chapter 24: Sweet talks

2.7K 49 1
                                    

Hime POV.

"Good morning love..".pagkamulat ko nang mata ko tumambad kaagad ang mukha ni Tristan saakin.

"Morning rin".Wika ko,bigla siyang ngumuso,halla! May nasabe ba akong masama?

"Nasaan yung love doon?".tanong niya,napakamot nalang ako nang batok,nakalimutan ko haha!

"Sorry naman love..". Wika ko at binigyan siya nang Isang matamis na halik,nakita ko namang namula siya kaya napa-iwas siya nang tingin.

"Hahaha namumula yung love ko!".asar ko sakanya.

"love naman! Nahihiya na ako dito e!".Wika niya,hahaha ang cute niya talaga pag namumula,diko tuloy maimagine na boyfriend kuna ngayon tong lalaking ito.

"Tayo lang naman e,Sige na! Harap kana dito!".pang-aasar ko pa sakanya,kinikilig rin tuloy ako hihi!

"Mag toothbrush na nga lang tayo!".Wika niya at tumayo kaya naman sumunod narin ako sakanya.

Habang nag to-toothbrush ako biglang may nag-flash sa harap nang salamin,nang makita Kong may hawak na cellphone si Tristan Habang tumatawa.

Kinuhanan niya ako!?

"Tristan! I-delete mo yan!".singhal ko habang Hindi maipinta Ang mukha ko,paano nalang pag Ang pangit ko pala Doon?

"Ayaw ko nga! Ang cute mo kaya dito hahaha!".eh?

"Tristan naman! Bakit ba ayaw mong i-delete!?".tanong ko sakanya.

"Memories,ito yung first day nating mag girlfriend at boyfriend kaya dapat may picture tayo..". Lumundag naman yung puso ko sa sinabe niya,Hindi ako sanay pag sobrang sweet niya,feeling ko kasi pag ganyan siya,pag Wala na kami hahanap-hanapin ko na yun palagi,ayaw Kong masanay..

"At tsaka kahit pumangit ka sa paningin nila,maganda ka parin sa paningin ko".Sabi Niya pa Kaya nagpigil ako ng ngiti.

"Smile!".Wika niya at kinuhanan ulit ako nang picture,hinayaan ko nalang siya at tinapos ang pag to-toothbrush.

Pagtapos nun ay sabay na kaming lumabas ni tristam,nagulat naman ako nang masalubong ko sila Prince at Raquel.

Magka holding hand silang dalawa,Nakita ko namang Napatingin si Raquel sa mga kamay namin ni Tristan na magka holding hands rin.

Ngi-ngitian kona sana siya nang ngumiti siya saakin nang mapait.

"Congrats,masaya ako para sainyo". Wika nito at naglakad na silang pareho,Napa lingon nalang ako sakanya,iba ang mga sinasabe niya sa sinasabe nang mga mata niya.

Sa tingin ko kailangan naming mag-usap ulit.

Nagpunta kami sa mga crew na naghahanda nang mga pagkain,pag marami ang mga tao dito sa resort namin madalas nauubos ang mga pag kain at dahil kami lang ang tao dito kami narin ang uubos haha!

Pero Mali ata ako sa nasabi ko,Hindi ko man lang manguya yung mga naka handa sa lamesa.

"Dahil ba Kay Raquel?". Biglang tanong ni Tristan.

"A-ah Hindi ah".sagot ko pero mukhang Alam Niya talaga.

"Nakita ko Yung kanina".Sabi niya

"So Alam mo talaga?". Tanong ko.

"Oo at alam ko ring may gusto saakin si Raquel..". Nagulat naman ako sa sinabe niya.

"Nung umamin ako sayo,alam Kong umalis siya nun pero Hindi ko na siya liningon..".

"Pero bakit mo ginawa yun?".

"Kaibigan ko yun kaya mahal ko yun at pag liningon ko siya Alam ko sa sarili ko na Hindi ko mapipigilang habulin siya,ayaw Kong nakikitang umiiyak yun,kayang-kaya na ni Prince gawin yung mga bagay na dati ako ang gumagawa para Kay Raquel,kaya trabaho niya nang patahanin at pasayahin si raquel  at kilala ko si raquel..Kung sino lagi yung nasa tabi niya doon siya madaling magka-gusto".

"Pero kaibigan mo siya,dapat hinabol mo parin siya..". Wika ko.

"Edi pag ginawa ko yun patuloy parin siyang magkakagusto saakin kasi nag papakita ako nang care sakanya,mas maganda narin siguro kung mahanap niya yung tamang lalaki para sakanya, ayaw mo bang mabuo yung love team natin?".tanong niya,napangiti naman ako sa mga sinabe niya,iniisip niya parin pala yung kaibigan niya kahit papaano.

"Syempre gusto..". Sagot ko.

"Oh yun naman pala,kumain kana at baka mawalan ka nang lakas mamaya,mag swi-swimming pa tayo".

Habang kumakain,Hindi ko mapigilang mapangiti,hindi ako nagkakamali sa pag tanggap sakanya sa buhay ko.

Napaka maaa-lahahanin niya..

"Tama na ang kakangiti Love, lalo akong mahuhulog niyan". Wika niya,kinilig naman ako sa sinabe niya,ganito pala talaga pag nagmamahal,nagiging cheesy sa pag sasalita..

"Sige nga po,love ko".napa-iwas nanaman siya nang tingin nung tinawag ko siyang love,ang cute niya talaga hahaha!

Prince POV.

"Okay kana?". Tanong ko sakanya Habang nakayakap ako sa mga bewang niya,nandito kami ngayon sa open area nang resort kung saan mga halaman at puno lang ang meron at sa taas naman ay may pavilion na kitang-kita yung palayan sa likod nito.

"Oo,bumaba na tayo". Wika niya kaya naman inalalayan ko siyang bumaba nang pavilion.

"Dahan-dahan lang baka mahulog ka". Paalala ko sakanya dahil marupok na yung hagdanan na kahoy na dinaanan namin kanina.

"Alam mo hindi ako sanay.." biglang sabi niya.

"Sa alin ba?". Tanong ko naman.

"Yung ganyan ka,ang sweet-sweet mo kasi e tapos parang bawat oras kailangan kasama kita--".inilagay ko naman yung pointing finger ko sa bibig niya.

"Shhh! Tama na okay,may girl friend na si Tristan kaya asahan mong ako na lagi yung kasama mo at manliligaw mo ako kaya talagang sweet ako sayo,nakakalimutan muna ata yung sinabe ko sayo kagabe e!".Wika ko.

"Hindi ko yun makakalimutan no! Naka ilang halik ka kaya kagabi!".Wika niya,napatawa naman ako nang malakas.

"Kaya nga bumaba na tayo at baka Hindi lang halik ang gawin ko sayo mamaya hahaha!".Wika ko kaya Napa hampas naman ito saakin.

"Bastos ka talaga!".bulyaw niya saakin.

"Mahal ka naman". Wika ko kaya naman napa-iwas siya nang tingin,problema niya?

"Halika na nga baka mamaya hinahanap na tayo nila hime at Tristan e!".Wika niya at hinila ako sa pool side.

"Bakit tayo nandito?".tanong ko sakanya.

"Nagtext kanina pang umaga si hime na may balak daw silang mag swimming nila Tristan".Wika niya.

"Sigiraduhin mong hindi ka iiyak pag nakita mo sila". Paalala ko sakanya.

"Asus! Alam ko namang kahit umiyak ako nandiyan ka para patahanin ako e". Wika niya na nakapag pangiti saakin,naa-apreciate niya rin pala yung ginagawa ko.

"Raquel..". Pagkaharap niya ay mabilis ko siyang hinalikan sa mga labi niya,parang Hindi ko ata kayang Hindi siya halikan sa araw-araw,mukhang masasanay ako nang ganito.

Humiwalay na kaming pareho at pinagdikit ko naman ang mga noo namin.

"Hindi pa tayo pero nakakarami kana.." Wika niya.

"Hayaan mo aaraw-arawin ko lang naman ang pag halik sayo kaya masanay kana". Banta ko sakanya at tsaka hinawakan kuna ang kamay niya kahit ang bilis na nang tibok nang puso ko
At pumunta kina hime na kakarating lang.

Tangina! Ang hirap talaga pag inlove!

-------
Na i-post kona nga po pala yung isa ko pang story,kindly read naman po sana,thanks!

The models seducer po yung title at kung Hindi mo mahanap ay pumunta lang po kayo sa profile ko.

Vote!
Comment!
Share!

The girl who Stole my First (+18) Reyeseries #1 [REVISING] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon