Mag-iisang buwan nang namamalagi sa bahay si Sky, hindi siya lumalabas. Wala na kase silang pasok dahil bakasyon na. Mag-third year college na siya next year. Napakabilis talaga ng panahon. Sobrang bagot ni Sky, naisipan niyang kamustahin ang mga kaibigan niya at tamang tama ang bespren niyang si Ariel ay nagyaya na magbakasyon daw sila, out-of-town kasama ang buong tropa sa Baguio. Dahil summer na sobrang init, nagyaya si Ariel na mag-outing muna sila tutal bakasyon na din naman na at wala rin namang ginagawa.
"Kamusta, par?" -Sky
"Ayos naman, ikaw ba? Ano nang balita? Nga pala boring dito sa bahay, bakasyon tayo. Ang init, Baguio tayo par. Ambagan nalang. Ano tara?" -Ariel
"Sige, par. Game ako diyan. Basta madami tayo, sama ako ang boring din dito sa bahay sobrang init pa, inaamag na ko dito. HAHAHA joke!" -Sky
"Sige ah, game na yan. Gagu malamang tayong dalawa lang, ano yun date?! Ano ka ba, di tayo talo par wag ka nga!! joke Sabihan ko ibang tropa, pm nalang kita kong kailan alis natin." -Ariel
"Ewan ko sayo. Sige na, oo sabihan mo ko. Bye na, pinaghuhugas pa ko ng plato ni mama e." paalam ni Sky sa kanyang best friend.
Isang linggo ang nakalipas, dumating na ang araw nang pag-alis nila at pagpunta ng buong barkada sa Baguio. Gumising ng maaga si Sky at naghanda dahil baka maiwanan siya ng van na inarkila nila para maghatid sa kanila sa Baguio.
"Ma, aalis na ko baka maiwanan na nila akoooooo."
"Sige nak, mag-iingat ka dun ah. Wag ka magpapagutom. Ayusin mo ah, magsuot ng tamang damit. Malamig sa Baguio, mahirap na baka magkasakit o magkasipon ka."
"Opo, yes ma. Salamat. Malaki na ko, wag ka mag-alala. Good boy kaya ako. Bye, ma! Loveyouuuuuuuu." paalam ni Sky sa kanyang ina.
Umalis na si Sky at nag-tungko sa bahay ni Ariel. pupunta sila ng Baguio. Dahil mainit, sa Baguio sila at aakyat din sila ng bundok para may adventure daw kuno. Walang ginawa si Sky kundi matulog at pagising niya nandun na sila sa City Hall, sa lungsod ng Baguio. Isang linggo silang mamamalagi sa Baguio, kasama ang mga kaibigan niya.
"WELCOME TO BAGUIO!" -Ariel
"Sa wakas, nalamigan din ang balat ko. HAHAHAHA!" -Aries
"Baguio, here we are!" -Jericho
"Hay naku napaka-ingay niyo alam niyong natutulog ako. So ano? Nandito na ba tayo?" -Sky
"Opo, mahal na hari. Napaka-tulog mantika mo. Di mo nakita ung view ng mga dinaanan natin papunta dito, napaka-ganda pa naman, sayang." - biro ni Astrid sa kanyang pinsan.
"Napaka-lamig at napaka-ganda dito sa Baguio. For sure, mag-eenjoy tayo!" -Celestine
"Oo naman be. HAHAHA so tara na, hinihintay na tayo dun sa hotel. Pasok na tayo." -Stella
"Tara na nga, inaantok na ko eh. Di ako nakatulog sa byahe kanina." -Seren
Pumasok na si Sky kasama ang mga kaibigan niya sa hotel na tutuluyan nila.
[ A/N: di ko pa pala napapakilala ang mga kaibigan ni Sky. Si Ariel ang bestfriend ni Sky, si Aries naman ay kambal ni Ariel. Si Stella at Seren ay kambal din. Si Ariel, Aries, Seren at Stella ay magkakapatid. Si Celestine naman ay jowa ni Jericho, si Jericho naman ay tropa din ni Sky. Si Astrid naman ay ang nakakabatang pinsan ni Sky, na kaibigan na rin nila Ariel.]
Ang hotel na tutuluyan nila ay dalawang kwarto, sa kada kwarto may apat na kama. Syempre magkakasama ang mga lalaki at babae.
YOU ARE READING
P O L A R I S
Roman pour AdolescentsIt's all about a guy who always dream about this beautiful mystery girl. He had his star-like tattoo on his wrist when he's 18 years old. He believe that this girl in his dreams, was the one who's destined for him. Will you join Skyler on his journe...