[LWTCB: Dare in Picnic]
Denzerie Ramirez Pov
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. Napakusot ako sa mata ko at napatingin sa tumatawag. Lonely enough? Or scared of being found out?
Agad ko itong pinatayan at nag-unat. Tinignan ko ang relo ko at namalayan na aalis pala kami ngayon....
Tumayo na ako at saglit na tumahimik bago pumunta sa Cr para maghilamos. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nagpose ng wacky bago ngumiti.
"What a wonderful person you are." Sambit ko sa salamin. Masaya akong lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdanan.
Tinignan ko kung anong maluluto sa kusina at nakita ko lang ang napakaraming stock ng pagkain.
"Teka, expire na ba lahat ng Ito?" Mahina kong tanong.Mukhang hindi naman sila kumakain.... Diet ba sila? Why does it feels like they're killing themselves?
Napabuntong hininga ako at binuksan ang stove. Nilabas ko ang isang pack ng hotdog at isang tray ng Itlog. Matakaw kaya sila? Kakainin kaya nila ito?
"Anong ginagawa mo?" Napatingin ako sa bumaba. Napakaaga pa para bumangon. "Goodmorning." Sambit ko pero bumuntong hininga lang siya.
"Hindi kumakain si Lance and Lei ng itlog." Bungad ni Allister. "Allergy?" Tanong ko. "Ayaw nila ng lasa napakaplain daw." Sagot niya.
"Edi lagyan ng lasa." Tugon ko habang naghuhugas ng kamay. Pagkatapos ay hinawakan ko ang texture at tinignan kung fresh pa tsaka ko binasag at hinalo sa Mixing bowl. In my home, they didn't allowed me to cook so I plan to create a private kitchen on my room.
"Hi." Napatingin ulit ako sa bumaba. Nginitian ko si Raven na nagkukusot ng mata. "Ang aaga niyo namang magising." Sambit ko.
"Kami lang." Sambit ni Allister. "7:00 pa gumigising sina Lance and Lei. 9:00 am naman lagi si Zhairon." Dagdag pa niya.
"Hindi ba kayo nagsisimba?" Tanong ko. "We have books." Sagot ni Allister. Naalala ko nanaman ang sinabi ni Mrs. Contejo tungkol sa kanila. Sa araw-araw na pamumuhay nila... Ang agahan, libro; Tanghalian, libro; at Hapunan, libro pa rin.
"Pano kayo nabubuhay sa puro libro? Ang dami niyong pagkain sa fridge hindi niyo ba 'yon niluluto o kinakain?" I asked out of confusion. Ayos naman ang tindig ng katawan nila. But what are they eating if this fridge contains too many food?
"Mom doesn't know that we can't cook. So... we're just ordering everyday." Sagot ulit ni Allister. What a lame excuse.
Napatango ako at nilagay ang hotdog at dinip sa itlog tsaka ko ito pinirito. "Lalamig ito pag hindi pa sila tumayo."
"So, saan tayo pupunta?" Napatingin ako kay Raven. "Magsisimba." Ngiti ko kaya tumango siya.
Makalipas ang ilang minuto ay nagluto ako ng sinangag at pinatay muli ang kalan. "Done. Gigisingin ko nalang 'yong tatlo." Sabay panhik ko.
Padabog kong kinalampag ang kwarto nila Lei at Lance tsaka sumigaw. "SUNOG!!! SUNOG!!! MGA BATA MAY SUNOG!" Naramdaman ko ang kalabog at kaagad nila itong binuksan.
Ngumiti ako. "ANONG SUNOG?!" Tanong ni Lance. Napatingin ako sa loob at nakita ko ang pagbagsak ni Lei sa kama. "Jerks, gumising na kayo. May pagkain na sa 'baba magsisimba tayo." Sambit ko.
"Ang aga pa...." Sambit ni Lance. "Ang sakit ng ulo ko...." Sabay tayo ni Lei.
"Baba na malelate tayo sa misa." Napatingin ako sa relo ko. 5:17 na at 6am ang misa....
BINABASA MO ANG
Living With The Contejo Brothers [Completed]
Teen FictionHighest rank achieved: #1 Servant Category ❤️ #1 FUNFICTION #68 watty What does it feels like to be trapped in your own cage? Must be hard isn't it? It's hard to forget my past... But still, I managed to control my emotions and fear. Now, I'm ready...