Chapter Sixty Two

2.5K 47 3
                                    

          Zion ran to his grandparents after we talk to him. Hindi niya natanggap yung sinabi namin. Inasahan ko na rin naman yun. I asked them na kausapin si Zion dahil siguradong makikinig ito sa kanila. Lumabas na muna kami ni Allen at naglakad lakad.

          "He will accept it." pampalubag loob niya.

          I sighed. "Why's my life so fucked up."

          He raised his eyebrow. "So you don't want your life now? Ayaw mo na rin ba sa akin?"

          Sinamaan ko siya ng tingin. "Of course not! I just don't understand why everything needs to be this complicated."

          "It's probably for us to get stronger." aniya. "But you shouldn't worry dahil andito naman ako para samahan kang harapin ang lahat. Simula ngayon, hindi ka na mag-iisa."

          Ngumiti ako. "Yeah. I know that. You make things easier for me."





          Zion never talked to me again after that. Naiintindihan ko. Saan pa ba siya magmamana sa pagkamatampuhin kundi sa akin lang? Zion got everything from me. He's my perfect replica. Kaya medyo kinakabahan ako pag lumaki na ito. I'm just wishing na hindi siya kasing basagulero ko. He'd probably not get that trait, right? I wish he'd be more like Allen, yung sobrang gaan makasama.

          It's already Justine's birthday at naghahanda na kami sa party mamaya. Hinihintay ko na lang sina Zion. Hindi ba kasi dumarating. Ilang oras na lang ay magsisimula na. Tsk.

          "Relax." ani Allen. "He'll be here soon."

          "Baka kasi nagtatampo pa yun." nag-aalala kong sambit.

          "Zion is smart. Trust me, he will accept it one of these days."

          "Sana nga."

          Para ma-occupy ang isip ko, nagpunta ako dun sa likod ng bahay kung saan gaganapin ang birthday ni Justine at tumulong sa pag-aayos ng mga lamesa while si Allen naman ay hayun, hinablot na ni daddy doon sa gilid. They're probably talking about the charity again. Yan naman lagi nilang pinag-uusapan tuwing pumupunta dito si Allen.

          Si Justine naman, nasa kwarto niya pa, naghahanda kasama si mommy. She'd probably be the prettiest tonight. I can see na marami na ring naghahabol diyan kay Justine kaya una pa lang binigyan ko na siya ng advice. I'm more experienced than her so she should take it seriously.

          "Dumating na po sina Zion." bulong ni Camille sa akin.

          Binigay ko kay Camille yung hawak kong mantel. "Ikaw na bahala diyan." utos ko.

          "Sige po, Ms. Tanya."

          Umalis na ako't pumasok sa bahay para salubungin sina Zion. Nabungaran ko siya na nakasuot na nung suit na si Justine mismo ang pumili. He looks so cute with it. Pa-gown at pa-suit kasi yung theme ni Justine kaya ganun.

          Lumapit ako kina nanay at nagmano sa mga ito. Agad na nagtago si Zion sa liko ni nanay ng makita niya ako.

          Umupo ako sa harap niya. "You're so adorable. Talaga bang magtatampo ka na lang sa akin? Kahit na mommy mo na ako ngayon, ako pa rin naman si ate ganda. Wala namang nagbago, diba?"

          Pinalapit ni nanay si Zion sa akin. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay. "Ayaw mo ba nun? Lagi na tayong magkakasama."

          Pilit siyang ngumiti.

          "Gusto ka na ring makasama ni Daddy Allen. We miss you na so wag ka na magtampo, okey?"

          Dahan-dahan siyang tumango. Napangiti naman ako. "Come here." wika ko saka mahigpit siyang niyakap.

A Walk Down Memory Lane (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon