[LWTCB: The Deal]
Allister Contejo's Pov
It's been 3 weeks simula ng lumipat samin si Denzerie. At Ilang weeks nadin niya kaming pinapasyal sa iba't-ibang lugar.
"Ilang books nalang?" Tanong ko. "127 books in all." Sagot ni Rie habang kumakain kami.
"127 nalang pala...." Ani Raven. "Ano kaba? Mahaba pa yun." Sabay akbay ni Lei kay Raven. "Diba Lance?" Kita ko na tumango naman si Lance.
"Ok so, where are we going after school?" Tanong ko.
"Maglalakad-lakad. Wala akong maisip." Sambit ni Denzerie.
"Hindi ko naman kasi kabisado itong lugar niyo." Sambit niya tsaka ininom ang juice na nasa lata.
"Edi sa lugar niyo tayo pumunta." Napaismid si Rie tsaka umubo. "Hey," Sabay himas ni Raven sa likod ni Rie.
It's been weeks at nagiging madaldal na din si Raven na ikinakapagtaka and at the same time ikinakamangha ko.
Nahawa lang ba siya kay Rie?
"Ano bang sinasabi niyo." Sambit ni Rie sabay punas ng bibig niya.
"What if sa inyo tayo magsemi vacation tutal malapit nadin naman yung festival? Pagkatapos noon semi Vacation na." Pangungulit ni Lei.
"Ayoko." Mariing sambit niya na ikinatingin namin. "Maybe next time." Ani Lance.
"Mag semi-vacation nalang tayo Sa isang lugar na alam ko." Sambit ni Rie at ngumiti.
"If that's what you want them I'm in." Ani Zhairon. Napatingin ako kay Lei na ngayon ay tinitignan si Rie Kaya hinigit ko muna ang babaeng ito. "I'll borrow her for a while." Sambit ko.
Dinala ko si Rie sa may garden at pinaupo sa swing. "Anong...." Pero hindi ko siya pinagsalita at inugoy ko nalang ang swing nang marahan.
Tahimik ang paligid at wala kang ingay na maririnig. "I miss to swing in this thing." Napatingin ako sa kanya.
"What kind of life do you have?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ko siya dinala dito but... My EFFIN system keeps telling me to make her feel comfortable.
"There are things that must be kept Allister." Sambit niya kaya hindi ko na siya pinilit.
"Are you some kind of rich girl that's pretending to be poor?" Tinigil niya ang pag-swing.
I knew it... "My life isn't like that It's way more trouble than you think." Sambit niya.
"Hindi kita maintindihan." Sambit ko. "Then someday you'll understand." Kasabay nito ang paglakas ng hangin dahilan para tangayin unti-unti ang buhok niya.
"Wanna go somewhere?" Tanong niya sakin. "Hindi ako nagcucutting." Sagot ko.
"Wala akong sinabing magcucutting tayo. Tinatanong lang kita." Sagot niya pabalik.
"Saan?" Tanong ko. "Sa Park lang." Sagot niya. "Ilang beses na tayong pumunta sa park." Sambit ko. "Baka mamaya maubos ang libro namin kakapunta lang sa isang park." Tugon ko.
"Hindi tayo pumupunta sa park para magreklamo. Gusto kong malaman mo na magiging parte ang park ng buhay mo o naten tuwing masaya o malungkot tayo."
"Dahil minsan dito ka din dadalhin ng paa mo." Makahulugang sambit niya. Hindi ko alam ang sasabihin kaya tumahimik nalang ako.
"Naiinggit ako sa inyo. Dahil kayo may kalayaan." Tinignan ko siya. "Habang ako nakakulong parin sa sarili kong kulungan."
"What do you mean?" Tanong ko. "Sa takdang araw alam kong dadalhin ako ng paa ko kung saan tahimik habang kayo dadalhin kayo ng paa niyo kung saan kayo liligaya." Ngiti niya. Napakalalim niya magsalita...
"Balik na tayo." Sambit niya pero kusang gumalaw ang kamay ko at hinigit ang braso niya.
"Nandito lang naman kami kung kailangan mo ng kausap." Sambit ko. Napatingin siya sakin at ngumiti.
"But it isn't as easy as what you think it is." Sabay lakad niya papalayo.
Lumipas ang ilang subjects at uwian na.
"So, where do you plan to go?" Tanong ni Raven.
"Park." Sagot niya. It's making me think deep. What is the meaning behind her words?
Who is she really? What is she planning to say? Why couldn't she says it in a straightly?
"Sorry but she'll come with me." Sagot ko.
"Magkasama na kayo kanina." Ani Raven. "It's unfair." Dagdag pa niya.
"What's unfair? I just want to get all my books as much as possible. Gusto ko nang magbasa." Sambit ko.
"Is that what you really want?" Mapang-usisang tanong ni Zhairon. "What do you think is my other reason?" Tanong ko.
"Just clarifying." Sagot niya. "Mauuna na kami." Sagot ko tsaka hinigit si Rie.
I brought her at a coffee shop near the school. "Anong gagawin natin dito?" Tanong niya sakin.
"I just want to say things that I want to say." Seryoso kong sagot. "I just want to find the answers on my questions."
"That's why I wanted to make a deal with you." Diretso kong sabi.
"I have sixteen Books left."
"That means I have sixteen days to borrow you."
"Gusto kitang masolo for sixteen days."
"What?"
"Didn't you hear me?"
"I said you'll be MINE for Sixteen days."
"Starting today. I'll borrow you everytime, every moment, every second that I want to."
"Is that clear Ms. Ramirez?" Nanlaki naman ang mata niya.
"I'll take that as a yes." Nilapitan ko siya at tinakpan ang noo niya tsaka ko hinalikan.
"We're on a deal Ms. Ramirez." Ngiti ko sa kanya. Gustuhin niya mang magreklamo ay hindi niya nagawa. Habang pinapalalim ko ang pag-uusap ay hindi ko parin maintindihan ang sinasabi niya.
But someday... Her secrets will unfold...
BINABASA MO ANG
Living With The Contejo Brothers [Completed]
Teen FictionHighest rank achieved: #1 Servant Category ❤️ #1 FUNFICTION #68 watty What does it feels like to be trapped in your own cage? Must be hard isn't it? It's hard to forget my past... But still, I managed to control my emotions and fear. Now, I'm ready...