Destined

7 0 0
                                    

Tatlong araw nang namamalagi si Sky sa Baguio kasama nang kanyang mga kaibigan. Linggo ngayon kaya napagpasyahan nilang magtungo sa simbahan upang um-attend ng misa. Sobrang dami na ring kakaibang bagay  ang nangyayari kay sky kaya nais niya ring magsimba. Tuluyan na ngang bumalik at nagpapakita na ulit ang mahiwagang babae sa kanyang panaginip. Unti unti nang bumabalik ang dating naglalahong hugis bituin na nakaukit sa kanyang pulso.

"Guys, punta tayo sa malapit na simbahan dito. Magsimba tayo." -Celestine

"Sige ba, babe. Walang problema mamayang hapon pumunta tayo dun." -Jericho

"Oo nga tama at malay niyo pag nagsimba tayo mawala na ung mga kung ano anong kakaibang mahiwagang nangyayari kay Sky." -Ariel

"Sige, okay lang naman sakin. Pumunta tayo dun mamaya." -Sky

Dumating ang hapon, nagtungo sila sa pinakamalapit na simbahan sa hotel na tinutuluyan nila. Halos mamangha ang mga magkakaibigan sa ganda ng simbahan dito, at tila ba mukha itong Quiapo ngunit sa Baguio matatagpuan sa dami ng mga nagtitinda sa harap ng simbahan.

Pagkatapos nilang um-attend ng misa ay naglibot libot sila sa paligid ng simbahan kung saan maraming nagtitinda, may ibat ibang stall ang makikita. May mga tindahan ng damit, pagkain, palamuti, souvenirs at iba pa. Sa paglibot nila may nakita silang mahiwagang stall, na kumikinang at umiilaw. Madaming palamuti ang makikita sa labas ng stall na ito.

"Uy, ano yang stall na yan? Bat parang kakaiba?" -Ariel

"Ano kaba! Stall yan mukhang about sa magic, mga ganun. Try kaya nating pumasok sa loob, para malaman natin." -Seren

"Ano kaba, Seren. Kinakabahan na nga ko papasok pa tayo. Mukhang mahiwaga baka anong meron diyan sa loob." -Stella

"Ano ba kayo? Wala namang mawawala kung papasok tayo, edi tanungin natin. Tara na!" -Astrid

Pumasok na nga ang magkakaibigan sa mahiwagang stall, na matatagpuan sa may gilid ng simbahan. Puro palamuti, Hindi lang pala say labas pati sa loob nito ay may mga kumikinang na mga diamante at crystal.

"Anong lugar ba 'to, ha?" -Ariel

"Tao po, may tao po ba dito?" -Aries

Nagulat ang magkakaibigan nang may lumabas na babae dun sa lumiliwanag na pintuan. Mukhang portal ung pintuan, parang kapag pumasok ka dun makakarating ka sa galaxy.

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo, mga iho't iha?" -sabi ng mahiwagang babae.

"Ah, kase. Pasensya na po. Pumasok na po kami nais lang po naming malaman kong anong meron dito sa loob. Maari po ba naming malaman kung sino kayo?" -Jericho

"Ay ganun ba, isa pala kayong mga panauhin. Wag kayong magalala, ako si Portia at isa akong manghuhula. Gusto niyo bang subukan?" -ani ng misteryosong babae.

"Ah sige po, game po kami dyan magkano po ba?" -Aries

"Libre nalang para sa inyo tutal mukhang bago lang kayo dito sa Baguio." -ani ng misteryosong babae.

Napagpasyahan nang magkakaibigan na magpahula nga dun sa misteryosong babae. Lahat sila ay nagpahula at puro magaganda naman ang nakikita ng babae sa future nila. Tahimik parin si sky at hindi kumikibo dahil tila nahihiwagaan siya sa na pinasukan nila. Nilibot niya ang tingin niya, puro kumikinang na bagay ang nakikita niya. Madaming crystal na palamuti, puro mga gamit sa panghuhula ang nakikita niya tulad ng mga tarot cards, crystal ball at marami pang iba na tila may kinalaman din sa magic. Nahinto ang paglibot ng mata ni Sky sa paligid nang bigla siyang tawagin nung misteryosong babae.

P  O L A R I SWhere stories live. Discover now