Chapter Thirty Two

2.2K 37 0
                                    

           Halos isang oras na akong kinokonsensya ng mga bwesit na toh. Nakakainis na. Tingin talaga nila maghihintay yun?? Malamang may ka-date na 'yong iba. Halata naman sa mukha nun na hindi yun mapagseryosong tao.

           Pumunta kaming arcade. Naglaro ako nung basketball. Mabuti rito, malakas yung music, di ko sila masyadong marinig.

           "Naku! Parang si Marcus lang, binobola-bola." parinig ni Anastasia. "Kawawang nilalang."

           "Malamang 50 minutes na yung naghihintay. Parang score lang ng isa diyan."

           Napaigting ang panga ko. Gusto ko na talagang manapak ng tatlong bwesit ngayon. Sila kaya gawin kong bola tingnan natin kung magpapatuloy pa sila sa pagpaparinig nila.

           "Di ako makahinga isipin ko lang yung nakakaawang si Marcus." dugtong naman ni Vanessa.

           Sa sobrang inis ko kung saan saan ko na lang tinatapon yung bola. When will they stopped???

           "Fine!!!! Pupuntahan ko na yung lalaking yun!!" inis kong sigaw pagkuway.

           Bakas naman ang tuwa sa mukha ng mga toh. "Yessss!!!"

           "But only to tell him na hindi na matutuloy yung date."

           Napasimangot silang muli. Pero mas mabuti na yun kesa di puntahan diba?

           So ayun, halos hilahin nila ako palabas ng mall pero kung mamalasin ka nga naman, umuulan pala sa labas.

           "Omg!" sambit ni Jerry.

           "Where is your meeting place again?" Vanessa asked.

           "Sa football field sa school."

           Napasinghap silang tatlo. "Kailangan nating magmadali. Baka basang basa na si fafa Marcus! Wala pa namang bubong yung grand stand."

           Napayuko ako. "Hindi naman siguro siya naghintay kahit umuulan." halos pabulong kong wika.

           I have to be honest, bigla akong kinabahan. Di naman siguro yun tanga para magpaulan kakahintay. He probably doesn't like me that much. He was just guilty. That's all.

           Pumara ng taxi si Vanessa. Halos itulak nila ako pasakay. Mga gago.

           Patuloy sila sa pagpaparinig nila habang nasa taxi kami. But I'm sure wala na yun doon. We're just wasting our time.

           Pagdating namin sa labas ng gate, mas lalong bumuhos ang ulan. Thankfully, mayaman yung paaralan namin at may pa-payong sa mga studyante. Wala nga lang pa-bubong sa grand stand. Mga tanga.

           Halos maputol na ang kamay ko kakahila nila.

           "Pag wala na yun dito, pepektusan ko talaga kayong tatlo."

           "Bilisan mo na lang gaga!"

           Minura-mura ko sila dahil muntik na akong madapa. Pagdating namin sa football field, agad akong natahimik ng makita yung isang mesa sa gitna. May mga pagkaing nakahanda roon. There are lots of flowers everywhere. Pero hindi ko nakita si Marcus.

           "See? Wal--"

           "Omg!!! Did he really wait there?" di makapaniwalang tanong ni Anastasia.

A Walk Down Memory Lane (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon