Chapter Twenty Nine

2.3K 37 3
                                    

           I'm with Justine right now. Actually, andito ako sa sasakyan habang hinihintay niya yung kaibigan niyang sasama sa amin today sa loob ng coffee shop.

           Nakita ko si Justine na tumayo at bineso ang isang babaeng lumapit sa kanya. I guess that's who she meant. After ilang segundo ay lumabas na sila at naglakad papunta dito sa sasakyan.

           Unang pumasok si Justine tapos ay yung kaibigan niya. I told the driver na paandarin na ang sasakyan.

           "Hello po, my name's Ellah. I'm Justine's bestfriend." anang kasama ni Justine.

           I smiled to her. "It's nice to meet you."

           "Naku, it's actually my pleasure to meet you. At first, I didn't believe that you're Justine's sister pero nung makita ko yung picture niyo nagulat talaga ako. It must be really cool to be your sister."

           "Thank you for taking care of my sister."

           May nilabas ito mula sa bag niya tapos ay binigay niya yun sa akin. Nagtaka ako nung una. Akala ko ibibigay niya sa akin.

           "Pwede po pa-sign?"

           "Sure." tinanggap ko yun saka pinermahan.

           Ang dami niyang sinabi habang nasa byahe kami. Nakinig naman ako. Nagkakilala sila ni Justine daw dahil magkaklase sila but nagka-close lang sila when she found out na fan ko rin daw si Justine. Di niya raw gusto yung kapatid ko yung una dahil akala niya mataray dahil nga anak siya ng presidente. Basta, madami pa siyang kwento.

           Pagdating namin sa bahay ay agad nilang nilibot ang kabuoan nun habang nakaupo lang ako sa sala. Kompleto na ito actually sa furnitures. May pumupunta rito every week para linisin ang buong bahay kaya hindi maalikabok. But I think kailangan pa ring ipa-check yung kailangang i-check para sure na walang problema the moment na lumipat dito si Justine. Dalawang oras na byahe rin toh mula sa condo so we can't just go here anytime we want.

           "Ate, some rooms are close." anang si Justine mula sa taas ng hagdan.

           Umakyat ako sa taas. Dala ko ang mga susi. I opened the closed doors para matingnan nila.

           "Kwarto mo ba toh ate?" Justine asked.

           I nodded. "But I barely used it dahil hindi naman ako nagpupunta talaga rito. Minsan lang. Ginawa ko lang tong tambakan ng mga hindi ko na ginagamit."

           "Kaya naman pala ang daming gamit."

           "Yeah. Nasayangan kasi ako dati na itapon dahil hindi pa naman sira but pag lilipat ka na, ipapalinis ko na lang."

           "Can I look around? Baka kasi may magamit pa ako."

           Umupo ako sa kama. "Sure."

           Agad namang nangalkal si Justine. Nakisali na rin yung kaibigan niya. I checked the cabinet na rin ng bedside table. These are really old stuff. Hindi ko alam kung kelan ko pinamili yung ibang mga bagay rito. Though, bago pa yung iba nung nilagay ko dito, hindi ko naman pwedeng dalhin sa condo dahil maliit lang ang space doon. Dito ko na rin pinatambak yung mga gamit na hindi ko na ginagamit mula sa mansyon. Pinadala ni mommy rito sa mga katulong namin nung bago pa ang bahay.

           "Can I keep this, ate?" Justine asked habang hawak yung isang lamp.

           "You should just buy a new one. Baka hindi na yan gumagana."

A Walk Down Memory Lane (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon