chapter 87

694 15 0
                                    

May nakakalito talagang parts dito dahil nangyari Yun sa reyeseries#2 (chapter13) pakibasa nalang po Kung ayaw niyong malito.

--------

Tristan POV.

Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko at nahihilo ako sa amoy ng paligid.

Nasan na ba ako? Nakauwi na ba kami?

Pinilit Kong bumangon pero bumabagsak parin ako sa Kama ko,hanggang sa napansin ko Ang nasa kamay ko.

Pati narin Ang nasa paligid ko ngayon.

Nasa hospital ako.

"A-ate..".pilit Kong tawag sakanya dahil sa paos kong Boses,ano bang nangyari nitong nakaraan? Hindi ko maalala.

"Ate..".tawag ko pa at kinalabit Ang kamay niya.

Dumilat naman Ang mata niya at kaagad na naghanda ng makakain ko,pati narin Ang iinumin Kong gamot.

Pero Ang gusto ko Lang malalam ngayon ay Kung ilang araw akong nakatulog.

Ayaw kong may nasasayang na araw.

"Ate...ilang araw akong nakatulog?".tanong ko pero mukhang Wala siyang balak sagutin iyon dahil nakatuon siya sa paghahanda ng pagkain ko.

"Kuya..".tawag ko Kay kuya Percy pero umiling Lang siya,mukhang Wala silang balak na sabihin saakin.

Naramdaman Kong may tumulo sa kabilang Mata ko.

"B-bakit ayaw niyong sabihin saakin?".mahinahong pero may galit na sabi ko,Ang sakit-sakit ng puso ko..

Gusto ko nang Makita si Hime, sobra-sobra na.

Gusto ko Lang Makita Kung okay Lang siya tapos pag nangyari na Yun ipapaliwanag ko Ang lahat at iuuwi ko siya tapos magiging masaya na ulit kami..

Tutuparin Kuna Yung Plano naming bumuo ng pamilya.

"Kumain kana,Tristan".Sabi ni ate at inilalapit saakin Ang pagkain ko.

"A-yaw ko niyan".Sabi ko at lumingon sa kabilang direksyon.

"Wag nang makulit Tristan,pupunta si mama mamaya dito".Sabi Niya Kaya napakunot Ang noo ko.

"Pupunta dito si mama? Hahanapin Niya Rin si Hime?".tanong ko ng umiling siya at tumulo na Ang luha Niya.

"Nasa pilipinas na Tayo Tristan,inuwi kana namin,para sayo Rin naman ito e..".Sabi niya.

Napakuyom Ang kamao ko,gusto Kong sigawan si ate,bakit Hindi nila ako maintindihan?!

Tinignan ko ng sobrang sama si ate habang tumutulo Ang luha ko sa magkabilaang Mata.

"Bakit?!".tanong ko at bumangon ako sa higaan ko kahit Hindi pa talaga Kaya ng katawan ko.

"Bakit Hindi niyo ako maintindihan?!".galit na tanong ko. "Nagpagod ako para sa Wala,ganun ba?!".sigaw ko Kaya mas lalong Napa hagulgul si ate.

Lumapit si Percy sakanya at pinatahan.

"Hindi lahat ng Tao naiintindihan ka tristan..".Sabi Niya.

"Kaya ko namang bayaran Ang lahat ng gumastos niyo sana pinabayaan niyo na ako!?".sigaw ko at tumulo na Ang luha ko.

Paano na? Bakit masyado silang makasarili?

"May naghahanap na Kay Hime, tristan. Sasabihin ko naman sayo Kung nahanap na sila ng tauhan ko".Sabi ni Percy pero Wala na akong balak na lingunin siya.

Wala na Yung tiwala ko sakanila,akala ko pa naman tutulungan talaga nila ako pero mas pinalala Lang nila Ang lahat.

"Sige,lalabas na kami".paalam ni Percy.

The girl who Stole my First (+18) Reyeseries #1 [REVISING] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon