Maagang gumising ang magkakaibigan upang umakyat ng bundok, susulitin na nila Ang huling araw nila para gumala dito sa Baguio. Aakyat sila ng bundok, dun sila matutulog magtatayo nalang sila ng tent. Masaya nilang pagmamasdan Ang kalangitan sa tuktok ng bundok.
"Ano okay na kayong lahat? Ready na, andyan na lahat ng gamit." tanong ni Ariel sa mga kasama.
"Oo mahabang habang lakaran at akyatan to. HAHAHAHA!" pabirong sabi ni Jericho.
"Okay lang malamig naman dito enjoy maglakad sa hamog charot" natatawang sabi ni Seren.
Nag-ayos na ang magkakaibigan ready na sila para maghiking. Nasa labas na ng hotel ang van na maghahatid sa kanila. Mga ilang oras ng byahe, nakarating na sila. Paglabas nila ay naroon na ang tour guide na sasamahan sila sa pag akyat ng bundok.
Paakyat na sila nang bundok, andaming sinasabi ng tour guide na si mang Ben. Andami niyang kwenekwento tungkol sa bundok. Napakaganda doon, naramdaman ulit ni sky ang peacefulness na naramdaman niya noong masilayan niya Ang bituing Polaris na nasa kalangitan gamit ang telescope na ginawa upang makita ang kalawakan. Napakaganda ng bundok, mag-gagabi na pero patuloy parin sa pagsasalita si Mang Ben. Napahinto sila sa malaking puno at tila may nakaukit dito hahawakan na sana to ni Sky nang bigla siyang hinarang ni Mang Ben.
"Ang punong ito ang naging saksi sa pagiibigan ni Polaris at ng binatang iniibig niya. " sabi ni Mang Ben.
"Ho? Polaris? Sino po yun?" nagtatakang tanong ni Astrid.
"Si Polaris ang diwata ng mga bituin na naging tao, sinumpa dahil umibig siya ng mortal." sagot ni Mang Ben sa tanong ni Astrid.
"Ah ganun po ba, ano po ba ung nakaukit diyan?" tanong ni Aries.
Nakita ng mga kaibigan ni sky ang nasa puno, may nakasulat dun polaris na may heart tapos may mga stars na nakaukit dun sa puno. Sobrang gandang tingnan kase umiilaw ung nakaukit kahit gabi kahit ung mga dahon ng puno, kulay green na green. Mukha siyang matandang puno pero buhay na buhay parin, siguro dahil sa hiwaga at kapangyarihan ni Polaris.
Nagpatuloy na sila sa pag-akyat ng may makitang exhibit si Sky. Tinanong niya iyon kay Mang Ben. Ang exhibit ay estatwa ng tatlong tao na may dalang handog na nakasakay sa puting kabayo.
🎶Tatlong taong may handog at nasa puting kabayo, tinahak ang daan galing kabilang ibayo, sinundan ang liwanag sa taas at dumayo🎶
"Ang mga iyan ay pinagawa ni Mayor, sa pag alala kay Polaris. Tatlong lalaki yan na nakasakay sa puting kabayo, ayon sa kwento ang tatlong yan ay ang nagbibigay ng handog kay Polaris nung diwata pa siya ng mga bituin, dahil ang tatlong yan ay manlalakbay sila ay galing sa kabilang ibayo, at naniniwala sila na si Polaris o ang diwata ang nag-gagabay sa kanila sa pamamagitan ng mga bituin, tinatahak nila ang daan sa pamamagitan ng pagsunod sa liwanag o sa gabay na pinapakita ni Polaris na isang bituin , pinapakita daw ni Polaris ang tamang daan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga liwanag galing sa taas na sinusundan ng mga lalaking to, Ang handog nila ay simbolo ng pagpapasalamat nila sa diwata. Mabait rin kase ang diwata noon, kahit hindi siya naninirahan dito kahit siya ay nasa mundo nila na tinatawag na Sirius sinasabi na ginagabayan niya parin ang mga taong umaakyat dito sa bundok na to sa pamamagitan ng kanyang mga bituin. Mahiwaga kase ang bundok na ito at sinasabi na napakaimportante daw para kay Polaris ang bundok na ito kaya pinangangalagaan niya ito. Kaya kahit siya'y nasa kalawakan nakamasid parin siya dito." kwento ni Mang Ben.
YOU ARE READING
P O L A R I S
Novela JuvenilIt's all about a guy who always dream about this beautiful mystery girl. He had his star-like tattoo on his wrist when he's 18 years old. He believe that this girl in his dreams, was the one who's destined for him. Will you join Skyler on his journe...