chapter 26

2.5K 34 0
                                    

Hime POV.

Isang buwan na ang nakalipas pagkatapos nang outing namin,malapit narin ang monthsary namin ni Tristan pero napag-usapan naming Habang wala pa ang monthsary namin ay Hindi muna kami magkikita dahil kailangang maipasa at matapos nanaman ang mga requirements dahil malapit na ang bakasyon.

Biglang tumunog ang cellphone ko at nag pop doon ang pangalan ni Tristan.

--------
LOVE<3
- miss na kita,kailan ba matatapos yang ginagawa mo? Gusto mo tulungan kita?
-------

Napangiti naman ako sa text niya,siya ang naka-isip tapos Hindi niya matiis? Haha,nai-imagine ko tuloy yung itsura niyang nakasimangot na nakapout,ang cute!

------
To:LOVE<3
-miss narin kita,dalawang subject nalang love,hayaan mo at tatapusin kuna ito para magkita na tayo.
------

Pagkatapos kong i-send ay tinapos kuna ang PowerPoint presentation na ipapasa ko ngayon,hinahanap ko nalang yung mga Prof na pagpapasahan ko,I sinave kuna sa flash drive ang PowerPoint at naglakad-lakad na ako.

Nang biglang may nagbato saakin nang juice,ghad! Ang lagkit kuna! Pagkalingon ko ay si Venus na may mga kakampi na,nasuhulan niya nanaman ata!
Pero infairness ah? Nagmukha siyang malinis dahil sa mga kasama niya.

"Sorry akala ko basurahan e". Wika niya at napangisi siya,napangisi rin naman ako nang may Nakita akong basurahan sa gilid,kinuha ko iyon at ibinuhos sakanya.

"What the fuck!". Sigaw niya.

"Sorry akala ko kasi taga hakot nang basurahan e". Wika ko at umalis na,kawawa naman siya,Wala man lang nagawa yung mga alipores niya,mga mahihina!

Pumunta ako sa third floor kung nasaan ang daw ang Prof ko,nang makita ko ay mabilis Kong ipinasa sakanya.

"Balita ko kayo naraw ni Mr.Reyes,Congrats sainyo! Nag-iimprove ka sa pag-aaral Hime,sana kayo parin next year". Wika nito,napangiti naman ako sa sinabe nito.

"Thanks po Mr.Guazon". Sagot ko.

"You're welcome Hime,wag mo siyang papakawalan,he's a good influence to you,have a good day".umalis na ako Pagkatapos niyang sabihin yun,ganon naba kalaki ang pinagbago ko,pati yung mga classmates ko sinasabeng bigla raw akong naging maaral,Grabe naman pala yung epekto ni Tristan saakin.

*kring* *kring*

Madali Kong sinagot ang tawag sa pag-aakalang si Tristan iyon.

"Love...".

"It's your Mom,Hime".Napa-simangot naman ako nang nalamang si mommy pala ang katawag ko.

"Spill it mom".walang ganang Sagot ko,lagi namang ganito e,pag tatawag siya lagi nalang walang kwenta ang mga sinasabe niya.

"Mag bonding naman tayo anak,nami-miss kana ni mommy..".napikit naman ako dahil sa sinabe niya,nakakainis! Akala ko ba doon na siya sa bago niyang pamilya!

"Mom,wag na at baka magalit pa yung fiancée mo". Mapait na wika ko.

"Anak,alam mo naman ikakasal na ulit ako next year diba? Kahit ngayon lang anak,please..".

"Sige po,i-text niyo nalang po kung saan".Wika ko at ibinaba na ang tawag.

Ilang oras pa ay natapos kunang ipasa lahat,ti-next ko naman kaagad si Tristan at ipinaliwanag na Hindi pa kami magkikita ngayon dahil may lakad ako na madali niya namang naintindihan.

Pinuntahan kuna yung coffee shop na sinasabe ni mommy na mabilis ko naman siyang natanaw.

"Anak".Wika ni mama sabay yakap saakin kaya yumakap narin ako.

"Anong gusto mo anak?". Tanong ni mommy,tumingin naman ako nang mukhang masarap sa menu,mukhang masarap naman lahat pero mas pinili ko yung blueberry cheesecake,Hindi pa kasi ako nakakatikim nun.

"Blueberry cheesecake and vanilla sundae nalang Mommy". Wika ko na madali namang inilista nang waiter.

"Ganun rin saakin". Wika ni mommy kaya naman umalis na yung waiter.

"So,kamusta kana anak?". Tanong ni mommy.

"Okay lang naman po".Wika ko,hindi kasi kami close at napalayo narin ang loob ko sakanya simula nang lokohin niya ang daddy ko.

"Balita ko Hindi kana raw nag ba-bar at Hindi kana rin daw umuuwi nang madaling araw".sabi niya.

"Hmnn,Opo".

"Sino siya anak? Kayo naba ulit nang ex mo? O isa sa mga lalaki mo?".tanong niya,napa-iling naman ako.

"Boyfriend ko po mom".Habang sinasabe ko yun Hindi ko mapigilang napangiti,mahal na mahal ko talaga yung lalaking iyon.

"Mukhang hulog na hulog na talaga ang anak ko ah,unti-unti kana ring nagbabago,nasaan na yun lagi mong sinasabe na 'no one can change me!' Mukhang may nakatibag na sa linya mong iyon". Natawa naman ako sa sinabe ni mommy,pag nag-aaway kasi kami dati ay lagi kung nababangit yun dahil lagi nila akong sinasabihang 'mag bago kana' 1 year ago pa naman yun.

"Oo nga po e". Sagot ko nang dumating na yung order namin at nagulat ako sa sinabe ni mommy.

"Pero sigurado kana ba sakanya anak? I mean,Wala lang balak balikan si Kevin?". Napataas ang kilay ko sa sinabe niya.

"Mom,hanggang ngayon ba naman siya parin yung gusto niyo para saakin? Mom! Iniwan niya ako! Niloko at ginamit!".hinawakan ni mama ang dalawa Kong kamay.

"Anak nagsisisi naman na siya e,mas bagay ka sakanya anak kaya balikan muna siya,handa siyang pakasalan ka kung sakaling nabuntis ka man niya,ayaw mo nun mayaman--".nasampal ko si mommy sa sinabe niya,so parang ipapamigay niya ako ganun? Ibebenta?! Nakatayo na ako na handa nang umalis.

"Mom! Tama na yung ilang taong laging pag-sunod ko sainyo! Mommy kita pero Hindi na kita matiis! Nakakainis na! Kung yaman lang ang pala ang habol niyo sakanya edi kayo yung makipag-relasyon sakanya! Wag niyo akong igaya sainyo mom na puro saya lang ang alam,nagseseryoso na ako sa buhay na meron ako mommy kaya please lang,wag niyo na akong gulihin..".Wika ko sabay kuha nang bag ko,Nakita ko naman na parang saamin nalang nakatingin yung mga tao pero nang matapos na ay bumalik na sila sa pagkain.

Bago pa man ako lumabas ay nagsalita ulit si mommy.

"Next year sa kasal ko,pupunta si Kevin para Balikan ka,hintayin mo lang siya at babawiin ka niya..". Umalis nako Pagkatapos niyang sabihin,yun ay kung may mababawi siya,alam ko sa sarili ko na si tristan na ang mahal ko ngayon,siya lang..

Kahit sabihin nang iba na mothers knows best,Hindi na ako maniniwala,masyado na siyang nanghihimasok sa buhay ko.

Kay Tristan lang ako at sakanyang-sakanya lang...

Pero bakit parang nagbabanta si mommy na talagang siguro siyang mangyayari yun?

Wag naman sana mangyari kung Ano mang iniisip ni mommy..

Ayaw ko nang magulo ulit ang buhay ko,ayaw ko nang mag bigay nang chance sa taong dating niloko at ginamit lang ako,ayaw ko nang pakawalan pa yung taong nagpapasaya saakin ngayon..

At iyon si tristan..

Ang gusto ko lang ay ang umayos ang buhay ko,pero mukhang hinding-hindi ako lalayuan nang lungkot at gulo..

Its injoying staying in my life..

-----

The girl who Stole my First (+18) Reyeseries #1 [REVISING] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon