*meeting*

2 0 0
                                    


Kinaumagahan pagkatapos kumain niyaya ni Ariel ang kanyang best friend na si Sky upang magusap usap sila ngayon ukol kay Polaris.

"Pre, tara usap tayo. Wag kana magisip ng kung ano ano, lagi naman kami nandito para sayo eh." Sabi ni Ariel sabay tapik sa likod ni Sky.

"Ah oo sige, bababa nalang ako salamat sa lahat ah, salamat sa inyo. Nadadamay pa kayo sa mga kakaibang nangyayari ngayon sa buhay ko." sagot ni Sky.

"Okay lang yun, kaibigan mo kami. Natural lang iyon, basta pag binagabag ka parin nung mystery girl mo magkwento ka lang sakin o sa amin. Makikinig kami, bumaba kana ah. Importante rin paguusapan natin eh." -Ariel.

Pagkatapos nang paguusap nila ay bumaba na si Ariel nandun na rin lahat ng kaibigan niya si sky nalang ang kulang maya maya ay dumating na rin si Sky.

"Ano ba paguusapan natin mukhang seryoso kayo ah?" biro ni Sky

"Ah, oo a-ah kase insan paguusapan natin ung tungkol sayo tas dun sa Polaris, okay lang ba?" nagaalalang tanong ni Astrid sa kanyang pinsan.

"Ah ganun ba, oo naman siyempre okay lang sakin mas luluwag din ang pakiramdam ko kapag ganun." sagot ni Sky.

"So simulan na natin?" biglang tanong ni Aries.

"Kase diba sabi dun sa story unang nameet or nakita ni Polaris ung binata dahil nakatingin ito sa kanya. May natatandaan kaba parang ganung nangyari sa buhay mo?" tanong ni Astrid sa kanyang pinsan.

"Ah, wala naman. Wait, oo tama. May naaalala ako pero bata pa ko nun. 16 pa lang ako nun, tska hindi ko naman alam na Polaris iyon eh dapat pala di ko nalang tiningnan o pinagmasdan ung maganda at makinang na bituin na yun." -Sky

"Baliw kahit naman di mo gawin, nagawa mo na at siguradong gagawin mo yun dahil ayun ang nakasulat, kumbaga tadhana na yun eh. Kaya wag kang magsisi lahat ng bagay may dahilan." sagot naman ni Stella sa sinabi ni Sky.

"Oo tama, pero ano ba eksaktong ginawa mo nun, pre?" curious na tanong ni Aries.

Flashback: 2 years ago

🎶 Kung bakit sila sa liwanag mo,                                                                                                                                 sa dinamidami ng tala sa langit ay ikaw ang napili ko,                                                                                  yan ang totoo, mismo 🎶

Kakauwi lang ni Sky galing school, graduation kase nila nun sa high school. Masayang masaya siya. Dahil sa susunod na taon ay college na siya, sobrang saya ng pakiramdam niya. Na tila nakiki-ayon ang kalangitan sa nararamdaman niya, nararamdaman niya ang peacefulness kapag tinitingnan niya ang kalangitan kaya siguro skyler ang pangalan niya at ang palayaw niya ay sky. Hating gabi na ngunit di parin makatulog si Sky, kaya naisipan niyang kunin ang telescope sa basement nila. Amg telescope na yun ay regalo sa kanya ng tatay niya noong bata pa siya; dahil mahilig rin siya sa mga stars katulad ng ama niya. Mahilig siyang manood at magbasa ng mga bagay na about sa Astronomy. Kaya nga kukunin nyang course sa college ay may kinalaman dito. Inayos niya yun at pwenesto sa may bintana nila at doon niya nasilayan ang pinaka magandang bituin, pinaka makinang na tala na nakita niya sa tanang buhay niya. Nang tinitigan niya ang bituin, may kakaibang saya siyang naramdaman.

🎶 Ang bituin ay akin,                                                                                                                                                                Ikaw lang ang Polaris ko,                                                                                                                                                san mang kalawakan ay siyang hahanapin ko 🎶

------------------------------------------------------

"So ganun, ngayon alam ko na hahaha baka ayun ang unang araw na nakita ka ni Polaris sa mundo nila nung diwata pa sya katulad ng napaloob sa storya." biglang sabi ni Ariel.

"Ganun na nga, na love at first sight sayo ung diwata. Ayieee!"palabirong sabi ni Jericho.

"Baliw ka, seryoso tayo dito babe!" sabi ni Celestine matapos niyang batukan ang boyfriend niya.

"Kung ayun ang unang pagkikita o ang unang pagkakataon na nasilayan ka nung diwata, ibig sabihin napapaginipan mo na rin siya noon pa man?"-tanong ni Seren.

"Hindi ah, di ko sya napapaginipan nun. Nagsimula ko lang siyang mapaginipan nung nag 18 ako, ung nabunggo ko ung magandang babae nung papunta ako kila Ariel." agad namang sagot ni Sky.

"Ayun, baka ayun ung unang pagkikita niyo. Pero bat ganun nag-iba diba dapat di sayo magpapakita sa panaginip lang. Bat nag-iba? Hindi ganun ung scenario nung nasearch nating story about kay Polaris ah?" tanong ni Astrid.

"Baka ganun talaga, nag-iba kase ibang panahon na. Hindi naman sinabi na mauulit eh, ang sabi lang ay mauulit ung pagkikita ng diwata at binata." sagot ni Stella.

"May point ka, next question na nga mga pre." biglang sabi ni Aries

"Kung napapaginipan mo na si Polaris nung nag 18 ka simula ngayon, ibig sabihin inlababo kana kay Polaris kagaya nung sa story?" tanong ni Astrid sa pinsan niya.

"Syempre hindi, pano ako maiinlab di ko naman nakakasama napapaginipan ko lang siya pero aaminin ko nadadala ako sa napapaginipan ko,nararamdaman ko na parang totoo lahat iyon." agad na sagot ni Sky.

"Kung di mo mahal, crush mo yieeeee aminin HAHAHA" palabirong sabi ni Jericho

"Siguro nga crush ko siya, siguro nung nakabungguan ko siya tinamaan talaga ako nun eh. Ang ganda niya kase talaga sobra parang siyang anghel, ayun pala kaya ganun ung kagandahan niya kase isa siyang diwata." sagot ni Sky sa biro ni Jericho.

"Yes naman!! Tinamaan hahaha, first time par ah. Mukhang magkakalablayp kana nga, di ko na maasar si Ariel na nababakla sayo HAHAHA" natatawang sabi ni Jericho.

"Ewan ko sayo, para kang tanga. Pero seryoso, par. Ready kana ba? I mean ready ka nang makilala si Polaris kase diba sabi nung manghuhula malapit na." biglang tanong ni Ariel.

"Oo ata, Ewan siguro. Ready na ko, tinanggap ko na baka ito talaga kapalaran ko tska wala na ko magagawa nandyan na nandito na, nakaukit na ung bituin na to dito sa pulso ko." nagaalangang sagot ni Sky.

"Asuuus, daming tanong Ariel. Selos ka lang, Ariel eh hahaha magkakalablayp na bespren mo." biro ni Jericho.

"Ewan ko sayo, tumigil ka nga di ka na nakakatuwa." sabay na sabi ni Ariel nang pabiro niyang suntukin si Jericho.

Dun natapos ang usapan nila, kumain sila pagkatapos ay nagbiruan nalang. Pang-limang araw na nila, kaya napagpasyahan nilang sulitin Ang huling araw nila dito bukas naisipan nilang umakyat ng bundok, magha-hiking sila. Dahil sa ika-pitong araw nila dito, ay hindi na sila lalabas magpapahinga at magiimpake nalang sila para sa kanilang paguwi.

P  O L A R I SWhere stories live. Discover now