[LWTCB: Replace]
Denzerie Ramirez Pov
3 days past at muli na akong nakapasok sa school.
"It's been tough not to be able to go to school. Marami kang hahabulin but they didn't have special Project so 85 ka lang sa lahat."
Habang lumalakad kami ay Hindi ako makapagsalita dahil sa narinig ko 3 days ago...
"Moon is my Fiancé Rie. He's my future husband diba hubby?"
Bakit sa tuwing naiisip ko iyon parang gusto kong pigilan sila?
"Rie are you ok?" Napatingin ako sa biglang tumapik sakin. Agad ko siyang nilayuan at napakapit kay Zhairon.
"Hey? Rie?" Pero hindi ko siya tinignan at nakakapit lang ako sa damit ni Zhairon sa likod.
"Rie? Is there any problem?" Tanong niya. Napatingin sakin si Zhairon at Kita ko ang kalmado niyang ngiti.
Hindi ko kayang harapin si Moon...
Hindi ko kaya....
Pupunta sana siya sa likod nang pigilan siya Ni Zhairon.
"I'm sorry but she's not feeling well." Tinignan ko si Zhairon at napatingin sa ibang direksyon.
"Rie? May problema ba tayo?" Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla itong kumirot. Masakit....
"We need to go nagugutom na din ako." Sambit ni Lei. "Can I join?" Napatingin ako kay Raven at umiling. "Sorry, but we need to talk in private so maybe next time."
Napatingin sakin si Moon tsaka ako ngitian at tinanguan bago tumalikod at lumakad papalayo.
Nang makaalis na siya ay ramdam ko ang pagkabagsak nang luha ko kaya agad akong tumalikod at pinunasan ito.
"Rie?" Nagpaypay ako bago humarap sa kanila at ngumiti.
"Are you crying?" May naramdaman akong kuryente sa dibdib ko pero umiling ako.
"Hindi noh? Bakit naman ako iiyak?" Masiglang tugon ko. "Rie? May problema ba?" Natawa naman ako.
"Wala..." Ngiti ko. "Tara na, gutom na ako." Sabay lakad ko papalayo.
Nang makapunta kami nang cafeteria ay umorder kami bago kami umupo. Binuksan ko ang juice ko at mataimtim na ininom ito.
"Rie?" Napatingin ako kay Zhairon. "Bakit?" Tanong ko. "Nandito lang kami. Kung sakaling may problema ka pwede mo namang sabihin samin." Binaba ko ang juice bago nagsalita.
"Wala naman talaga." Sambit ko. "Then why do you suddenly hold Zhairon's Uniform?" Tanong ni Raven.
"It seems like you have a problem to Moon." Sambit naman ni Lei. Napangiti ako at nilaro-laro ang bote.
"Hindi naman sa may problema ako sa kanya. Gusto ko lang munang layuan siya." Sambit ko.
"Dahil ba sa nangyari?" Tanong ni Lance. "Isa na yun sa dahilan." Sambit ko. "So may iba pa?" Tanong ni Allister.
"Fiancé ni Xyrille si Moon." Sambit ko. Napatahimik sila. Pero nagsalita si Zhairon. "Tapos?"
Napakagat ako nang ibabang labi at napapunas nang mata. "Masaya ako sa kanila." Sambit ko.
"Pero umiiyak ka?" Tanong Ni Raven. "Tears of Joy." Sambit ko. "Rie." Sabay-sabay nilang tawag sakin.
"Tell me are you in love with Moon?" Kumabog ang dibdib ko. "Please answer it." Sambit ni Zhairon.
BINABASA MO ANG
Living With The Contejo Brothers [Completed]
Teen FictionHighest rank achieved: #1 Servant Category ❤️ #1 FUNFICTION #68 watty What does it feels like to be trapped in your own cage? Must be hard isn't it? It's hard to forget my past... But still, I managed to control my emotions and fear. Now, I'm ready...