Spoken Poetry by WarriorMulan
Dedicated to my co- wattpaders who fell in love with the fictional characters of the story that they are reading.
Ang tulang ito ay produkto ng malikot na isip ni J. The warrior mulan
"Kailan Man ay Hindi Magiging Tayo".
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ika' y aking nagustuhan
Pinilit kong tuldukan itong aking nararamdaman, dahil alam ko... alam ko sa sarili ko na wala itong patutunguhan.
Nasa bandang huli ako at rin lang yong masasaktan at maiiwang luhaan.
Pero susugal na ako kahit gaano pa kasakit yan💘
Kahit sabihin man ng iba na ito'y isang kabaliwan 💘
Dahil ang pag- ibig ko sayo ay kaligahayan💘
Kaligahayan na sayo'y aking natagpuan.
Kanlungan ko ang iyong mainit na bisig 😘
Puso ko' y panatag, sa kayakap mong kay higpit.😘
Mga ngiti sa labi mo' y inspirasyon sa bawat saglit 😘
Mahal, kahit as panaginip ay hindi ka mawawaglit
Lumipas man ang panahon hindi mabubura sa aking isip mga pinagsaluhan nating matatamis na halik
Pero paano ko panghahawakan ang mga karanasang iyon kung ang mga ito ay puro lang ilusyon.
Mga pangyayari na binuo ko gamit ang malawak kong imahinasyon.
Produkto ng ang aking isip na dadalhin sa susunod na mga taon.
Maniniwala na ba ako na kailan man ay hindi magiging tayo.
Kailangan ko na bang tanggapin na hindi ako nakatadhana sayo.
Sapagkat nabubuhay ako rito sa mundo
At ika' y nariyan sa loob ng libro
FICTIONAL character ka sa binabasa kong istorya
Sa loob ng libro nariyan ang iyong kapahera.
Paano naman ako... Paano naman ang pag- ibig na nais kong ilaan sayo?
Wala na bang pag- asa?
Pag- asa na magiging akin ka, Pag- asa na tayo rin ay maging masaya? Wala na ba?Oo, isa lang akong mambabasa
Iiyak, kapag nasasaktan ka, dahil iyon lang ang kaya kong magawa at walang iba.
Hindi kita mayayakap para sabihing "magpagkatatag ka"
Napakalabong mangyari, dahil wala ka, dahil mundo nati'y magkaiba.
Ang pag- iibigan natin ay suntok sa buwan.
![](https://img.wattpad.com/cover/184166519-288-k284699.jpg)
YOU ARE READING
When I Fell In Love
PoetryThis work is compilation of Spoken Poetry. The topic in this piece is all about love and heart breaks.