Chapter 35

1.2K 45 2
                                    

[LWTCB: The Event]

Zhairon Contejo's Pov

"Are you sure about this?" Tanong ko kay Rie habang nakikita siyang nag-eempake.

"Did you already tell mom about this?" Dagdag ko.

"Don't bother me." Bahagyang may tumusok sa dibdib ko. "Rie," Malumanay ko na tawag sa kanya.

"I'm leaving." Sabay zipper niya nang maleta niya. "Rie, I'm sorry. Nasigawan lang kita dahil naasar ako kanina." Inayos niya ang maleta niya at tumingin sakin.

"I forgive you." Sambit niya sakin. "I guess this is my farewell." Ngiti niya kaya ako na ang nagbuhat nang maleta niya.

Pagkababa namin ay nakaupo sa sofa ang lahat.

At ako binigay ko na sa kanya ang maleta niya. Napabuntong hininga siya bago tumingin samin.

"Thank you for almost a month. Madami na tayong napuntahan, madami na tayong naexperienced, at madami na din tayong napagsamahan. Gusto ko lang malaman niyo na naging masaya ako kasama kayo. Naging makabuluhan yung pagiging independent ko. Pero ngayong may mga makakasama na kayo hindi niyo na ako kakailanganin. Tandaan niyo na itinuring ko kayong pamilya. Madami akong natutunan tungkol sa inyo like si Lance and Lei magkaparehas kayo nang gusto Pero magkaiba ang ugali niyo. Si Allister na pasimple pero maingay, Si Raven na Kala mo bata pa Pero napakamature na mag-isip, at Ikaw Zhairon lagi mong iniisip ang kapakanan nang mga kapatid mo bago Ikaw. Ingatan niyo Sana lahat nang ala-alang ginawa natin. Nandito padin naman ako papanoorin kayo sa malayo. You can treat me like a stranger from now on. At Nagpapasalamat ako sa lahat." Huli niyang bigkas na nakapagpalungkot sakin.

Ayokong umalis siya....

Ayoko...

"Mag-iingat ka." Ngiti ko sa kanya. Fuck it Zhairon say it!

"Syempre." Sambit ko. "Naging masaya kami sa pagdating mo." Ngiti ni Raven kay Rie.

"Sige na," Ngiti ni Rie.

"Naghihintay si Kuya sa labas." Sambit niya.

Hinatid namin siya hanggang sa labas nang gate.

"See you at school Contejo Brothers." Ngiti niya at pumasok sa Kotse kasama nang maleta niya.

Tinignan ko ang kotse habang papalayo ito sa amin hanggang sa hindi na namin ito makita.

"Mamimiss ko ang kaingayan niya." Sambit ni Lance. "Pumasok na tayo masyadong malamig dito sa labas." Sambit ni Allister kaya nagsipasok na kami.

Nang makapasok na kami ay nakararamdam parin ako nang lamig.

"Magbabasa lang ako sa taas." Ani Raven at umakyat. "Magbabasa nalang din ako sa taas." Sambit ni Allister.

"Goodnight." Sambit ni Lance at lahat sila ay nagsiakyatan. Natira kami ni Lei. "You're not being honest on your true feelings Zhairon." Sambit niya at tinabihan ako sa sofa.

"Kahit na ayokong umalis siya magagawa ko ba?" Tanong ko at bahagyang natawa.

"We have our own decisions Zhairon. We can choose our path." Sambit ni Lei sakin. "Hindi mo ba ipaglalaban si Rie Kay Mama?" Napayuko ako.

"Are you giving up?" Napatingin ako sa kanya. "Nandito lang kami Zhairon. Kung sakaling maisipan mong ipaglaban si Rie tutulungan ka namin." Ngumiti ako.

"Salamat Lei." Sabay brofist namin. "Matulog na tayo bukas na yung event." Sambit niya kaya tumango ako.

Pero nang pataas na siya ay bigla akong nagsalita. "I'll fight for her Lei." Sambit ko kaya napatingin siya sakin.

Living With The Contejo Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon