Baguio

4 0 0
                                    

"Good morning, Baguio!" sigaw ni Ariel

"Ano ba par? ang aga aga napaka-ingay mo diyan." -Sky

"Hay nakuuuuu, gumising na kaya kayo. Gagala pa tayo dito par. Enjoy enjoy tayo ngayon!" -Aries

"Oo na nga, ito na nga. Men, dalian nyo na. Gutom na gutom na ko." - Jericho

Magkakasamang bumaba, ang mga magkakaibigan upang mag-almusal. Pagkatapos nilang kumain ay napagpasyahan nilang gumala at maglakad-lakad.

"Tara na, madami pa tayong pupuntahan dito. Naku, excited na ko." -Astrid

Masayang naglalakad ang magkakaibigan habang naglalandian naman sa harap nila ang magjowang sina Jericho at Celestine. 

"Ano ba yan, ang aga aga naghaharutan kayo diyan. Tabi nga mauuna na ko." -Sky

Nauna si Sky na dakilang thirdwheel, hindi rin siya makarelate sa mga kambal dahil magkakapatid ang mga ito. Kumbaga siya mag-isa, lagi na lang siyang mag-isa. Naglakad at naglibot-libot si Sky mag-isa nang bigla siyang banggain ng matandang babae.

[ A/N: Hay naku, sky. Lagi ka nalang nababangga ng kung sino sino baka mamaya si old lady na ang talagang forever mo charot, mag-ingat ka nga. sky. kalalaki mong tao.]

Nag-aalalang tinulungan ni sky ang matanda dahil natapon ang mga gamit nito. Nagmamadali din ang matanda kaya niya nabangga si sky. 

"Ale, okay lang ho' ba kayo?" -Sky

"Okay lang ako, pasensya na iho. Nagmamadali ako kaya di kita nakita nabangga pa kita pasensya na talaga." - matandang babae

"Ahh, okay lang po. Wag po kayong mag-alala, sa susunod lola, mag-ingat kayo ah." - Sky

Maingat na pinulot ni sky ang gamit ng matanda, at dahan dahan niya itong inabot. Nang mahawakan ni sky ang kamay ng matanda ay tila may kakaiba siyang naramdaman. Parang nangyari na sa kanya iyon dati, ganun din ang naramdaman niya nang mabangga niya ang mahiwagang babae, isang taon na ang nakakaraan. Sa takot ni sky sa naramdaman niya nagmamadali siyang umalis nang maiabot na nya ang gamit ng matanda.

"Sige na, lola. Mauna na ko ah. May pupuntahan pa ko." - Sky *nagmamadaling umalis*

"Sige, iho. Pasensya na at salamat ulit. Wag kang mag-alala malapit na kayong magtagpo ni Polaris!" -matandang babae

Tumakbo nang mabilis si sky dahil nawindang siya sa kakaibang ngiti nung matandang babae. Kinilabutan siya at kinabahan dahil biglang umilaw at bumalik sa dati ang star na nakaukit sa pulso niya. Ang dating star-like tattoo sa pulso niya na naglalaho na ay bumalik sa dati ng sinabi ng matanda ang pangalang 'Polaris'. Huminto si sky, pawis na pawis at tila hinahabol ang hininga sa layo ng tinakbo niya para makalayo dun sa weird na matanda. Bumilis ang tibok ng puso ni Sky, tila may kakaiba dun sa matandang babae na di niya maipaliwanag. 

"Hoy, anyare sayo pre?" -Ariel

"Hinabol ka namin nung nakita ka namin na tumatakbo, mukhang takot na takot ka para kang nakakita ng multo." -Aries

"Ah, hindi wala okay lang ako. Wag kayong mag-alala. Tara na, enjoy natin tong Baguio." -Sky

Pinagwalang-bahala lang ni Sky ang sinabi ng matanda, di niya sinabi sa mga kaibigan niya ang nangyari kanina dahil sigurado di rin sila maniniwala at maweweirduhan lang sila kay Sky. Sumapit na ang gabi, napagpasyahan na nilang magpahinga na at bumalik na sa hotel na tinutuluyan nila.

Alas-dose na nang madaling araw ngunit di parin makatulog si Sky, inaalala niya ang sinabi nung weird na matanda na nakabunggo sa kanya kanina. 

'Polaris daw, sino ba yun? wala nga kong kilalang ganung pangalan. Masyadong kakaiba!'

'Hay nakuuu, si lola. Kung ano anong sinasabi pati ako dinadamay kaso bumalik na naman yung star na nakaukit sa pulso ko ano kayang ibig sabihin nun. Kakaiba talaga.'

[ A/N: kapag " it means conversation or dialogue, kapag ito lang ', it means ayun ung iniisip niya or sinasabi niya sa sarili niya. Is that clear, readers?]

'Makatulog na nga, kung ano ano na naman iniisip ko baka mamaya mabaliw na naman ako. Bukas ko nalang aalalahanin ung Polaris na sinasabi ng matanda.'

P  O L A R I SWhere stories live. Discover now