Chapter 13

1.9K 61 3
                                    

[LWTCB: Fall]

Denzerie Ramirez Pov

"GO WITH YOUR FATHER DENZERIE!"

"PERO LO AYOKONG IWAN KAYO!"

Lumapit si Lolo sakin at ngiting hinawakan ang pisnge ko. "There is no place that I won't be with you."

"COME ON DENZERIE!" Sambit ni Papa.

Pero Isang putok ng baril ang nakapagpatumba sa lolo ko habang nakangiti itong tumumba sa harapan ko.
-

"NO!!!!!!!" Nagising ako at agad na napahawak sa dibdib ko at sa mga mata ko.

Kasabay noon ang biglaang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. "ANONG NANGYARI?!" Agad akong pinuntahan ni Raven. Chineck nito ang mga braso ko pati ang ulo ko.

"Bakit ka sumisigaw?" Tanong naman ni Allister na halatang nag-aalala.

"That was loud." Sambit naman ni Zhairon. "Binangungot ka ba?" Tanong naman ni Lance.

"Hey, magsabi kalang samin kung anong napanaginipan mo." Sambit ni Lei. I'm glad that he's fine now...

"Nanginginig ka." Sambit ni Raven. "Ang lamig ng kamay mo." Sambit naman ni Lei.

"Relax Rie." Sambit ni Allister at hinawakan ang ulo ko tsaka hinimas. Huminga ako ng malalim hanggang sa kumalma ang sistema ko. It's embarrassing....

"Are you ok now?" Tanong ni Raven kaya ngumiti ako at tumango. "Akala ko kung ano nang nangyari sayo." Sambit ni Lei.

"Ano bang nangyari? Masama ba ang napanaginipan mo?" Tanong sakin ni Allister. I give them with a bitter smile as I hug myself.

"Napanaginipan ko nasa building daw ako...."

"Tapos?" Tanong Ni Lei.

"Tapos nafall ako pero walang nakasalo." Natawa si Raven pagkatapos niya iyong marinig sakin pero agad din siyang tumigil.

"Sorry, hindi ko lang napigilan." Sambit niya. "Imposibleng walang sasalo sayo." Dagdag pa niya.

"It's funny right?" Pagsisinungaling ko. "Sige na, hayaan na muna natin si Rie." Ani Zhairon at umalis na sila.

Naiwan si Raven na titig parin sakin at natatawa. "Ano bang nakakatawa doon?" Sabay pout ko.

"Sorry, I can't helped it. I mean, it's impossible that no one is there when you fall. That's fucking hilarious, nandito lang naman ako para saluhin ka." Sabay tawa niya na parang careless lang sa binitawan niyang salita.

"Sige na, mag-ayos ka na." Ngiti niyang sabi tsaka tinakpan ang noo ko at hinalikan.

"Bakit lagi mong tinatakpan 'tong noo ko?" Tanong ko. "It's a sign of respect. Sa susunod na kita hahalikan kapag naging asawa na kita." Napamaang ang bibig ko. Bakit kung ano-anong salitang lumalabas sa bibig nitong batang ito?

"Biro lang." Sambit niya at sinara ang pinto.

But hey, he makes me smile! Kahit papaano ay napakalma nila ako.

Inayos ko na ang sarili ko at naligo na. Alam ko na kung saan ako pupunta....

Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako at lumabas ng kwarto bago magsapatos.

Nang makababa ako ay nakangiti silang lahat sakin. "Anong meron?" Taka kong tanong.

"Wala." Sabay-sabay nilang sambit.

Ano bang nasa isip nila? Why are they looking at me at the same time?

"Ok?" Naweweirduhan kong sambit.

Living With The Contejo Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon