chapter 63

881 18 0
                                    

Tristan POV

Nakatulog ngayon sa hita ko si hime,nalulungkot parin ako sa sinabe niya kanina.

Gusto kong malaman kong prank lang ba yun,hinahanap ko ang camera sa buong bahay para malaman ang totoo,masakit dahil pag naghiwalay kami lahat nang plinano at ipinangako namin sa isat-isa ay masasayang..

Tumulo ang luha ko sa pisngi niya pero madali ko iyong pinunasan dahil baka magising siya..

"Ano ba kasing problema love?".bulong ko.

"Dimo na ba ako mahal?".tanong ko ulit.

Iniisip ko palang na mapupunta siya sa ibang lalaki nasasaktan na ako,i want years not months.

Gusto ko magtagal siya saakin para pag dating nang tamang panahon ay masabi niyang buti at hindi niya ako hiniwalayan..

Dahan-dahan kong inalis sa hita ko ang ulo niya nang maalala ko ang sobre kaninang binalak kung buksan,baka may sagot akong makuha doon.

Nang makarating ako kung saan ko iniwan yun ay madali kung hinugot ang nasa loob noon kaso card board lang ang nakalagay doon.

Kahit ilang beses kung bali-baliktarin ay wala talagang nakasulat,haiyst! Siguro napa-paranoid lang ako.

Bumalik ako doon at inihiga ulit siya sa hita ko.

Poor me,hindi ko alam kung makakahanap pa ako nang iba pag nawala si hime saakin.

Sinabe kuna na nga,nakikita ko ang future ko sakanya..

Sakanya lang..

Shawn POV.

Hanggang sa dumating na ang umaga,diko man lang na chat or na-text kagabi si venus,feeling ko away nanaman ito e.

Guston kong humingi nang tawad pero diko alam kung papano?

"Hey,sorry kagabi ha? Alam mo namang ikaw lang mahal ko e".practice ko habang nakatingin sa salamin,napangiwi nalang ako sa sobrang panget nang pagkakasabe ko.

"Isa pa,isa pa..".sabi ko sa sarili ko at huminga nang malalim.

"Sorry na venus,si vaya ba? Wala yun diba basura lang yun? Gusto mo sabay pa nating itapon sa truck?".napatawa nalang ako sa naisip kong sabihin.

"Last na talaga".sabi ko ulit sa sarili ko.

"Im really sorry venus,wala lang naman talaga yung kagabi e and im sorry kung nakalimutan kitang tawagan para mag sorry kagabi wag mo sanang isipin na inuna ko si vaya kaysa sayo at alam mo ba? Mas maganda ka naman talaga sakanya e".

"I know".madali akong napatingin sa salamin nang may narinig akong sumagot. "Hoy! Diba salamin ka lang? Bat ka sumagot na kupal ka!".sabi ko sabay bato nang salamin,putcha natakot tuloy ako.

"HAHAHA! para ka talagang baliw kevin".pagkatapos nun ay lumingon na ako sa likod ko at nakita ko doon si venus na tumatawa.

"V-venus?".

"Ako nga bakit?".sagot niya,bigla akong napatingin sa dala niyang maleta.

"Uuwi kana?".

"Bakit? Gusto mo na ba para makapaglandian na kayo nang vaya na yun?".sabi niya at tinaasan ako nang kilay,lumapit siya saakin at hinawakan ako sa balikat.

"Tandaan mo kevin,nililigawan mo ako at hindi ka pwedeng dumikit sa iba pang babae".sabi niya at lumayo rin lang kaagad.

"At sabi ko nga kagabe,kung maghahanap ka nang iba yung mas maganda naman saakin".sabi niya ulit at pumasok sa isang kuwarto kasama ang maleta niya.

The girl who Stole my First (+18) Reyeseries #1 [REVISING] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon