chapter 94.

541 18 0
                                    

Hime POV.

"Shawn,kamusta si Vaya?".tanong ko sakanya,talagang nacu-curious Lang ako dahil dati ay oras at minu-minutong may kausap itong si shawn pero bigla nalang nagkaganyan.

Nagsimula Ito nung sinabe Kung uuwi na kami dito sa pinas,Hindi ko din macontact si Vaya,siguro nga ay may problema talaga.

"Wala,Wala namang bago ei,Tao padin siya".sagot Niya kaya binato ko siya nang unan.

"Seryoso ako".Sabi ko.

"Wala nga ei,Wala namang kami,Kaya Wala".Sabi Niya kaya pinanliitan ko siya nang Mata.

"Anong Wala? Wala talaga as-in? Friends with benefits?".gulat na tanong ko.

"Siguro,argh! Hindi sa ganun,Hindi kase malinaw Ang lahat,di naman ako nanligaw at di Rin Niya ako sinagot,ngayon pala isipan parin saakin Kung paano naging kami Kaya Ito mas pinipili ko nalang na umiwas".Sabi niya at humigop nang kape.

"Tanga Lang Shawn?".

"Tanga tanga ko kase ei! Tsaka natatakot akong magtanong Kung kami ba kase Alam mo Yun,Masasaktan ko Yung feelings Niya".Sabi Niya.

"Pero iniwan mo paden siya Kaya Masasaktan paden Ang feelings Niya,Alam mo,kilala na Kita ei,pag Mahal mo Hindi mo nalang basta-basta iiwan".Sabi ko at tinignan siya nang matimtiman.

"Si Venus paden no?".tanong ko nang umiwas siya nang tingin.

Sabi na ei.

"Huh? Ewan,Hindi?". naguguluhang sagot Niya.

"Alam mo Shawn,sinayang mo si Vaya ei,ano nalang kayang iisipin Niya pagkatapos nang ginawa mo? Syempre iisipin Niya Kung may Mali ba sakanya,Kung may pagkukulang ba siya at Kung may nagawa ba siyang Mali dahil sa ginawa mo".panimula ko.

Antanga Niya naman Kung Doon paden siya sa taong minsan na siyang pinagpalet.

"Diba nasaktan kana?".tanong ko pa sakanya.

"Oo Naman".

"Edi dapat Hindi mo ginawa Yun kase alam mo sa pakiramdam Kung paano Ang masaktan,masyado kang mapanakit".Sabi ko.

"Makapagsalita ka Naman Parang dika nakasakit".Sabi Niya Kaya tinaasan ko siya nang kilay.

At Sino Namang sinaktan ko?

"Sinaktan mo Yung sarili mo,pinasuko mo Yung sarili mo kahit Hindi mo talaga Kaya,ngayon sinong mas mapanakit saatin? Ako kase may mga nilinaw at pinag-usapan muna kami bago nahantong sa ganito,ikaw ba? Nilinaw mo na ba Yung sarili mo Kung Yung bago o Yung dati parin?".tanong niya,sasagot na sana nang may tumawag na saamin mula sa baba.

Bwesit,ayaw ko nang isipin Ang bagay na iyon,masyado nang malalim sa isipan ko Ang Bagay na iyon para hukayin pa at ungkatin.

Oo diko nakalimutan Ang lahat pero Ayaw ko ring alalahanin.

"Anak! Shawn! Tara na,kakain na".Sabi Ni mommy Kaya sabay na kaming tumayo ni Shawn at bumaba, awkward nanaman Ito panigurado,nung isang araw kase Hindi ako sumabay dahil sa bwesit na step-brother ko!

Yeah!

At tsaka simula nung kahapon Hindi pa kami nakakapagusap nang maayos ni ate trixzie at si kuya Travis,lalong-lalo na kay Venus,tinitignan ko palang mukha Niya naiinis na ako.

Ipinaghila ako nang upuan Ni Shawn Kaya naman naupo na ako.

"Anong kayang ulam?".tanong ko sa sarili ko at bubuksan ko na Sana Ang takip nang Tupperware nang may nagkusa nang magbukas dito at tumambad saakin Ang mainit-init pang chicken curry!

The girl who Stole my First (+18) Reyeseries #1 [REVISING] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon