CHAPTER THIRTY ONE

166 3 4
                                    

"I know your eyes in the morning sun
I feel you touch me in the pouring rain
And the moment that you wander far from me
I want to feel you in my arms again
And you come to me on a summer breeze
Keep me warm in your love, then you softly leave
And it's me you need to show
How deep is your love, how deep is your love
How deep is your love?
I really mean to learn
'Cause we're living in a world of fools
Breaking us down when they all
should let us be
We belong to you and me"

Ang sarap pakinggan ang kanta habang pinakikiramdaman ang simoy ng hangin. Lahat ng studyante ay mga nakikinig sa kanta ng student president.

Maganda pala ang boses nya. Ang ganda nang meaning nang kinakanta niya.

Tiningnan ko si jes na nasa tapat ko. Katabi niya si candy. Nagulat ako nang hawakan ni candy ang braso ni jes. Bigla akong umiwas nang tingin, hindi ko alam kung bakit pero biglang tumibok nang mabilis ang puso ko.

Anong nangyayari sakin, bakit kailangan ko pang makita yun?. Tiningnan ko ulit sila, hawak hawak pa din ni candy ang braso ni jes.

Bakit hindi sya nagagalit kay candy?. Daig pa nila ang mag jowa, bakit ganun nalang kalapit si candy sa kanya?. May hindi ba ako alam? May dapat ba akong malaman sa babaeng yan?.

Hindi ko nang nagawa pang makinig sa kanta dahil sa sobrang sakit nang nararamdaman ko.

Hindi dapat ako masaktan dahil asawa ko si jes. Halatang may gusto si candy sa kanya pero kahit anong lapit at pulupot ni candy sa kanya, hindi ko nakitang umiwas si jes sa kanya.

Mas maganda ba sakin si candy?.

Di hamak na mas maganda ako sa kanya, diba kakasabi lang niya sakin na maganda ako? Bakit nagpapahawak sya sa iba?. Hindi ba niya alam na nasasaktan ako?.

Dahil sa hindi ko na kayang makita ang pagkakahawak ni candy kay jes. Tumayo ako at umalis. Walang nakapansin sakin dahil lahat ay busy sa pakikinig sa kanta.

Madilim na din kaya nag lakad lakad na muna ako. Gusto kong lumasap nang hangin. Hangin na makakakalma sa nararamdaman ko ngayon.

"Sana hangin nalang ako" sambit ko sa sarili ko.

"Para hindi ako nasasaktan" dagdag ko pa.

Tinanaw ko ang pwesto kung nasaan ang lahat na studyante. Malayo nako sa kanila wala namang nakakapansin sakin kaya nag lakad lakad pa ako.

Gusto kong makapag isip nang matiwasay.

Kailan kaya ako magugustuhan ni jes?
Kailan niya kaya ako mapapansin?.

Pag ba hinawakan ko ang kamay at braso niya magagalit kaya sya sakin?. Paano kung magalit sya pag hinawakan ko sya?. Paano din naman kung hindi?.

Naguguluhan na ako bakit ko ba iniisip to. Nag seseloss ako at naiinggit ako kay candy dahil nagagawa niya ang mga bagay na yun kay jes kasi ako kahit hindi ko sya hinahawakan nagagalit pa din sya sakin. Iniiwasan niya ako minsan nga multo na ako sa paningin niya eh hays

Ang hirap....

Gusto ko din sya mahawakan.

Gusto ko din maramdaman kung anong pakiramdam na nakahawak sa braso at kamay niya.

Campus Hearthrob Is MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon