The Finale

251 13 4
                                    

Hime POV.

(Warning: sofa scene) (not edited)

"Saan ka pupunta? Hindi mo manlang ba kami isasama nang mga anak ko?".tanong ko kay Tristan,umiling lang siya habang buhat-buhat ang bag niya.

"Alam mo namang hindi pa pwedeng bumyahe ang mga bata diba?".tanong niya saakin,pasimple akong tumango.

"Ilang days lang naman ako sa Italy hime,wala naman akong ibang gagawin doon kundi ang trabaho".walang emosyong sabi niya.

"Tumawag ka ha?".malungkot na sabi ko.

"Bawal ang phone doon,iiwan kuna ang cellphone ko dito".sabi niya at nagulat nalang ako sa pag bato niya nun sa harapan ko. "Sige aalis na ako".sabi Niya at tumalikod nalang saakin.

"T-teka tristan!".tawag ko sakanya at kaagad naman siyang lumingon.

"Ano iyon?".tanong niya saakin.

Yung kiss ko..

"A-ah wala,sige,mag-ingat ka".sabi ko at mapait na ngumiti,itinaas niya lang ang kamay niya bilang sagot at umalis na siya nang tuluyan.

Napaupo nalang ulit ako at doon na tumulo ang lahat nang luha ko,ano bang nangyari? Wala naman kaming pinag-awayan,biglaan nalang siyang naging cold at biglaan nalang rin ang alis niya,hindi na siya nagsasabi saakin.

Iiwan mo na ba ako ha?

2 months na ang nakalipas simula nang manganak ako,yung pangako niyang kasal ay hindi nadin natupad,bakit tristan?

Nag baby talk ang dalawang baby ko kaya naman kaagad akong bumaling sakanila at binuhat muna si hayes,humikab siya at parang pinunasan niya ang kanyang mukha,malalaki pa ang mga kuko nila kaya naman nilagyan ko sila nang gloves.

Si hayes,namana niya saakin ang kilay,mata at ilong,samantalang bibig lang ang namana niya kay tristan,kabaliktaran naman kay hadley,parehong matangos at makakapal ang mga kilay pati pilikmata nila.

Ewan ko nalang kung saan nila namana ang ugali,sana lang hindi saakin nagmana si hadley,kundi magagaya siya sa kalandian ko.

"Gutom na ba yan?".tanong ko at tinitigan niya lang ako,himala at hindi siya umiyak ngayon,siya kase ang mas iyakin kesa kay hadley,mas matakaw rin siya.

Ibinigay kuna ang bottled milk niya at si hadley na ang sinunod kong buhatin.

Ngumingiti siya at parang pilit na inaabot ang mukha ko,umungol siya na parang may gustong sabihin saakin at ngumuti ulit.

Hmn,paniguradong mabait na bata ito.

Ngumiti ako pabalik at hinarap ko siya sa malaking salamin dito sa kwarto namin ni tristan,dito ako madalas kapag tinitignan ko ang tiyan ko.

"Ikaw yan..".sabi ko sabay turo sa salamin,napatingin naman siya doon at pa-ungol ulit siyang sumagot. "Wala ang daddy mo ngayon...kaya ako lang ang mag-aalaga sainyo".sabi ko sakanya at hinalikan ang ulo niya.

Naptingin nalang ako sa sarili ko sa salamin,ang losyang-losyang kuna,nawala narin yung abs ko,puro fats at strechmarks lang ang nakikita ko,samantalang ang pananamit ko din puro pajama at maluwang na sando nalang para madaling makapag-dede ang mga anak ko,gusto rin akong bisitahin nila marianne pero tumatanggi ako,kahit videocall tinatanggihan ko lang rin sila,ayaw kong makita nila ang pagbabago ko.

Maaaring isipin nilang puro ako puyat na totoo naman,hindi ko naman sila masisisi na mag-alala dahil ilang buwan narin kaming walang communication,buti pa sila may trabaho na,samantalang ako,umaasa lang kay Tristan.

The girl who Stole my First (+18) Reyeseries #1 [REVISING] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon