CHAPTER TWENTY ONE

151 1 0
                                    

THIRD PERSON's POV.

"Jes" sambit ng dalaga habang dinadalaw na ng antok

Nakatingin lamang mula sa pintuan ang binata. Pinagmamasdan niya ang dalagang natutulog.

Naguguluhan ito sa kanyang nadadarama lalo na't alam niyang hindi pa tapos ang kanyang mga problema.

Nilapitan niya ang dalaga pinagmasdan niya ito at tinabihan.

"Sorry cassandra" sambit nito sa dalaga.

Bakas sa kanyang mukha ang lungkot para sa dalaga.

May nag vibrate sa phone niya kaya dali dali itong lumabas para hindi magising ang dalaga.

"Hello"

"Babe! Im so excited na tomorrow!" Saad ng nasa kabilang linya.

Hindi sya nakasagot dahil alam niyang gulo ang magaganap.

Naisip niya na tama na din siguro na mag aral ang kanyang girlfriend dun para hindi na sya nahihirapan na puntahan pa ito sa malayong school ng girl friend niya.

Kaso nag dadalawang isip sya na baka malaman ni cassandra ang pagtataksil na ginagawa niya.

"Hey babe are you there?"

"O-oh sorry babe may ginawa lang"

"Sus baka naman nag dadalawang isip ka dyan! Tandaan mo jes! Walang makakapigil sakin tandaan mo yan!"

Hindi na nakasagot ang binata dahil binaba na niya agad ng phone ang girlfriend nya.

************************
CASSANDRA's POV

"Cass!!!"

Napalingon ako kung saan nang gagaling yung boses na yun. Nakita kong palapit si sam sakin.

"Sam"

"Cassandra! Namimiss na kita! Kaylan ka ba ulit ibabalik sa section natin?"

"Hindi ko alam e ano kaba! Kahapon lang ako nilipat e namimiss mo agad ako"

"Aba syempre! Wala akong makadaldalan don e"

"Hahaha kahit naman ako kasi lahat sila dun focus sa mga libro at mga discussions ng prof, bored nga dun e pero sulit naman kasi nandun si jes" kagat labi kong sabi.

"Uuuuuyyyy nako kaya pala hindi mo ko naalala—-

"Oy ano kaba! Wala akong sinasabing kinakalimutan na kita! Alam mo yung feeling na lagi ko na syang makikita"

"Sabagay pero si zey kamusta na pala?"

"Ayun kahit papano may kakilala akong makakausap ko dun, kahapon nga hinatid niya ko pauwi e" bigla ko namang naalala ang ginawa niyang paghalik sa noo ko.

"Ayieeeee kayo ah! Baka magkadevelopan kayo!"

"Hindi mangyayari yun dahil—

"Wow sino kaya yun?"

"Oo nga parang new student sya"

"Omg! I like her na agad kasi ang fashionable ng suot niya!"

"Kita mo yun? Her necklace omygahd"

"Oo nga and she is pretty!"

"Duuuh ang yabang niyang tingnan"

"Like ewww may bago nanaman akong makakatapat sa mga fashions"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa mga sinasabi ng mga tao.

Campus Hearthrob Is MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon