chapter 67

748 14 0
                                    

Nagulat ako kanina nang may dumating na mga make up artist para ayusan ako,pinadala raw sila ni tristan.

Mahal niya talaga ako.

Kamusta na kaya ang ipokritang iyon,sumuko na kaya siya kaya wala akong balita sakanya.

Tsk! As if naman na susuko yun,si tristan paba,eh baliw na baliw yun sa boyfriend ko.

Subukan niyang sabihin lahat nang itinatago ko,hindi man ako kaagad makaganti,sisirain ko rin ang buhay niya.

Alam ko namang hindi maniniwala si tristan sakanya,walang maniniwala sa sinungaling depende nalang kong tanga ka,uto-uto in short.

Kampante akong maniniwala saakin si tristan,siguro naman nandiyan pa yung tiwala niya saakin.

Pero nangangamba parin ako,minsan na siyang naniwala sa babaeng yun at ang malala ay naging rason pa nang pag-aaway namin.

"Aalis na kami miss hime,marami pa po kase kaming aayusan,kaso wala kayong kasama dito".sabi niya.

"Okay lang ako,padating narin siguro si Tristan mamaya".sagot ko at nginitian naman nila ako bago sila lumabas.

Pero diko talaga alam kung anong oras babalik si tristan at kung saan siya pumunta.

At diko rin alam kung babalik paba siya saakin..

Tristan POV.

Nagdalawang isip ako nang makita ko sa screen nang cellphone ko ang pangalan ni venus.

Diko alam pero kinakabahan talaga ako pag tumatawag siya.

Minsan niya na rin kasi nasabing may alam siya sa sekreto ni hime at gustong gusto kong malaman yun para maayos pa ang lahat,kaya ko namang magparaya e,kahit kailan at sa anong sitwasyon pa yan..

"H-hello".sagot ko sa tawag.

"Tristan,malapit ka nang mapasaakin..".sabi niya at narinig ko ang munting hagikgik niya.

"A-ano? Nababaliw kana ba venus?".tanong ko sakanya.

"Oo,nababaliw na ako sa sobrang saya,akalain mo yun,madali lang pala kayong magkakahiwalay".sabi niya pa.

"Pero hindi pa kami hiwalay venus".seryosong sagot.

"Ngayon hindi pa pero baka mamaya,malay mo..".sabi niya.

"Ano ba talagang alam mo venus? Bakit parang alam mo lahat nang nangyayari? Sabihin mo nga,plinano mo ba ito?".tanong ko sakanya.

"No,They planned it!".sabi niya.

"Nino? At paano mo nalaman?".

"Malalaman mo rin at pakisabi kay hime,wag nang bonggahan ang makeup dahil masasayang lang effort niya,you know baka mas lalo siyang pumangit dahil sa kakaiyak! HAHAHA bye Tristan".sabi niya at ibinaba ang tawag.

Napahilamos tuloy ako nang mukha ko sa kaba,gusto ko nang malaman ang lahat.

Gulong-gulo na ang isip ko,paano kung matagal na pala akong niloloko ni hime?

Ano nalang gagawin ko pag napunta siya iba?

At paano pala kung--

"Tristan..".madali akong napatayo nang marinig ko ang boses ni hime mula sa likod ko.

Pero mas nakakuha nang atensyon ko simple floral bohemian dress niya at ang kumalat na mascara niya sa mata.

Para bang wala siyang balak na pumunta sa ball.

"Bakit ganyan ang itsura mo?".tanong ko sakanya.

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan? Diba ganito naman yung dating hime? Magulo at walang pakialam sa sarili?".sabi niya at umikot sa harapan ko. "Diba ganito yung hime na minahal mo? Ito na ako,nandito na ako!".sabi niya.

The girl who Stole my First (+18) Reyeseries #1 [REVISING] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon