Chapter Forty

2.2K 44 0
                                    

           Dinala ko si Zion sa isang malapit na karendirya. Ayaw niyang sumama sa amin. Hindi naman pwedeng umalis na lang ako knowing na hindi siya kakain ng lunch. May konsensya naman ako noh.

           "Di po ba kayo kakain?" tanong niya habang nilalantakan yung binili kong ulam at kanin para sa kanya.

           I smiled. "Kakakain ko lang."

           "Pero di pa po kay--" hindi natapos ni Camille ang sasabihin ng ipasak ko sa bibig niya yung saging.

           "How old are you, Zion?" I asked.

           "Seven po. Pero magwawalo na ako sa August."

           Napatango-tango ako. Binilang ko ang gap ng edad namin. 17 to 18.

           Inalis ko sa isip ko yun. Impossible. Tingin niyo talaga kakalimutan ko yung sarili kong...-- Basta! I should stop imagining things. I'm just helping him. Dahil parehas kaming dalawa. I can relate to him. That's all.

           "Sinong nanay at tatay mo?"

           Nagkibit-balikat siya. "Di ko po alam. Patay na raw po sabi ni lola."

           "Lola mo talaga yung lola mo?"

           Umiling siya. "Anak daw po ako ng kaibigan ni lolo. Inampon lang daw nila ako dahil wala na akong pupuntahan."

           Napahawak ako sa dibdib ko. I knew it. Inampon lang nila tong batang toh from somewhere.

           "Gwapo siguro ng tatay mo. Ang gwapo mo kasing bata. May balak ka bang mag-artista?" singit ni Camille.

           "Ano po yun?" nagtatakang tanong ni Zion.

           "Artista. Yung nakikita mo sa tv ganun."

           "Wala po kaming tv eh."

           Naiiyak na tiningnan ni Camille ang bata. "Kawawa ka naman. Sayang toh Ms. Tanya. Ang gwapong bata eh. Ipasok niyo kaya sa workshop ng Ab--"

           Siniko ko siya. Tss. Napakadaldal. Alam na ngang hindi pwedeng malaman ng mga tao kung sino ako. Mabubuko pa kami dahil sa kanya.

           Camille's phone rang. Tiningnan niya iyun. "Si Sir Allen po... Tinatanong niya kung okey lang po ba daw kayo. Di daw kayo sumasagot sa tawag niya."

           Nagtaas ako ng kilay. I looked at my phone. Nagulat ako ng makitang nakailang missed calls na pala si Allen. I was so focused kay Zion na hindi ko na naramdaman na nagva-vibrate na pala yung phone ko sa bulsa.

           "Tell him I'm sleeping kaya hindi ako makasagot." utos ko kay Camille.

           "S-sige po."

           Binalik ko ang tingin sa batang nasa harap. Halos paubos na ang pagkaing nasa plato nito.

           "Gusto mo pa ba? Just order anything."

           "Salamat po pero busog na po ako. Salamat po sa pagkain saka dito sa softdrinks. Ang bait niyo po, Ate ganda."

           Natuwa naman ako sa tinawag niya sa akin. "From now on, you should eat lunch. Ang payat payat mo na. Don't worry, I will ask ate Camille to bring you food everyday. Okey ba yun?"

           Ngumiti siya. Tsk. He's indeed a kid. Ang bilis madala sa pagkain eh. But I hope na sa amin lang. Di naman siguro toh sasama sa ibang di niya kilala ano? Uso pa naman kidnapping ngayon.

A Walk Down Memory Lane (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon