Chapter Twenty Six

2.4K 51 0
                                    

           The next day, umuwi ako sa bahay namin. May kailangan lang akong i-check. Once I got all my memories back, I promise I'd tell Allen everything. I want to be honest with him sa lahat ng bagay but how can I if I don't even know myself?

           "Tanya? I didn't know na uuwi ka ngayon?" gulat na wika ni mommy. "Did you eat already? Magpapahanda ako kay manang."

           Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. "Sige ma. I'll just go to Justine's room. Is she here?"

           "Kanina pa pumasok. May kailangan ka ba sa kanya?"

           "Hindi naman po importante. May iche-check lang po ako saka bababa rin ako agad."

           Nagtungo ako sa taas kung nasaan ang kwarto ni Justine. I need to check that photo album na natagpuan niya. Maybe I can get a clue from that. Or maybe I left a contact no. ni Vanessa or anyone na kilala ko noong college.

           I looked around her room kung saan niya tinago iyun. But it was not on her desk or sa closet niya. Desperate, I texted Justine kung saan niya nilagay yun. I waited for her reply siguro mga limang minuto rin.

           "I'm sorry ate. Ngayon ko lang nabasa text mo. I hid it under the bed. Hindi ko pa yan natitingnan ulit because I was busy so walang nawala diyan or nasira." aniya.

           Agad kong tiningnan ang ilalim ng kama niya. Nakahinga ako ng maluwag ng matagpuan ko iyun. Agad kong binuksan iyun. Una agad na picture na nakita ko ay ang picture ko at ni Vanessa together. She was really my friend.

           Siguro iilang pages din na pictures namin at ng iba naming kaibigan ang naroon. May pictures din kami ni Justine. Yun lang yung nakita ko. There was no information in it. Ni walang caption sa baba. I was about to give up at didiretso na sa pinakahuling page nang mapansin kong parang may nakasulat sa susunod na pahina. Agad ko iyung binuksan.

           "Tanya and Marcus <3" ang nakasulat roon. Nanginig ang mga kamay ko. I didn't know I kept a picture of us together. How did I forget that? Is my brain serious right now? I don't even understand myself anymore.

           I was about to flipped it nang bumukas ang pinto ng kwarto.

           "Handa na ang pagkain." ani mommy.

           "Susunod po ako."

           "Your dad's waiting downstairs."

           Huminga akong malalim. Sinara ko yung photo album saka nilagay iyun sa loob ng bag ko. I'll just look at it later then. Hindi ko naman kailangang magmadali.

           Sumabay na ako kay mommy na bumaba. Dad was already sitting in front of the dinning table habang nagbabasa ng dyaryo.

           "Good morning, dad." bati ko.

           "Good morning." bati niya pabalik. "Why did you rush here? I heard you attended a party last night."

           I nodded. "It was AbTV's anniversary. I just had to check something kaya nagpunta ako rito."

           "Nakita ko ang mga pictures mo kagabi. You were lovely." comment ni mommy.

           I smiled. "I've always been lovely." sabay flip ng buhok ko.

           Natawa naman si mommy habang si daddy ay naiiling. Now that I'm here with them, I wonder if they know about Marcus? I feel like there was something that happened between Marcus and my parents but I'm not sure what it was. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng memories ko yun yung hindi ko maalala halos lahat. Why did he left? What really happened?

A Walk Down Memory Lane (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon