Chapter 43

1.4K 47 1
                                    

[LWTCB: A song]

Zhairon Contejo's Pov

Continuation:

3 weeks past at hindi parin gumigising si Rie halos dito narin kami umuuwi sa kadahilanang baka gumising siya nang Wala kami.

At Tatlong linggo narin ang nakalilipas nang malaman ito nang magulang ni Rie at ni Mama.

Sinimulan ang imbestigasyon at ang inaasam na katarungan para sa nangyari kay Rie.

Pero pagkatapos noon ay legal ko na ding ipinakilala ang sarili ko sa magulang ni Rie at laking gulat ko nang tanggapin nila ako.

Sinabi ko na din kay Mama ang desisyon kong si Rie ang gusto ko at Di kalaunan ay tinanggap niya ito at sinabing malaki na ako at kaya ko nang magdesisyon sa sarili ko.

Napatingin ako sa salamin kung saan nakahiga si Rie at maraming aparato ang nakalagay sa katawan niya.

Talagang mananagot ang may sala....
Hinding-hindi ko siya mapapatawad...

Nang malaman din ito nang bawat teachers at estudyante sa Campus ay nagsimula silang magsipuntahan para kamustahin ang kalagayan ni Rie.

Ang iba ay nagdadala nang pagkain para sa paggising ni Rie pero nabulok din ito nang di kalaunan kaya itinapon namin ito.

***

Apat. Apat na linggo na ang pagbibilang kung magigising ba si Rie pero tanging heartbeat lang ang nangyayari.

Bakit ang tagal niyang magising?
Gigising pa ba siya?

Tanging mga makina na lang ang nakikita kong nagpapatakbo nang sistema at parang hindi na lumalaban si Rie.

Naluluha na ako dahil sa kaba at tagal nang paggising niya. Kung gigising siya bakit hindi pa ngayon? Alam niya bang ang daming naghihintay sa paggising niya?

Lalo na ako...
Hayok na hayok na akong yakapin siya...

"Zhairon?" Napatingin ako sa mama ni Rie.

"Hindi ka pa ba napapagod dito sa labas? Nakaupo ka lang dito wala ka bang balak umuwi?" Umiling naman ako habang nakangiti.

"Gusto ko pong makita niya ako paggising niya." Napaupo ang naman ni Rie sa tabi ko.

"Alam kong mahirap para sa iyo ang titigan ang anak ko sa ganitong kalagayan lalo na't girlfriend mo siya."  Napayuko ako. "Gusto ko lang pong malaman niya ang katotohanan pagkagising niya. Ayoko na pong bumalik sa ala-alang pati siya masasaktan." Sagot ko pa.

"We will tell her all of the truths Zhairon. Alam kong madami din akong pagkukulang sa kanya. Ipinagkait ko din ang kalayaan niya noong bata siya kaya alam kong nasasaktan siya pero paggising niya ipapaalam ko ang lahat nang dapat niyang malaman... Ipapakilala din kita sa kanya." Napangiti ako.

Hindi ito ang tamang panahon para panghinaan ako nang loob...

***

Lima. Limang linggo na ang nakalilipas pero hindi parin siya nagigising. Kakapunta lang namin sa hospital dahil madaming ginawa sa eskwelahan.

Living With The Contejo Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon