// sky's dreams //
"Sky, mahal. Naalala mo pa ba ako? Ako ito si Polaris, wag kang mag-alala. Magkakasama na tayo, nagbalik ako para makapiling na kita." -sabi ng mahiwagang babae.
"SINO KA BA? WALA AKONG KILALANG POLARIS! BAKIT NYO BA KO GINUGULO. TAMA NA, PWEDE BA?!" sigaw ni sky, at tuluyan na siyang nagising sa panaginip niya.
Nagising ang bestfriend ni Aries, sa malakas na sigaw ni Sky. Mukhang binabangungot ito.
"Uy, Sky. Pre, okay ka lang ba? Anong nangyari sayo? Nanaginip ka lang." -Aries
Agad naman napatakbo si Ariel na noon ay nasa banyo dahil siya ay nagsisipilyo nang magising si Sky. Nagising din si Jericho na mahimbing na natutulog nang sumigaw si Sky.
"Hoy, anong nangyari?" -Ariel
"Okay lang ako, pasensya na." - sabi ni Sky na tila pawis na pawis at takot na takot sa napaginipan niya.
"Ano bang nangyari, ano bang napaginipan mo, Sky?" -Jericho
"Kase iyong babae sa panaginip ko, ung mahiwagang babae nagpapakita sa panaginip ko. Bumalik na naman siya." -Sky
"Oh, tapos anong sabi niya?" -Aries
"Sabi niya siya daw si Polaris, malapit na daw kaming magkasama. Napaka-weird niya mga tol, di ko alam kung ano pero natatakot ako na kinakabahan." -Sky
"Ano ka ba, par? Di ka ba masaya nun magkakalablayp kana. de joke, wag kang mag-alala, wag kang matakot panaginip lang iyon." -Jericho
"Pero seryoso par, wala ka talagang kilalang Polaris?" -Ariel
"Wala par, ang weird nung name niya. Wala kong kilalang ganun ang pangalan tska wala kong natatandaang may nakilala akong Polaris dati. Wala talaga, tiningnan ko na sa facebook ko wala naman akong friend na Polaris dun eh." -Sky
"Baka ung mama mo, o baka may kamag-anak kayo na Polaris ung pangalan?" -Jericho
"Hindi ko alam, ta-try kong tanungin mamaya si Mama. Tatawagan ko siya pero sigurado ako wala talaga kong kilalang Polaris." -Sky
Kinuha ni Aries ang laptop niya at inabot kay Sky. "Try mo kaya mag-search, tingnan mo kong ano at kong anong meron sa name na Polaris?"
*searching*
[ Polaris - commonly the North Star or Pole Star, is the brightest star in the constellation of Ursa Minor. It is very close to the north celestial pole, making it the current northern pole star. ]
"Ayan lang nasearch ko par, Star daw ung Polaris eh?" -Sky
"Aha! Alam ko na may kakaiba nga talaga diyan sa napapaginipan mo, pati dito sa star na nakaukit dito sa pulso mo. Hmmm, there's something talaga." -Ariel
"Ano naman yun, pre?" -Jericho
"Basta malalaman din natin yun. Tska diba sabi nung babae na nagngangalang Polaris sa panaginip ni Sky magkikita na sila." -Ariel
"Ewan ko sa inyo! Ang weird niyo, mas kinakabahan ako sa inyo eh." -Sky
"Hay naku, Sky. Parang di ka lalaki, chilax ka lang baka sya na ung babaeng inilaan para sayo at magpapatibok ng puso mo. Yieeeeeee! Pero seryoso tanungin mo nalang mama mo about dun sa Polaris girl, or sila Stella mamaya tanungin natin kong may kilala silang Polaris." -Aries
"Maghanda na kayo, aalis ulit tayo mamaya. You know, let's enjoy. Baguiooooooo!" -Jericho
Pagkatapos nilang kumain ng panghalian, napagpasya na sila ulit na lumabas at magikot-ikot sa Baguio. Kinausap din ng mga boys ang mga girls, tinanong ni Sky ang mga babae kong may kilala silang Polaris.
"Wala eh, bakit?" -Astrid
"Wala din kaming kilala, kakaibang pangalan yun ah. 'Polaris'?" -Stella & Seren
"Mas lalo na ako, wala akong kilalang ganun ang pangalan." -Celestine
"Ah, ganun ba. Sige salamat! HAHAHA nevermind wala lang iyon." -Sky
"Okay! Let's go na. Gala pa tayoooooooo!" -Astrid
Lumabas na sila sa tinutuluyan nilang hotel, excited na excited ang mga girls na magikot-ikot ulit sa Baguio. Habang si sky naman ay balisa at tila iniisip ang babae sa panaginip niya na nag-ngangalang 'Polaris'. Nawala ang matindi niyang pagiisip sa mahiwagang babae nang nilapitan siya ni Ariel at tinanong:
"Ano na, anong balita dun sa Polaris? Kilala mo na ba? Tinanong mo na kay Tita kung may kilala siyang ganun?" -Ariel
"Wala daw eh, wala naman daw kaming kamag-anak na Polaris ung pangalan." -Sky
"Hays, wag kana masyadong mag-isip par. Enjoyin natin tong Baguio, wag ka masyadong magpalamon kakaisip dun sa Polaris na yun baka mabaliw kana." -Ariel
Sabay sabay na naglalakad ang mga magkakaibigan, nagtungo sila sa bayan upang mamasyal nang may nakitang pamilyar na parke si sky kung san siya nabunggo nung matandang babae. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya ulit ang matandang babae. At ngayon napagpasyahan niyang wag nang matakot, kaya kahit kinakabahan ay nilapitan niya ang matanda.
"Lola, ikaw ung kahapon diba. Yung nakabunggo sakin, pwede ba kong magtanong sayo?" -Sky
"Ano yun, iho? May problema kaba?"
"Lola, ako po si Skyler. Sky nalang po itawag niyo sakin. Nahihiwagaan na po kase ako sa mga bagay bagay na nangyayari sa buhay ko, baka alam niyo po kung ano ang mga ito?"
"Iho, ako si Sol. Wag kang mag-alala lahat nang bagay may dahilan. Pinadala lang ako dito para sabihan ka sa pagdating ni Polaris, at sa muli niyong pagtatagpo."
"Kase lola may sinasabi kang babae Polaris ung pangalan, sino ba yun? kaano-ano ko ba iyon? wala naman akong kilalang 'Polaris'. Bakit ginugulo niya ko sa panaginip ko, nawala na siya bumalik na naman siya pati ung nakaukit na bituin dito sa pulso ko umilaw na naman ulit." -Sky
"Masyado ka nang maraming tanong, iho. Wag kang mag-alala, malapit munang makilala si Polaris. Hindi ako pwedeng magsabi sayo ng mas marami pang bagay. Basta kapag nakilala mo na si Polaris, pinapangako ko sayo magiging masaya ka." at tuluyan nang naglaho ang matanda.
'Anyare dun? nasan na iyon? bigla nalang nawala. nakuuuuu ang weird talaga ng mga nangyayari sa buhay ko. haysssssssss'
Sa biglang paglaho ng matanda, nakita ni sky ang mga kaibigan niya na masayang kumukuha ng litrato kaya nilapitan niya ito at di niya pinahalata ang kakaiba na namang nangyari.
YOU ARE READING
P O L A R I S
Fiksi RemajaIt's all about a guy who always dream about this beautiful mystery girl. He had his star-like tattoo on his wrist when he's 18 years old. He believe that this girl in his dreams, was the one who's destined for him. Will you join Skyler on his journe...