chapter 85

688 12 2
                                    

Tristan POV. 

Sampong araw nanaman Ang nakalipas..

Pero apat na lugar palang Ang napupuntahan namin at Doon pare-parehas Lang Ang nangyari.

Ang hirap,nakakapagod..

"Tristan,paano kaya kung tumigil na tayo? Ipagtatangol naman kami ni Percy kahit anong mangyari--".tanong saakin ni ate

"Hindi! Hindi ako titigil ate,malapit na tayo,nararamdaman ko iyon".Sabi ko at nilagyan ng ekis Ang mga lugar na napuntahan na namin.

× California
× Chad
× chile
× Cameroon.
   Cambodia
   Chad
   Cape Verde
   Costa Rica
   China
   Comoros
   Canada

Napabuntong hininga ako at kumuha ng sigarilyo sa bulsa ko,masyado pang marami.

Pero siguro naman Wala si Hime sa ibang lugar diyan pero pupuntahan ko parin,babayaran ko nalang Kay kuya Percy lahat ng nagastos niya saakin.

Sisindihan Kuna Sana Yung sigarilyo ng bigla iyong inagaw saakin.

"Kailan kapa natuto nito tristan?".tanong Niya at tinapakan iyon.

"Ngayon-ngayon Lang Rin".sagot ko ng kinapa Niya Ang leeg ko at magpaganda siya Kay kuya Percy ng malamig na tubig.

"May lagnat ka tristan,tumigil muna tayo ng isang araw para makapagpahinga ka,may inutusan naman na Ang kuya Percy mo para maghanap sa Ibang lugar".Sabi Niya ate ng maramdaman Kong babagsak ako Kaya naman madali Niya ako sinalo Kaya muntik Rin siyang matumba,buti nalang at dumating kaagad si kuya Percy.

"Ayaw mo bang dalhin ka namin sa ospital?".tanong ni kuya percy kaso umiling ako,dagdag gastos nanaman iyon,Ang gusto ko Lang ay Ang Makita ay bumalik saakin si Hime.

At Kung Hindi kami kikilos bukas ay masasayang Ang isang araw.

Tuluyan na siyang mawawala saakin..

Nakahiga na ako sa Kama habang pinupunasan ako ni ate my maramdaman Kong may mainit na likido Ang lumabas mula sa mga mata ko.

Mga luha..

"Ate...gusto ko nandito si Hime at siya Ang gumagawa saakin niyan..".Sabi ko at pinunasan naman ni ate Ang luha ko.

Dapat nga ay Hindi siya nadadamay sa problema ko pero nandiyan parin siya,ate ko nga talaga siya..

"Malapit na Tristan,mahahanap na siya ng mga tauhan ng kuya Percy mo..".sagot Niya at pumikit ako.

Kung totoo Lang Sana iyon.

"Pero tristan...Wala ka bang balak na sumuko sakanya?".tanong saakin ni ate. "Hindi Kuna Kayang nakikita Kang nahihirapan..".Sabi Niya pa may ngumiti ako sakanya para malaman niyang sincere ako sa sagot ko.

"Hindi ako susuko,Sabi mo nga diba malapit na?".Sabi ko at pumikit nalang ako,kahit pa napapagod na ako.

Hindi ako pwedeng tumigil.

Ayaw ko si Venus,siya Lang Ang gusto ko,siya Lang..

"Matulog kana,gigisingin nalang Kita pag bumaba na Ang lagnat mo".Sabi Niya kaya ipinimit Kuna Ang mata ko.
  

Kahit sa panaginip Lang muna Kita Makita Hime,okay lang..

Hime POV.

Katulad parin ng dati,bumalik nanaman ako sa bar Gaya ng dati may nakakilala ulit saakin.

Pero Ang Hindi ko Alam Kung bakit hanggang ngayon Walang kumakalat na balita na nandito ako na maganda ngang nangyayari ngayon.

Dahil Kung Hindi papalibutan ako ng mga reporters Kung sakali.

The girl who Stole my First (+18) Reyeseries #1 [REVISING] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon