'past lovers'

3 0 0
                                    

Kinahapunan ay nagtungo ang magkakaibigan sa lobby, upang doon magtipon at maghanap ng impormasyon kung sino nga ba talaga si Polaris sa pamamagitan ng pagsearch nila sa internet.

"Tawagin nyo din kaya ung mga girls for sure makakatulong din sila sa gagawin natin." sabi ni Sky

"Oo sige, tama tama. Wait lang aakyat ako sa kwarto nila para tawagin sila." sabi ni Jericho at nagmamadaling umakyat upang pumunta sa girls room.

"Babe, bumaba kayo sa lobby ah. Need namin ng tulong niyo." -sabi ni Jericho sa kasintahang si Celestine pagkatapos niyang katukin ang kwarto nito.

"Sige, babe. Bababa nalang kami, hintayin nyo nalang kami dun." sagot ni Celestine sa pagtawag nang kanyang kasintahan.

Mga ilang minuto ay bumaba na ang mga babaeng magkakaibigan upang puntahan sila sky sa lobby na seryosong seryosong nagbabasa at nagsesearch sa mga laptop nito.

"Oh, anong meron? Seryosong seryoso kayo diyan, totoo ba yan o busy busyhan lang?" biro ni Astrid

"Ewan ko sayo, insan. Basta hindi tayo aalis o gagala ngayon. Tulungan nyo nalang kami dito." sagot ni Sky

"Ano ba kaseng gagawin natin hah? Ano to research? Grabe kayo bakasyon na kaya, masyado kayong nagsisipag diyan." tumatawang sabi ni Stella

"Baliw, hindi. Research to? Oo! operation: who is Polaris? HAHAHAHA" sagot ni Aries

"Hay naku, andami nyong sinasabi. Magsearch nalang kayo. Maghanap kayo ng kung anong info or story about kay Polaris" sabi ni Ariel.

Seryoso at mabusising nagsearch ang mga magkakaibigan tungkol sa babaeng nagngangalang Polaris.

"Wala naman eh, puro meaning lang ng Polaris to'. Brightest star daw from North Pole. Ano ba to?!" -Sky

Maya maya ay biglang sumigaw si Jericho dahil may nakita, nahanap at nabasa siya sa kanyang laptop.

"NAKITA KO NA MGA, PRE! ITO NA ANG SAGOT SA MAHIWAGANG NANGYAYARI KAY SKY WHAHAHAHA" masayang sambit ni Jericho

"Patingin nga! Ano bang nakalagay diyan? Nabasa mo na ba? Akin na nga ako na, magbabasa. Baka hindi legit to, baka fake news lang to ah." sabi ni Astrid sabay agaw sa laptop ni Jericho.

// Polaris, is a girl named by the brightest star. Isa siyang magandang binibini, lahat ay nasisilaw sa kagandahang tinataglay niya. Si Polaris ay labis na umiibig sa lalaking pinangalan sa kalangitan. Si Polaris pala ay hindi isang simpleng babae, dati siyang diwata nang mga bituin na isinumpa at tinanggalan lang ng kapangyarihan. Dahil umiibig siya sa isang tao, sa isang mortal na ang pangalan ay inahalintulad sa kalangitan. Nakilala ni Polaris ang binatang nagpaibig sa kanya nang minsan nya itong masilayan na nakatingin sa kanya mula sa mundo ng mga tao. Ang binata na ang pangalan ay may kinalaman sa kalangitan ay palaging nagmamasid sa kalawakan at tinitingnan ang pinakamaliwanag na bituing si Polaris. Simula nun ay lagi nang nagpapakita ang diwata sa panaginip ng binata, sa panaginip niya nakakasama ang binata at don mas lumalim ang nararamdaman niya para sa nilalang. Nalaman ng mga nakakataas na namamahala sa Sirius ang kapalastangang ginagawa ni Polaris, dahil mahigpit na pinagbabawal sa mundo nila ang pakikitungo sa mga tao kahit man sa pamamagitan ng panaginip. Pinagsabihan ng hari ng Sirius si Polaris ngunit di parin nakinig ang diwata, patuloy parin tong nagpapakita sa binata sa pamamagitan ng panaginip. Si Polaris ay isang diwata, na inihalintulad sa pinakamakinang na bituin sa North Pole. Siya ay diwatang namumuno sa mundo nilang tinatawag na Sirius, naging tao lang siya dahil umibig nga siya sa tao na mahigpit na ipinagbabawal sa mundo nila. Sa labis na pagmamahal ni Polaris, sinumpa siya. Naging tao siya pero hindi niya pwedeng lapitan ang lalaking iniibig niya dahil maari itong mamatay. Ngunit di natiis ni Polaris, gustong gusto niya ng makapiling ang mortal dahil siya'y isang tao na din naman katulad ng binata hindi na siya isang diwata wala na siyang lalabaging ipinagbabawal sa mundong kinalalagyan niya ngayon, nilapitan niya ang lalaking iniibig niya. Nang makasama niya ang binata bigla silang napunta sa isang kawalan, sila'y nasa tuktok ng isang bangin. Sa dimalamang dahilan mahuhulog na ang binata ngunit ng aabutin na ng diwata ang kamay ng binata naglaho ito. At don natapos ang pagiibigan nila. Naging tao nga ang dating diwata, ngunit di naman na nya makakasama ang binata. Naiwang magisa at malungkot si Polaris, isa na syang tao pero di sya tumatanda dahil dati siyang diwata. Walang nakakaalam kung nasan na ito, pero ayon sa nasusulat. Ang istorya ni Polaris ay mauulit paglipas ng 10 dekada, at sa pagulit nito pinangako ni Polaris sa sarili niya na hindi na mawawala ang binatang iniibig niya, na makakasama na niya ito habangbuhay at kailanman hindi sila maghihiwalay. //

Natapos nang basahin ni Astrid ang istorya at lahat sila ay napanganga at napatulala sa narinig nila.

"WTF, MEN! SERYOSO BA YUN? SHOOKT NAKAKAWINDANG!" sabi ni Aries.

"SERYOSO BA TALAGA YAN? LEGIT BA YAN? KINGINA PAR, 10 YEARS NA ANTAGAL NA PALA NIYAN." naguguluhang tanong ni Jericho.

"So a-ano na? Sky, naniniwala kaba dito?" tanong ni Stella

Ngunit di kumikibo si Sky, nakatulala lang ito at di alam kong anong ikikilos o sasabihin sa kanyang narinig na istorya.

"Shookt, love. Baka nga totoo yan. Takte, ang weird. Kinakabahan ako, di ko alam kong anong mararamdaman ko." sabi ni Celestine habang lumalapit siya kay Jericho

[A/N: kung nagtataka kayo madami kasing endearment si Jericho at Celestine wag kayong malilito hehe.]

"Maaring totoo nga ang istorya, at baka nga yan ang nangyayari ngayon kay sky. Kase isipin nyo tamang tama at sakto sa nararasanan ni Sky ngayon." -ani ni Seren.

"Oo, maari nga. Nagpapakita ang diwatang si Polaris sa pamamagitan ng panaginip. Baka ayun din ung babaeng napapaginipan ni Sky." sabi ni Ariel.

"At ang sabi dito, si Polaris ay diwata ng mga bituin. Kaya siguro may nakaukit na star-like dito sa pulso ni insan. Tska baka nga yang nasa pulso mo, ung symbol or promise of love nyo kase diba mauulit daw ung love story ni Polaris after 10 years. Baka ikaw na nga iyon lalaking tinutukoy dun, ung susunod na iibigin ni Polaris. Baka ikaw ung talagang nakatadhana sa kanya." sabi ni Astrid sa kanyang pinsan.

"Oo, tama. Baka yang nakaukit na bituin diyan sa pulso mo ay ang palatandaan na ikaw na ung lalaking hinahanap ni Polaris. Tska baka kaya mo siya napapaginipan kase ganun din ung nangyari dati." biglang sabi ni Seren. 

"Maaring totoo nga talaga, dahil may weird na nangyari sayo nung pumunta ka sa bahay para imbitahan kami sa birthday mo. Baka ung Polaris ung magandang babaeng nakabungguan mo. Tska ung matanda na nakabungguan mo baka may alam din sya dahil nakita niya ung pulso mo at nahawakan niya yang kamay mo, tska ung mangkukulam may nakita siya sa visions niya nung hinulaan ka niya. Kaya baka totoo talaga!" pag-sangayon na sabi ni Ariel.

Sa dami ng sinasabi ng mga kaibigan ni Sky di na nya nakayanan, nagwalk out siya ulit at nagkulong sa kwarto niya. Di niya namalan sa dami ng iniisip niya ay nakatulog na naman siya ulit.

Sa pag-alis ni Sky, nagusap usap ang mga kaibigan niya tungkol sa kalagayan ni Sky.

"Mga pre, mukhang dapat kausapin na natin si Sky." -Aries

"Oo nga, mukhang stressed at depressed na sya sa mga nangyayari sa kanya tungkol dito sa mystery girl named Polaris" sabi ni Stella.

"Kausapin nalang natin si insan bukas nang umaga, hayaan nalang muna natin siyang magpahinga mukhang nawindang siya sa mga nalaman niya." payo ni Astrid

"Oo, tama kayo diyan. Kausapin nalang natin siya bukas." sagot ni Ariel.

"Ayieee bromance mahal na mahal mo talaga, bespren mo. Yieee hahaha papi nababakla kana ba kay Sky?" biro ni Jericho.

"Gagu kaba, di kami talo. Mandiri ka nga sa sinasabi mo, andami mong alam. Matulog na tayo. Ihatid mo na ulit sila sa kwarto nila bukas nalang ulit." utos ni Ariel kay Jericho

"Okay, boss. Tara, love. Akyat na kayo, beauty rest na kayo. I love u, good night." sabi ni Jericho sa girlfriend niyang si Celestine at inihatid na nya to kasama ang mga kaibigan nila upang ihatid sa girls room.

P  O L A R I SWhere stories live. Discover now