Chapter 10: Look Out
Ariea P.O.V
Napagising ako dahil sa ingay mula sa ibang kwarto. Nakaupo lang pala ako natulog. Ginamit ko pa ang aking tuhod bilang unan. Napatingin ako sa higaan kung saan mahimbing pa rin ang tulog ni Nixie. Tumayo ako at lumabas. Lumakad ako papunta sa kwarto ni Calli dahil dun mula ang ingay na aking narinig. Kumatok ako ng tatlong beses at bumukas naman ito agad. Bumungad sa akin ang mukha ni Calli. Ang gulo ng kaniyang buhok at may tuyong laway sa gilid ng kaniyang labi. Itinuro ko ron at nagpunas ako sa labi. Naintindihan niya naman ang kilos ko kaya agad din siya sumunod. Binigyan ako ng awkward na ngiti at binati ako.
"Ariea? May kailangan ka ba?" tanong niya sa akin at napatingin sa kaniyang likod tas bumaling naman sa akin. Bago ako sumagot ay napatingin din ako sa likod niya. Nakita ko ang kaniyang kapatid na nakatingin din sa akin. Dahan-dahan siyang kumaway at binigyan ako ng ngiti. Tumango lang ako at bumaling kay Calli.
"Kaya pala," ngiting wika ko. Para siyang nahihiya kaya napayuko ito.
"Maingay ba ako? Hinihina ko naman ang boses ko dahil baka magising ko pa kayo. Ang saya ko lang kasi dahil gumising na siya kaya di ko maiiwasan mapasigaw ng kunti." Dali ako napailing.
"Hindi naman," pagsisinungaling ko. Napangiti naman siya. "By the way, nagkausap na ba kayo?"
"Mag-uusap pa."
"Pwede bang makasali sa usapan?" Tumango naman siya at pinapasok ako. Umupo ako malapit sa higaan dahil nakahiga pa rin ang kapatid niya. Kumuha naman ng ibang upuan si Calli at tumabi sa akin. Napabaling ang tangin ng kaniyang kapatid sa akin at biglang hinawakan ang kamay ko.
"Salamat." wika niya.
"Huwag kang magpasalamat sa akin," itinuro ko ang aking katabi na napansin ko rin may namumuong tubig sa kaniyang mga mata. "Dun ka sa ate mo."
Gulat itong napatingin ni Calli at dahan-dahan naman niya binitawan ang kamay ko.
"Ate?" Napatango si Calli at yumuko.
"I'm sorry." may luhang dumaloy sa kaniyang pisnge pero agad naman niya ito pinunasan.
"A-ate? Callista?" Tumango na naman siya.
"I'm sorry ngayon lang kita nahanap. I'm sorry for 10 years di tayo nagsama." Kumirot ang aking puso sa huling pangungusap niya at the same time tumatayo ang balahibo ko. Imagine for ten years nagkahiwalay sila sa isa't isa sa isang malupit na mundo tulad sa nangyayari namin ngayon. Ang bata pa ng kapatid niya at nakadaan na siya sa mga pahamak. Napaiyak naman ang kaharap ko.
"I'm sorry kung ba't di kita hinanap agad. I'm sorry na nagdusa ka mag-isa. I'm sor-"
"Okay lang." pagputol niya sa sinabi ni Calli at niyakap ito ng mahigpit. Napayakap naman agad si Calli pabalik. Ilang minuto lumilipas bumitaw na sila sa isa't isa at nagngingitian sila.
"Alam ko naman nagdudusa ka. Alam ko rin sinisisi mo ang iyong sarili sa pagkawala ko," napatingala si Calli dahil ayaw niyang dumaloy ang luhang nanatili sa kaniyang mata.
"Patawad Medea." Napalawak ang ngiti sa kaniyang kapatid nung sinambit ni Calli ang isang pangalan. Medea pala pangalan niya.
"Patawad din at salamat." Napabaling ang tingin ni Medea sa akin. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Ngumiti rin ako pabalik. Ang ganda sa pakiramdam na nakita ko sila magkasama kahit hindi ko gaano sila nakilala. Kaya sumali ako sa kanilang usapan to know them better. Lumipas ng ilang minuto na puro tawanan at kwentuhan sa aming tatlo. Siyempre hinihina lang namin para hindi kami makadisturbo sa aming kasamahan na natutulog pa.
"Ano pala nangyari sa iyo kanina? Sino 'yung panget na kalbong lalaki naghahabol sa'yo? At saan ang mga gamit mo?" biglang kuryusong tanong ni Calli. Naghihintay naman ako sa sagot ni Medea. Nakalimutan ko rin pala na 'yan talaga ang pakay ko kung ba't pa ako sumali sa usapan nila. Baka may makuha akong kunting impormasyon.
"Mayroong lalaki kumopkop sa akin. Pinapakain ako, pinapaligo at lahat ng pangangailangan ko ay ibibigay niya. For 7 years naging ganiyan ang buhay ko hanggang sa isang gabi. Nagising lamang ako dahil may sumakal na sa akin. Pagtingin ko ay siya pala," napapaos ang kaniyang boses at pinipigil niya ang kaniyang pag-iyak ngunit patuloy parin siyang nagpapaliwag.
"Tinanong niya sa akin kung ano raw ang mga gamit na nasa cabinet ko. Hindi ko naman siya sinagot pero nanghihingi ako ng tawad. Binitawan niya ako at ipinapakita niya sa akin ang wand. Bigla niya iyon sinira. Ang mga potions ko ay binasag niya. Ang spell book ko ay hindi ko na nakita pa. Sinabi niya pa sa akin kung ako ay isa sa mga metahumans ay papatayin niya ako. Kaso nagbago ang isip niya at ibinenta ako sa kalbong 'yun. Ilang taon na ako naghihirap sa lalaking bumibili sa akin. Lagi ako inaabuso at binabastos tuwing gabi. Pero nung makita ko siya," tumingin si Medea sa akin na umiiyak pa rin.
"Alam ko na matutulungan mo ako. May nagsabi sa utak ko na lumapit ako sa iyo at humingi ng tulong." binigyan niya ako ng ngiti sabay pinunasan ang luha niya. Napangiti rin ako pabalik kaso may gumugulo sa utak ko. Hindi ko alam kung ano. Nakita ko na lamang yumakap si Calli sa kaniya ng mahigpit.
"Huwag ka ng umiyak. Narito na kami. Ligtas ka na sa panganib." mahinahon pang wika ng matandang kapatid niya. Napayuko ako saglit at niraramdaman ang paligid. Maaga na pala base sa hangin. Dumilat ako at tumayo.
"Tama lang ba 'yung tulog niyo? Maaga na at oras na para bumabalik sa Leicester." sambit ko. Tumango naman silang dalawa at bumitaw sa isa't isa sa pagyakap. Umuna na akong lumabas sa kanilang kwarto. Agad ako pumunta sa sala para tignan ang tatlo naming kasamahan. Bumungad ang mukha ni Lars nung pagpasok ko sa sala. Nakatulala lamang ito sa tv at parang may malalim iniisip.
"Good morning?" nagdadalawang bati ko sa kaniya. Ang seryoso niya e. Napatingin naman siya sa akin habang nakakunot-noo.
"We're in great danger."
Third Person P.O.V
"Isang malubhang naganap sa syudad ng Picadilly. Tanghalian nangyari ang pagbungad ng mga tribong Waeter, Erthe at lalo na ang Aer batay sa mga sinabi ng mga witness. Mabuti na lamang hindi gaano napinsala ang mga naninirahan doon. Nagpakita raw si Ariea Demonique sa mismong lugar na may kasama pang enchantress at isang lalaki na naniniwala ring isa sa mga metahuman. May hinostage pa silang batang babae na ngayo'y hinahanap na ng mga AMO. Mr. Deziel Augustino live ngayon. Sir, anong masasabi mo sa nangyari?"
"Well actually I'm very disapointed in myself na hindi ko agad nahuli si Ariea Demonique. Hindi yata ito mangyari kung hinahanap namin siya ng mabuti at mabilisan. But I also promise to seize you no matter what. You can keep hiding as you like but one of these days I'm going to find you."
Lalo pang hinigpit ang securidad ng mga AMO bawat lungsod at ang paghanap ni Ariea Demonique. Nagkagulo rin sa loob ng palasyo dahil sa mga pangyayari. Usap-usapan din ng mga tao kung paano sila mabubuhay ng mapayapa kung meron pa ang mga metahumans.
"Sire-"
"Shh..." Patuloy pa rin ang kalmadong paglalakad ng hari papunta sa piitan. Wala ng magawa ang konseho at tahimik na sumunod sa hari.
"Open the gate." utos ng hari sa guwardiya at agad naman ito sinunod. Agad bumungad sa kaniya ang lalaking nakaupo sa sahig na puro may mataas na mabigat na metal nakatali sa kaniyang mga kamay, paa at meron din sa leeg. Napangiti ang hari at tumayo ito sa kaniyang harap. Alam ng hari na hindi siya masaktan dahil sobrang higpit ang pagtali sa lalaki kaya hindi gaano ito makagalaw. Marami ring mga pasa sa kaniyang mukha at katawan. Hindi pa rin inangat ng lalaki ang kaniyang mukha kahit ito ay gising pa at nararamdaman ang pagpasok ng hari.
"How can we defeat that girl? Ariea Demonique." Makapanindig balahibo ang boses ng hari dahil sobrang lalim nito ngunit walang reaksyon ang binata. Napangisi lamang ito.
"You can't defeat her easily, dipshit." Hahampasin sana ng guwardiya ang lalaki kaso pinipigilan sa hari. Nagtitimpi rin ng galit ang hari dahil sa walang paggalang ng lalaki sa kaniya.
"Well, who can? Tell me who can defeat her... Ignatius." sabi pa ng hari at naglakad ng pabuweltahan. Napaalik-ik ang lalaki at inangat na ang ulo niya para makita ang mukha ng hari.
"Only me."
-----------------------
Like×Comment
BINABASA MO ANG
Phenomenal
FantasyIsang mundo inihati ng dalawang kaharian. Ang Kaharian ng Kellan, matatagpuan sa silangang bahagi ay naninirahan dito ang mga hindi ordinaryong tao o tinatawag na mga Metahumans. Kunti lamang sila pero may taglay silang kakayahan. Kaya nilang makaga...