Skyler's 18th birthday

14 0 0
                                    

Umalis si Skyler sa kanilang bahay upang puntahan ang kaibigan niya, birthday na niya bukas at nais niya itong imbitahan dahil maghahanda ang mama niya sa bahay nila. Naglalakad na si Skyler papunta sa bahay ng kaibigan niya habang busy siyang nagtetext para sabihan ang iba pa nilang kaibigan nang bigla niyang mabangga ang isang babae.

"Ay! Miss, sorry di ko sinasadya. Pasensya na talaga. Ayos ka lang ba?" Napatingin siya sa babaeng nabangga niya. Napakaganda nito, tila may kakaiba dito. Para syang isang anghel, inabot na ni Skyler ang gamit ng babae at may naramdaman siyang di niya maipaliwanag. 

"Ah---ehhh... okay lang ako, pasensya na rin. Di ako tumitingin sa dinadaanan ko nagmamadali rin ako. Sorry din." sabi ng babaeng nabangga niya. 

Dahan dahang inabot ni Skyler ang gamit ng babae, nang nahawakan niya ang kamay ng babae tila may kung anong kuryente o kapangyarihan siyang naramdaman. 

"ahh, sige pasensya na talaga, nagmamadali talaga ako." ani ng babae at nagmamadaling umalis.

Walang nagawa si Skyler kundi tingnan nalang ang babae na nagmamadaling umalis

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Walang nagawa si Skyler kundi tingnan nalang ang babae na nagmamadaling umalis. Napagpasyahan na din nyang magpatuloy na at pumunta sa kaibigan niyang si Ariel.

"Hey? Arieeeeeeeeeeeel

"Oh, napadalaw ka. Anong meron, Skyler?"

"Siraulo kaba, birthday ko na bukas. Punta kayo ah, dapat kumpleto tropa bukas. Sa bahay lang naman, may pa chibog si mama."

"Ah sige sasabihan ko sila, salamat hahaha dapat di kana nag-abala. Tinext mo nalang ako."

  "Okay lang, wala rin akong ginagawa sa bahay. Alam mo na umalis din sila mama para mamili ng lulutuin bukas kaya wala akong kasama sa bahay. Nga pala may itatanong din ako, may bagong salta ba dito sa lugar niyo, I mean may bagong dating or kapitbahay kayo dito?"

"Wala naman, bakit?"

"Ah, kase may nabangga akong babae kanina. Pre, ang ganda niya parang anghel."

"Gagu ka, baka di anghel yun. Baka white lady ung nakita mo. Hala ka!!"

"Siraulo, white lady? Baliw ka tirik na tirik ung araw white lady, amats kaba?"

"Joke lang pre, pero seryoso wala talaga. Ano ba itsura nun?"

"Maganda pre, parang anghel na parang diwata basta sobrang ganda niya talaga."

"Sus pre, tinamaan kana HAHAHA nabangga mo lang, inlababo kana agad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Sus pre, tinamaan kana HAHAHA nabangga mo lang, inlababo kana agad."

"Pero par, may kakaiba dun sa babae. Nagmamadali siyang umalis basta ang weird talaga, may something akong naramdaman kanina."

"Ewan ko sayo, umuwi kana gutom lang yan. Punta nalang kami sa inyo bukas.

"Sige pre, uwi na ko baka nasa bahay na din sila mama eh. Mag-aayos pa kami para bukas."



Kinaumagahan, maagang gumising si Skyler para tulungan ang mama niyang mag-ayos para sa party na magaganap mamaya. Tinulungan rin niya ang mama niyang magluto nang mga handa nila para sa mga bisita mamaya. 

"Pre, happy birthday.

"Bruuuuh, happy birthday!!" - bati ng mga kaibigan ni Skyler sa kaniya.

 Ngayon ang birthday ni Skyler, 18 na siya pero never pa siyang nagkaroon ng girlfriend. Tanging pamilya, mama niya at mga kaibigan niya lang ang nagpapasaya sa kaniya. Nagaaral din siya ng mabuti, 1st year college na siya sa course na may kinalaman sa Astronomy. Astronomy, ang gusto niya dahil mahilig siya sa mga stars, planets, galaxies at iba't ibang celestial bodies etc.

"Bruh, ano yang nasa kamay mo? Tattoo ba yan, bat umiilaw?"

"Ha? Ano? Tattoo? Wala ah, di ako nagpa-tattoo never ako magpapa-tattoo masakit yun tska baka magalit pa sakin si mama."

"Baliw, andami mong sinabi. Kung di tattoo yan? Ano yan, umiilaw pa yang nasa kamay mo?

"Ewan ko, ngayon ko lang to nakita. Tska Ariel, ano kaba? Ang OA mo! marinig ka pa ni mama mamaya kung ano pa isipin nun dito sa kamay ko. Mawawala din to, wag kang mag-alala.

"Pero seryoso, pre maganda naman hahaha umiilaw pa tapos star ang astig niyang parang nakaukit sa pulso mo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Pero seryoso, pre maganda naman hahaha umiilaw pa tapos star ang astig niyang parang nakaukit sa pulso mo."

"Hays, ewan ko sayo, wala to. mawawala din yan enjoy nalang natin tong birthday party ko!

Masayang nagkukulitan at nagkakantahan si Skyler at ang kanyang mga kaibigan sa kanilang bahay dahil 18th birthday niya. Binata na si Skyler, pero never pa syang nagka-jowa kahit mga kaibigan niyang lalaki ay inaasar na sya kung torpe ba sya o bakla. Pero alam ni Skyler sa sarili niya na hindi siya bakla at mas lalong di sya torpe hindi nya pa lang talaga natatagpuan ang babaeng magpa-paibig sa kanya. Ang babaeng itinadhana para sa kanya, ayaw rin ni Skyler magjowa o manligaw ng babaeng hindi niya mahal. Tska niya lang liligawan ang babae kapag mahal niya na ito at kung sa tingin niya ang babaeng ito ay ang babaeng itinakda ng diyos para sa kanya.





P  O L A R I SWhere stories live. Discover now