chapter 102

330 16 0
                                    

Hime POV.

"We should celebrate! 1 million views kaagad Yung teaser natin Wala pang 1 day,napakagaling Naman kase nang mga artista natin ei!".Sabi Ni direct Kaya naman nagpalakpakan silang lahat.

"Lalong-lalo na syempre Yung dalawang bida pero mukhang may LQ  Yung dalawa,Hindi nagpapansinan".Sabi pa Niya pero Hindi na ako nagsalita.

Baka Kung ano pa Ang masabi ko.

"So sa bar nila Tristan mamaya? Sa mga may jowa magpaalam na,sa mga Wala punta nalang Kayo kailan niyo gusto kase Walang nagbabawal sainyo".pagbibiro Ni direct Kaya Naman nagtawanan kami.

"Ang sama direct,kaw Rin naman Wala ei".Sabi Ni Marianne (katrabaho ko)

"Meron Kaya,si papa Vincent diba? Mwah!".Sabi Ni direct Kaya Naman napangiwi si Vincent.

Mga siraulo talaga.

Siguro ay magpapaalam na ako kaagad Kay Leighnard at baka Hindi pa ako makapunta pag Hindi ko napilit.

"Oh ikaw Tristan,wag mo pagbabawalan si Hime at baka nagtampo Yan sayo".

"Tsk,bakit pa ei may sarili naman siyang buhay".sabat Ni Tristan.

Kung Wala kang Pake saakin,mas Wala akong pake sayo!

"May LQ talaga ei,lalayo na ako at baka masapak mo Ang feslak ko".Sabi Ni direct sabay layo.

"8 pm dapat nandoon na lahat okay? Para maaga Rin Lang tayong makauwi,o sige uwi na at may date pa ako".katulad kanina ay nagsitawanan ulit kami bago lumabas.

Hindi ko palang tinatawagan si Leighnard ay nakaabang na kaagad siya sa may front gate at hinihintay ako.

"Ang aga mo ata".masayang sabi ko.

"Malamang,para Naman makabawi ako sa Mahal ko".Sabi Niya at yumakap saakin,hahalikan Niya pa Sana ako nang malamang Ang Alam nila sakanya ay butler Lang.

"Sayang,papakin ko pa sana yang labi mo ei".bulong Niya Kaya natawa ako.

"Pwede naman sa bahay ei".bulong ko din Kaya natawa Rin siya.

Napatigil nalang kami nang dumaan si Tristan.

"Tsk,sinong Makati ngayon?".tanong ni Tristan sabay sakay sa kotse Niya.

Papansin Lang?

"Hayaan na natin Yun baka nasaktan Lang siya sa sinabe ko sakanya".Sabi Niya sabay tawa nang mahina.

Pagkasakay namin ay pinaandar kaagad Ni Leighnard Ang sasakyan,may iniluto raw kase siya para saakin at excited na siyang malaman kung ano Ang magiging reaction ko.

How sweet!

Ay! Magpapaalam pa Nga pala ako pero baka mamaya nalang.

Pumikit ako at inamoy Ang sariwang hangin na pumapasok sa loob nang kotse pero pagkalingon ko ay napapikit nalang ulit ako dahil nakita ko nanaman Ang pagmumukhang ayaw Kong Makita.

"Ang arte mo! Diko Kayo sinusundan no? Iisa Ang daanan!".sigaw Niya,umirap ako at humarap ulit sakanya.

"Pwede ba?! Wala akong sinasabe,Kaya wag Kang masyadong pahalata kase buking na Kita!".Sagot ko pabalik,ei sa badtrip Naman kase talaga siya,hinding Hindi na ako mag a-assume katulad nang ginawa ko dati dahil Lang sa naging sweet siya saakin.

An tanga at naisip ko pa Ang bagay na iyon.

"Che! Bakit ko Naman Kayo susundan? Buti Sana Kung mga chix kayo pwe!".Sabi Niya.

"Bastos!".sigaw ko nang umalis siya sa tabi nang sasakyan at pumunta sa harap nang sasakyan namin mismo!

Nang-aasar kana Tristan!?

The girl who Stole my First (+18) Reyeseries #1 [REVISING] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon