chapter 61

905 18 2
                                    

"T-tinatago? Wala naman love,sadyang nalulungkot lang ako dahil hindi na ako ang leading lady sa movie".sabi ko at uminom nang juice na nasa tabi ko,shit! Kailangan kung kumalma!

At nacu-curious rin ako kung ano ba yung nabasa niya,natatakot ako na baka anytime iwan niya na ako dahil--

"Ganun ba? Okay lang yan,lagi naman akong nasa tabi mo".sabi niya at ngumiti,sana nga..

Nagsimula na kaming kumain dalawa at nakinig nang portable radio na dala namin,parang dati rin lang naman pero may unting pagbabago.

Hindi na kase kasing saya nang dati,natatakot akong magsimula o magkwento nang kung ano dahil biglang may masabi akong iba na ikakadahilan nang pag iwan niya saakin.

Isa pang dahilan ay ang iniisip ko lang naman ngayon ay ang problema ko at baka yun ang masabi ko.

"So? Anong klaseng kasal ba ang gusto mo?".tanong niya saakin,napaubo naman ako.

"K-kasal? S-siguro church wedding or sa beach wedding".sabi ko,nag su-suggest lang naman dahil alam kung malabong matuloy.

"What if double wedding nalang?".

"S-seryoso ka? Matagal pa naman e".

"Pero mas maganda kung alam na natin ang future natin,iniisip mo ba na baka di tayo magtagal?".

"H-hindi naman,iniisip ko lang naman kase na baka marami tayong gastusin at tsaka graduating palang tayo next year".sabi ko.

"Gaya nga nang sabi mo matagal pa kaya makakapag-ipon na tayo tapos bibili narin tayo nang gamit at mga damit nang mga magiging anak natin para ready".nakangiting sabi niya habang kumakain.

"Remember? Nakikita ko ang future ko sayo?".sabi niya at sinubuan ako kaya hindi na ako nakapagsalita.

Bakit ganun? Ang dami niyang pangarap para saaming dalawa? Ayaw kong biglaang mawala lahat nang iyon pag nalaman niya ang lahat.

"Malapit naman na nating matapos bayaran yung bahay natin,lahat naka-plano na hime kaya kung may iniisip kapa akong bahala doon,ako ang lalaki at ako ang dapat gumagawa nang paraan..".sabi niya nang bigla nalang akong naluha,inayos niya naman ang buhok ko.

"Hime? What happened? Ssshh..".sabi niya.

"Ikaw kase eh,pinapaiyak mo ako".sabi ko,gusto kong ilabas lahat nang problema ko pero mahirap lalo nat naiisip niya na ang future niyang kasama ako.

Pinunasan niya ang luha ko at niyakap ako.

"Ikaw talaga napaka-iyakin mo,unti nalang isipin ko talagang buntis ka".sabi niya,sana nga para wala kang dahilan para iwan ako..

"Uwi na tayo?".tanong niya saakin.

"Tara".sabi ko at iniligpit na namin lahat nang inilapag namin kanina,kada minuto lagi ko siyang napapansin na nakatingin saakin,parang hinuhuli niya ako na parang ewan..

Sumakay na kami sa kotse pagkatapos naming magligpit,pagabi na rin nang makarating kami sa tinutuluyan namin,walang nagsasalita saamin sadyang ang maiingay na sasakyan at busina lang ang maririnig mo sa araw na ito,parang hindi kame magkakilala,parang walang kame.

"Love..".tawag niya saakin.

"Hmnn?".

"Ahmn never mind".sabi niya.

Damn! Kinakabahan na ako.

Venus POV.

"Hello tita! Ofcources,maghihiwalay na yun malapit na,oh yes tita,ako paba? Magaling ata ako diyan,alam kung kinakabahan narin si hime ngayon,and the invitation i already leave it in thier condo kahapon pa...sige tita bye!".sabi ko bago ibaba ang tawag.

The girl who Stole my First (+18) Reyeseries #1 [REVISING] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon