chapter 12

4K 51 1
                                    

"Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat nang ito~".

Nahulog na ako sa kama kakamadali,siguradong si hime yung tumatawag.

At nang nakita kung siya nga,biglang nawala ang antok ko at napalitan nang ngiti.

"Hello". Wika ko,ano ba naman yan! Bakit ba ako kinakabahan?!

"Hmmn,inaantok kapa ata? Sige,bye muna". Ano? Mag-uusap palang kami bye agad!

"Ah Hindi! Namaos lang siguro ako kagabi!". Wika ko

aish! Gusto ko ngang maka-usap ka buong araw e,kahit mamaos na ako basta ikaw lang yung bubuo nang araw ko.

Ang torpe ko kasi e! yung tipong kailagan ko pang uminom nang alak para magkaroon nang kapal nang mukha.

"Hello? Nandiyan ka pa ba?".

"A-ah,ano ulit yun?".tanong ko,ayy nako lumipad nanaman yung isip ko.

"Ang sabi ko,may date kana ba para sa Valentine's night? Ang Alam ko kasi sa sa February 13 yun gaganapin e".

February 13,kasabay nang  birthday ni Venus yun.

"Ahmn,meron na kasi e".siguro,pag nalaman niyang si Venus yung date ko magseselos siya..

Ang assuming ko talaga!argh,nakakainis!

"Sino?".

"Si Venus,bakit mo natanong?".ilang segundo siyang di nagsalita sa Linya kaya tinignan ko kung ibinaba niya na ba,pero Hindi pa pala.

"Hime? Nandiyan kapa ba? Hello?".tanong ko.

"Ah sorry,wala natanong ko lang,may nag-aya kasi saakin,sige bye na".

"Bye".sagot ko.

Ang aga pa pala shit! Di na ako makatulog nito at diko pa alam kung sino ba yung nag-aya sakanyang sinasabe niya?

Ugrh! Ang tagal namang mag umaga,madaling araw palang kaya!

Haist! Bahala na nga!

4 hours later..

*kring* *kring*

Shit! 7:30 na! Kailangan ko nang maligo!

Mabilis akong nagbuhos nang tubig dahil alam ko namang malamig yung tubig,parang Ayaw ko na ngang maligo e!

"Ho! Ang lamig talaga!". Wika ko habang nagbubuhos nang sunod-sunod,Hindi narin ako nag-shampoo at nag sabon,nandiyan naman si pabango e,hahaha!

"Malamig ba talaga?".

"WAHHH! MULTO! SINO KA--! RAQUEL?!". Gago,siya lang pala.

"Hahaha! Para kang nakakita nang multo!".

"Putcha! Ginulat mo ako!". Wika ko sabay bato sakanya nang tuwalya,alam niya namang takot ako sa multo tapos gugulatin niya ako!

"Ito naman,Hindi ka mabiro hahaha! Na-miss mo ako no?". Tanong niya,seryoso ba siya? Eh,isang araw lang siyang Hindi pumasok e!

"Siguro.."

"Siguro? Ano ba naman yan,nakaka-tampo ka!".

"Hahaha! Baliw Karin naman kasi e,isang araw ka lang naman kasing di pumasok! Teka nga,bakit ka nga pala Hindi pumasok?". Wika ko sabay gulo nang buhok niya.

The girl who Stole my First (+18) Reyeseries #1 [REVISING] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon