Chapter 14: At Last We Met

12 6 0
                                    

Chapter 14: At Last We Met

Ariea P.O.V

It's already third day of our training and makikita ko na lalo pa kaming lumakas. Nandito ako seryosong nag-eensayo. Mabuti narecover ko agad ang aking kapangyarihan pero may isang abilidad hindi ko pa nagawa at nagdadalawang-isip ako kung gagawin ko ba o hindi.

"Any trouble, dummy?"

"Shut up, jerk." seryosong wika ko at nag-focus sa ginawa kong tornado.

"You seem troubled." Huminto ako sa aking ginawa at tinignan siya.

"Ba't ka hindi nagprapractice?"

"Tapos na ako ah. Ang lakas ko na nga." pagmamayabang niya.

"Look, I know this ability long time ago but I still didn't use it." sabi ko na lamang sa kaniya na kanina pa sagabal sa aking utak.

"Bakit naman?"

"It can kill you quickly." Bakas sa kaniyang mukha na namangha siya at exciting.

"Try me." Napatingin ako sa kaniyang likod kung saan nag-eensayo rin ang iba naming kasamahan. Napalingon din si Rai at tinawag niya sila tsaka pinapalapit.

"Anong meron?" kunot-noong tanong ni Calli at tinignan ako. Napalunok muna ako ng laway.

"I want to use this ability noon pa pero hindi ko nagawa. Kaya ngayon maari ko bang gawin?" permiso ko muna sa kanila. Tumango sila pero nakita pa rin sa kanilang mukha ang pagtataka. Mas mabuti kung i-explain ko muna ang gawin ko.

"This ability called asphyxiate, it can really kill you quickly. You can die from it by lack of air or inability to breathe. Well except me or another Aer tribe but you can defend from it. Just hold your breathe."

"How long?" tanong ni Lars.

"It depends on me, pero kung gagamitin ko naman I let you know first para makahanda kayo."

"Try us." They agreed what Rai said. Nag-concentrate muna ako at huminga ng malalim.

"Asphyxiate." Nagulat na lang ako na napaluhod sila bigla. Ang iba ay nakahawak sa kanilang leeg at parang naghahanap ng hangin para makahinga. Agad ko ibinalik ang hangin at panay naman sila ubo.

"Wh-what th-the hec-heck." utal na sabi ni Lars at humigop ng hangin. Maraming pawis sa kanilang mukha at namumula rin.

"See I told you." sabi ko at lumapit ni Calli na panay habol sa kaniyang hininga. Nilakasan ko pa ang hangin para hindi gaano sila mahihirapan sa paghinga at hindi gaano mapapawisan.

"Bigyan mo muna kami ng oras para makahanda atleast three seconds." suhestyon ni Lars at dahan-dahan tumayo.

Nakayuko pa rin si Rai habang nakaluhod. Napaupo ako sa sahig at tinignan ang mukha niya.

"Okay ka lang ba?" Tumango siya at binigyan ako ng matamis na ngiti.

"Can't really wait to fight you tomorrow." ngising sabi niya. Tumawa ako at narinig ko rin napatawa sila.

"Maghanda ka na Rai baka hindi ka pa maabutan ng isang minuto tumba ka na." tawang sabi ni Calli. Tumango siya at dahan tumayo. Tinulungan ko siyang tumayo at tinignan sila.

"Be prepare. The battle between different tribes starts tomorrow." Seryoso sila nakinig.

"Magsimula na tayo sa umaga. Sasabihin ko ngayon kung sino ang makakalaban niyo para bukas makapagsimula agad tayo. Binabase ko sa weakness niyo kung sino ang makakalaban. Water against Electricity, Electricity against Earth, Earth against Wind, and Wind against Fire..." Napatingin ako ni Calli at umiiling ito. Ibig sabihin walang fyr pa na-locate. "So walang fyr dito kaya makakalaban ko si —"

"Ayieeee!" Naghiyawan ang tatlo. Sinundot naman ako sa baliw kaya napasuntok ako sa braso niya. Lalo pa sila naghiyawan.

"Gago seryoso ako." matalim kong sabi. Agad sila napatahimik pero nagpigil ng tawa. Napabuntong hinga ako.

"Malapit ng magdilim kaya hinto muna tayo at magpapahinga buong oras." maawtoridad kong sabi kaya sumunod naman sila. Kinalbit ako ni Calli at ngumiti.

"Pa'no ako?"

"Ano?"

"Sinong makakalaban ko?" Hala nakalimutan ko pala. Nag-iisip muna ako habang siya naman ay naghihintay sa sagot ko.

"Ikaw pumili." ngiting sagot ko. Dahan-dahan siya napangiti pero in a creepy way. Wait, mukhang alam ko na sino.

"May naisip na ako."

"Si Lars?"

"Omayghad ba't alam mo?" I chuckled. Hinawak ko ang kabilang balikat niya.

"Please don't fall for him." dagdag ko pa.

"What?"

"In the end you'll get hurt."

"Ano? Naguguluhan ako." Tumalikod ako.

"Basta." nagsimula na akong humakbang papalayo.

"Anong ibig mong sabihin?! Mamamatay ako kakaisip sa sinabi mo Ariea!"

*****

Lihim ako pumunta sa isang convenience store. Hindi ako makilala ng mga tao rito dahil ginamit ko ang potion ni Calli. Lihim ko rin ninakaw 'yun at 'di rin ako nagbigay ng pahintulot sa kanila na pupunta ako rito. Sana hindi nila ako hinahanap at sana rin natutulog na sila. Pumunta ako sa cashier habang hawak ko ang paboritang snack na kanina pa ako nag-crave nito at siyempre binilhan ko rin sila bilang surprisa at hindi gaano ako sesermonin.

"Chocolate chip cookies." Binigyan ako ng ngiti ng cashier sabay type sa monitor niya. Bago siya makapagsalita kung magkano 'yun ay ibinigay ko na ang pera. Ngumiti siya ulit. Habang inilagay niya sa bulsita ang binili ko ay pasulyap-sulyap ito sa akin. Which I find it creepy and weird. Inabot niya sa akin ang bulsita ngunit hindi ko nakuha agad dahil nagsalita ito.

"Can I have your number, Sir?" bakas sa boses niya ang paglalandi. Napangiti ako sabay kamot sa batok. Damn nakalimutan ko pala na panglalaki ang ginamit ko. Ba't ba naubusan si Calli ng pangbabaeng potion?

"Ah no. May girlfriend na ako." magalang kong sagot. Napangiwi siya at tuluyan ko ng nakuha ang bulsita.

"Ay pero kung maghihiwalay kayo ng girlfriend mo, call me right away." Daling-dali niya ibinigay sa akin ang maliit na card at kinindatan niya ako. Dahan ako napatango pero gulat sa inaaksyon niya. Very weird! Lumabas na ako at balak ng bumalik sa Leicester bago ako maabutan ng curfew. Pumunta ako sa isang masikip at walang kataog-taong lugar. Gumawa ako ng hole gamit ang hangin kaso nakarinig ako ng click sa likod parang galing sa kalabitan ng baril kaya agad ako huminto. Dahan-dahan nawala ang portal sa harap ko.

"Ariea Demonique." Napangiti ako pero kinakaban din. So hanggang dito na lang ba ako? No! Bakit naman ako magpapatalo sa mortal na 'to? Hinarap ko ang lalaking hangarin na mahanap ako. Matalim niya ako tinignan at nakatutok pa rin ang kaniyang baril sa akin.

"It's finally nice to meet you here, Deziel Augustino."

-----------------------

Like×Comment

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PhenomenalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon