Nagising na naman ulit si sky sa panaginip kung san kasama niya ung mahiwagang babae. Masaya silang dalawa nang bigla nalang naglaho ang babae.
"Good morning, par." bati ni Ariel sa kanyang best friend.
"Walang maganda sa morning kung mukha mo makikita ko, kupal." sabi ni Sky na tila inis parin sa napanaginipang paglaho nung mahiwagang babae.
"Hay naku par, badtrip ka parin. Chill okay, kahapon nagwalk out kana. Tas ngayon kakagising mo lang badtrip kana. Sabog kaba?" pabirong sabi ni Ariel.
"Sorry na par. Napaginipan ko na naman kase ung mahiwagang babae." sabi ni Sky sa kaibigan na tila humihingi ng tawad.
"Oh, anong namang napaginipan mo?" singit ni Aries sa usapan na kakapasok lang sa kwarto.
"Ganito kase, sa panaginip ko. Magkasama kami, masaya kaming dalawa kaso bigla siyang naglaho." kwento ni Sky sa mga kaibigan.
"Ow, so kaya badtrip ka kase nawala ung mystery girl mo. HAHAHA okay lang yan, bruuh. For sure, magkikita ulit kayo sa panaginip mo bukas." -Jericho
"Gagu, Ewan ko sayo. Wala kang dulot!" sabi ni Sky sabay bato ng unan kay Jericho.
"Oy, kapatid malalim iniisip mo diyan ah. Ano nananaginip kana rin, may nararanasan kana ring kakaiba katulad ng kay Sky?" sabi ni Aries sa kapatid na si Ariel dahil tahimik ito at tila malalim ang iniisip.
"Baliw hindi. Iniisip ko lang ung napapanaginipan ni Sky, at kung ano bang meron sa kanilang dalawa nung mahiwagang babae na si Polaris." sagot ni Ariel sa kapatid.
"Uy, pati siya nacucurious na din sa mystery-slash-destiny girl ni Sky. Ayieee napakasupportive mo namang best friend kay Sky!" tukso ni Jericho sa kaibigan.
"Ewan ko sa inyo, pero Sky ano gusto mo ba magimbestiga tayo or magresearch kung anong meron diyan sa Polaris na yan ginugulo ka." sabi ni Ariel.
"Okay lang naman, wala naman mawawala sakin. Sige, gawin natin." pag-sangayon ni Sky sa ideya ng best friend niya.
YOU ARE READING
P O L A R I S
Teen FictionIt's all about a guy who always dream about this beautiful mystery girl. He had his star-like tattoo on his wrist when he's 18 years old. He believe that this girl in his dreams, was the one who's destined for him. Will you join Skyler on his journe...