Ilang buwan nang lumipas simula nung makita niya ang babae, pero never niya pa ulit tong nakita ulit. Simula ng araw na yun, lagi na syang nananaginip at ang panaginip niya ay tungkol lang dun sa misteryosong babae nasa tingin niya ay iyong babae ring nakabangga niya nong pumunta siya kila Ariel. Nagsimula ang panaginip niya tungkol sa babae, nung gabi ng birthday niya.
Kada gabi lagi niyang napapaginipan ang babae, ngunit hindi niya alam kong ano ba ang eksaktong itsura nito. Dahil ang babaeng napapagkita sa panaginip niya, ay figure lang ng isang babae ngunit ang mukha nito ay blangko, all white na sobrang puti na kumikinang. Napaka-mahiwaga ng babaeng nakikita niya sa kanyang panaginip. Malaki ang kutob niya na ang babaeng napapaginipan niya at ang babaeng nakabangga niya noon ay iisa. Dahil may kakaiba siyang naramdaman nang mahawakan niya ang kamay ng babae.
Kapag napapaginipan niya ang babae, it's either masaya silang dalawa o ang babae ay tila ba masayang masayang na kasama siya. Sa panaginip niya, tila ba ang babae ang kanyang kasintahan at masaya silang dalawa sa piling ng isa't isa.

YOU ARE READING
P O L A R I S
Ficțiune adolescențiIt's all about a guy who always dream about this beautiful mystery girl. He had his star-like tattoo on his wrist when he's 18 years old. He believe that this girl in his dreams, was the one who's destined for him. Will you join Skyler on his journe...