Chapter Thirteen

2.5K 64 1
                                    

           Late akong pumasok ng sumunod na araw. Okey lang naman dahil mauuna naman si Allen sa photoshoot. Marami pa nga kasi siyang gagawin so of course he's no. 1 priority.

           Inaantok pa ako habang inaayusan nung stylist ko. Hindi ako kaagad nakatulog pagdating sa unit ko. Paano ba naman, ang bwesit kong kapitbahay naisipang mag-party na lang bigla. I reported them. Gladly, they stopped nung sinita sila ng gwardiya.

           I looked at where Allen is. I smiled at him sabay kindat nung napansin kong nakatingin siya sa gawi ko. I'm not backing down. I will show him who I really am. If he thinks na kaya niya akong paikutin sa mga palad niya then nagkakamali siya. We'll do it the other way around. Siya ang paiikutin ko sa palad ko.

           "Good mood ka ata ngayon, Ms. Tanya?" pansin ni Camille.

           "Right, so make sure you do your job right. Or you'll end up like my former PA. Ayaw na ayaw ko sa mga tanga."

           Napayuko siya. I took the newspaper na nasa tabi at binasa iyun. Ang boring. Walang interesting article akong nababasa lately. Should I start an issue?

           After a couple minutes, napataas ako ng tingin ng tumigil yung stylist ko sa pag-aayos ng buhok ko. Doon ko lang napansin na nasa harap ko na pala si Allen. Tsk. How is his face so perfect? I can't see any flaws at all.

           "Do you need anything?" I asked ng di siya magsalita.

           "I thought we'd talk." aniya.

           I looked around. "Ngayon? Dito?"

           "I don't mind."

           So he's challenging me now? Tsk.

           "Okey." prente ko namang sagot.

           Binigyan siya ni Camille ng upuan which he took at nilagay sa mismong harap ko. I told my stylist na i-continue ang pag-aayos sa buhok ko. I can feel that everyone's uncomfortable because of Allen's presence. Gina gave me a warning look. Ginantihan ko naman siya ng reassuring look.

           Sinenyasan ko siyang mas lumapit pa sa akin. Though nagdadalawang isip, ginawa niya naman. Hinawakan ko ang pisngi niya saka pinahiran yung labi niya. Napakurap siya sa ginawa ko.

           "It's too shiny. Did you apply something in your lips?" I asked.

           "The makeup artist did."

           "I don't like it."

           "I--... I will take it off." aniyang tila nahihiya.

           He's cute. Ba't ngayon ko lang napansin? I think I'd enjoy this little game.

           "I mean I don't like anyone touching you."

           Malakas na napaubo si Gina sa sinabi ko. Si Allen naman parang hindi makapaniwala sa narinig. Napangisi lang ako. The others continued with what they're doing na parang walang naririnig.

           "I-I w-will not let anyone touch me then. T-they had to put something on my face for the photoshoot. T-that's all."

           "I know. I will take care of that from now on."

           He blinked. "H-ha?"

           Binaling ko ulit ang pansin ko sa newspaper na hawak. Ugh, it's really boring. Tinawag ko si Camille.

           "Do you need anything, Ms. Tanya?"

           "Pakibili ako ng kape. I need to drink some bago magsimula yung photoshoot. Alam mo na naman kung anong gusto ko, diba?"

A Walk Down Memory Lane (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon