakita ko siyang nakangiti habang kumaway sa akin.  Lumakad siya patungo sa aking inuupuan at tumabi.

"Mabuti ba ang araw ngayon?" Tanong ko at tinignan ang madilim na kalangitan mukhang uulan mamaya.

"Depende sa magaganap ngayon." Wika ni Calli at kinawayan ang kapwa niyang mga echantress.

"Mabuti meron pang mga White witch dito pero..." Biglang lumungkot ang kaniyang ekspresyon. "Ang kapatid ko."

"Ano?" Kumunot ang aking noo. Hindi na siya nagsasalita pa at tumingala lamang pero sabay kaming napalingon ng biglang may tumawag sa amin.

"Hi, guys!" Makita na ang ngiti sa kaniyang mukha at wala na itong mga sugat. Tumabi rin ito sa amin at hinawakan ang kamay ko.

"It's good to feel freedom again." Sabi pa nito.

"Ano pala nangyari sa 'yo kahapon?" Tanong ni Calli sa kanya. Dahan-dahan nawala ang kanyang ngiti at napalitan ng malungkot na ekspresyon tsaka inalis niya ang kaniyang kamay sa akin.

"I've been tortured." Bumilog ang mata ni Calli sabay laglag panga. That's explain everything. Kaya pala nagkasugat siya at parang takot.

"By who?" Tanong ko.

"AMO." Tumahimik saglit. "But thanks to you guys. Buhay pa ako hanggang ngayon. Nakatakas ako sa oras na 'yun at tumago sa dagat. Mabuti dumating kayo." Meron ng kunting kurba sa kaniyang labi.

"Good to hear na nakatulong kami pero ang mas nakakabuti meron pang Waeter tribe."' ngiting sabi ni Calli. I agree.

"Pero..." Napatingin silang dalawa sa akin. Seryoso kong tinignan si Nixie na ngayo'y halos nag-abot na 'yung kilay niya.

"Ba't ka naman pumayag na i-torture ka? Why don't you fight back? You've known as the strongest tribe tas nagpapa-torture ka lang?" Nakita ko na dahan-dahan siyang napayuko. Nahihiya siguro sa tanong ko. Nakakainis kasi kung ba't siya nagpapatalo sa mga taong iyon.

"Ariea wag ka naman ganun ba-"

"No, it's alright," pagpapahinto niya pa sa sinabi ni Calli at tinignan ako, "I'm sorry."

Nakaramdam ako ng patak mula sa aking mukha. Tumingin ako sa kalangitan at sunod-sunod na ang buhos ng tubig.

"Get inside, girls!" Sigaw pa ni Bliant na nasa pintuan ng kaniyang bahay. Agad naman kami sumunod sa utos niya bago bumuhos ang malakas na ulan.

"Lars, ba't hindi maaraw ngayon?" Simangot na tanong ni Calli ng magkasalubong namin si Lars. Ngumisi ito at patuloy pa rin bumasa ang hinawak niyang libro.

"It's natural to be rainy today. And the plants need water."

"I can use my ability." Wika ni Nixie. Umupo na kami ni Nixie at Calli sa harap na hinandang pagkain para sa aming almusal. Nakita namin siya na inilagay muna niya ang libro sa bookshelf at umupo sa harapan namin.

"Nah you need to recover as soon as possible. Kailangan ka pa sa misyon namin." Napahinto ako sa pagkain ng marinig ko ang huling sinabi niya.

"Anong misyon?" Inuunahan na ako ni Calli. Napakunot na rin ang noo ni Nixie habang ako nagtataka rin kung ano ang misyong sinabi niya.

PhenomenalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon