Chapter Two

3.7K 69 0
                                    

           Naghahanda ako para sa guesting ko mamaya when the door opened. Tiningnan ko kung sino ang pumasok mula sa salamin. I really hate it when people disturbed me while I'm relaxing. Bumaling ang tingin ko sa mga puting rosas na hawak ni Cheska.

           "I strictly told you not to bring any gifts from the fans." seryoso kong wika. It's not that I don't like it. I had to refuse it for security purposes.

           "Ah, I'm sorry Ms. Tanya. I just didn't know kung anong gagawin ko rito kasi--"

           "Throw it away." putol ko sa kanya.

           "You know anything from strangers are not allowed in this dressing room. Saan mo ba natanggap yan? Have you checked it? We don't know if it's safe. Alam mo namang muntik ng mapahamak si Tanya dati." dugtong naman ni Gina.

           Yumuko ito. "P-pasensya na po. I can't throw it k-kasi.... I-it came from Mr. Ventura."

           Mr. Ventura? Sino naman yan ngayon? Isang matandang mayamang fan na naman? Isipin ko pa lang tumatayo na ang balahibo ko. Those rich assholes really think they can get whoever they want dahil lang mapera sila. Sadly, I don't need anyone to protect my name.

            Sasagot na sana ako ng tumayo si Gina at kinuha mula kay Cheska ang bulaklak. She looked at the card na kasama nito. Bakas ang gulat sa mukha nito. Tila hindi makapaniwala.

           "He gave it directly to you?" Gina asked.

           Umiling si Cheska. "One of his bodyguards approached me. Siya dapat yung magbibigay dahil kabilin-bilinan ni Mr. Ventura na iabot directly kay Ms. Tanya yung bulaklak but I told them na hindi pwedeng pumasok yung hindi parte ng staff dito sa loob."

           Inikot ko ang swivel chair paharap sa kanila. "Can anyone tell me who that Mr. Ventura is and why is him sending me flowers a big deal?"

           Tiningnan ako ni Gina na parang ang laking kasalanan na tinanong ko kung sino ang Ventura na yan. "He's the new CEO of AbTV. He's Mr. Tan's eldest grandson. Ang kaisa-isang anak ni Mrs. Kathleen Tan Ventura."

           Napataas-kilay ako. Why would he send me flowers?

           Tumayo ako at kinuha yung bulaklak mula kay Gina. Binasa ko kung anong nakasulat doon sa card. "I'm your number one fan, Allen Ventura."

           "Maybe it's just for formality. I'm sure every star in this building received one. Just put it in a vase at ilagay mo sa cr. Palanta na rin naman ang bulaklak na nilagay niyo roon." utos ko saka umupo na muli sa swivel chair.

           Agad na sinunod ni Cheska ang utos ko. I guess I can't just throw it away since it's from the new CEO. Parang nakakainsulto naman kung sa trashcan lang ang punta nun. Baka isipin, I'm against him being the CEO. Don't get me wrong, wala akong pakialam kahit ano pa ang sabihin ng iba pero tingin ko mas matiwasay ang buhay ko kung maganda ang relasyon ko sa mga big boss ng kompanya.

           "It's almost time for your guesting, Ms. Tanya." paalala ng PA ko.




           PAPUNTA kami sa studio ng paggi-guestingan ko habang nakasunod sa akin yung team ko. I can't go anywhere without them. Sadly, privacy is a luxury once you're a celebrity. That's the price you pay for fame and money.

           Dahil nasa baba pa ang studio, sumakay pa kami ng elevator. Papasok na sana ako sa loob nang mapansing tumigil ang lahat. Nakakunot ang noong tumingin ako sa lalaking nasa loob. I recognized him. Siya yung lalaking nakasabay namin sa elevator noong isang araw.

A Walk Down Memory Lane (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon