Chapter Thirty Four

2.3K 38 0
                                    

           Lumabas na ako ng hospital ng sumunod na araw. Pinilit ako nina mommy na manatili sa kanila hanggang siguradong okey na daw ako but since I'm stubborn, I declined. Kailangan ko na ring bumalik sa trabaho. I've been slacking off nitong mga nakaraang araw.

           "I will attend that workshop. They want me to be a guest mentor, right?" tanong ko kay Gina.

           "They've been contacting us about it. I will confirm your guestings."

           "And that afternoon show, I'll take it as well. Magja-judge lang naman."

           "You need to attend it for a week."

           "Eh di mas better. Wala pa akong bagong project. Wala pang interesting role akong nakikita. I need to do something before that. And if may bagong movies or teleserye, and someone offered a role, sabihin mo kaagad sa akin."

           Tumango si Gina. She excused herself para i-confirm yung mga sidelines. Pumasok si Camille. Lumapit ito sa akin. I looked at her weirdly.

           "What?"

           Bubulong na sana siya pero pinigilan ko siya. "Just tell me. Tayo lang naman ang andito."

           Tumango siya. "Nasa labas po si Sir Allen."

           Biglang nataranta ang systema ko ng marinig ang sinabi niya. Agad akong tumayo at naghahanap ng magagawa. Thankfully may script na nakapatong sa mesa ko. Mukhang sa huling movie ko pa toh but whatever. I just need something to read.

           "Papasukin mo." wika ko ng mahanda ko na ang sarili.

           Lumabas na si Camille. After awhile at pumasok na si Allen. Mukhang wala ito sa mood. Hindi ko siya tiningnan. I kept pretending na nagbabasa.

           "So I need to ask permission bago ko makita ang girlfriend ko?" aniya. "I called you a lot of times. Akala ko nasa hospital ka pa. Di ka man lang nag-text para sabihing lumabas ka na."

           I cleared my throat. "Nawala sa isip ko. As you can see, I'm busy."

           "You should have rest more."

           "Mas lalo akong magkakasakit kung wala akong gagawin."

           Umupo siya sa tabi ko. Titingnan sana niya yung binabasa ko pero agad ko iyung iniwas sa kanya.

           "It's a secret project." palusot ko.

           Huminga siyang malalim. "What happened yesterday? Anong sinabi ng doktor? Okey ka lang daw ba? May sakit ka ba?" sunud-sunod niyang tanong.

           "Wala. I was just burnt out."

           "I was so scared that something happened to you. Lampa ka pa naman."

           Sinamaan ko siya ng tingin. "What did you say?"

           "Walang ulitan sa bingi."

           Binalik ko ang tingin sa binabasa. Walang kwentang kausap. Hindi ba niya talaga sasabihin sa akin ang sekreto niya?? Balak niya ba talagang itago na lang sa akin yun? He didn't even ask anything. Hindi ba siya nagtataka kung ba't hindi ko siya maalala? Habang parami ng parami ang tanong sa isip ko mas lalong lumalaki yung suspicions ko. What's his plan? Is he doing this to get back at me? Does he want me to fall for him again para iwanan na naman niya ulit? I'm so confused. I'm... Anxious. Wow. Tanya Felix is anxious.

           Allen cleared his throat. "Are you not..." nginuso niya ako tapos yung paa niya.

           Anong meron sa paa niya? Tss. "Ano?!"

A Walk Down Memory Lane (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon