Skyler's school of Astronomy

10 0 0
                                    


Mag iisang taon na simula nang managinip siya, at di parin nawawala ang babae sa panaginip niya. 2nd year college na si Skyler, wala parin siyang girlfriend. Kakagising niya pa lang at mukhang mala-late na siya sa school. 

"Maaaaaa! Alis na ko ah?"

"Sige nak, magi-ingat ka. Umuwi ka ng maaga."

Pagdating sa school ay sinalubong siya ng mga kaibigan nyang naghihintay sa kanya. 

"Ano na Sky, late ka na naman. Naku, hoy ano yang nasa pulso mo bat umiilaw na naman yan tagal na niyan ah." sita sa kanya ni Ariel na kanyang bestfriend.

"Ewan ko ba dito sa star na nakaukit dito sa pulso ko na mukha nang tattoo. Buti nga dito nakikita ni mama eh."

"Hay naku Sky patingnan mo na yan, baka sakit nasa balat yan tska kailan ba nagsimula yan. Ang weird pa, umiilaw pre." biglang sabi ng bagong dating na si Aries.

"Grabe to, sakit talaga sa balat wala to tska di naman nangangati. Gastos lang yung doctor men, HAHAHA oo nga tagal na nito diba nga sabi ko sa inyo nung 18th birthday ko pa to. Tska nagsimula lang to nung nakabangga ko ung magandang mysterious girl nung papunta ako sa bahay niyo ni Ariel.

[A/N: Kambal po kase si Ariel at Aries]

"Ay we, hala ka baka engkanto yun siraulo ka. Pa-albularyo mo na yun, baka mangkukulam yun na naga-anyong magandang babae lang." pabirong sabi ni Jericho nang nakita niyang seryosong nag-uusap ang kanyang mga kaibigan.

"Gagu kung mangkukulam yun dapat puro libag o kung ano na tong mukha ko wala naman OA nito! Pero seryoso pre napapaginipan ko parin sya, di naman sya mukhang mangkukulam mukha nga siyang magandang diwata eh." inis na sagot ni Skyler.

"Hays naku par, isang taon na pero mukhang tinamaan ka talaga dun sa misteryosong babae na yun. Hala yieee baka destiny mo na yun tas ayan ung sign of love niyo ayieee magkaka-lablayp kana papi." natatawang sabi ni Ariel.

"Gagu ewan ko ba HAHAHAHA Pero ang weird talaga niya sa panaginip ko."

"Ano ba ginagawa or sinasabi niya sa panaginip mo?

" Sabi nya kase 'Sky, hanapin mo ko, mahal ko!' tas ganun basta ang weird, gusto niya na daw akong makasama. Tas tinatawag niya lang pangalan ko, sure akong babae siya pero wala siyang mukha I mean white lang pero babae ung figure na nakikita ko sa panaginip ko pero kumikinang kase siya basta mahiwaga ganun."

"Haaaay naku pre, puyat lang yan dami mo nang sinasabi asang asa ka naman na magkakalablayp kana ewan ko sayo pasok na tayo baka dumating na si Prof."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
P  O L A R I SWhere stories live. Discover now