ch. 12

128 8 6
                                    

d o n e

"What up you guys??!!" paninimula ni Mila sa kaniyang vlog. "So we're already here at the venue, chilling and minggling with people before the fashion show!"

Medyo na-awkward tuloy ako, not just because I'm wearing this revealing dress, but also because nasasali ako sa vlog ni Mila. Hindi pa naman ako sanay sa harapan ng camera. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kanina sa bahay ni Henry. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sakin?

Then, may naramadaman nalang akong kamay na biglang pumulupot sa bewang ko, agad akong napalingon at si Henry pala. Kinindatan naman niya ako bigla. Kaya napayuko nalang ako. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya. Lalo pa't kani-kanina lang ay siya ang laman ng isip ko.

"You okay?" bulong niya.

Tumango lang ako.

"You want something to drink?" tanong na naman niya.

Umiling naman ako.

The lights went off at natapat ang spotlight kay Timothy, ang DJ ng event nato. Grabe jampacked ang buong event. Ang daming tao, at hindi lang basta-basta na mga personalidad ang mga nandito. Marami ring celebrities, fashion bloggers/vloggers, grammers, stylists, photographers at marami pang iba na nasa fashion industry. Nakakamangha talaga ang mundo nila.

Luca called his collection as Tala because he says, every girl is a star, and most of us don't even know it. He says, in this collection, he wanted to celebrate women. That's why in every dress worn by models walking down the runway, there are so much details in the beadings, in particular, crystals.

"Grabe, nakaka amaze talaga," ang sabi ko naman.

"Oh you should see him work on his lab. It's very inspiring," sagot naman ni Henry.

Then, lumabas na si Rian, naghiyawan ang lahat. As she was walking in a see through, body-hugging sleevless dress na mahaba ang cut sa bottom, she looks like a goddess. She was so fierce.

"Grabe, ang ganda ni Rian," komento ko.

"Yeah, she definitely belongs on that stage," komento rin ni Henry.

Then nagsilabasan na ang lahat ng models habang may ngiti sa kanilang mukha na pumapalakpak. Then finally, lumabas na si Luca. He was wearing a cream-colored coat with plain white shirt underneath. Mas lalong nahiyawan ang lahat, cameras flashing everywhere. Henry opened his phone too, recording for his IG Story. Nang makarating si Luca sa dulo ng stage, he offered his hand to Rian. Tinanggap din naman ito ni Rian. Sabay nilang itinaas ang kamay nila at lalong naghiyawan ang lahat.n

"Wow, tamang-tama talaga na si Rian ang nagclose ng show," ang sabi ko naman.

"Of course she's the one to close the show. It has always been that way," komento naman ni Henry.

"Talaga?" gulat kong tanong.

"Yep, I thought you knew," ang sabi naman niya, pero umiling lang ako. "Rian has always been the one to close Luca's show because she has always been his muse."

"Wow! Ganun talaga sila ka-close no?" paghanga ko sa kanila.

"Oh so you really didn't know huh?" he asked me, amused.

"Ha? Ano ba dapat ang alam ko?" tanong ko sa kaniya na nagsisimula ng magtaka.

"They have known each other their whole lives. Pareho kasi sila na kilala ang mga pamilya sa fashion industry. They used to date. They have been together for a very long time. Then a year ago, they broke up. They said, it's hard to work things out and decided to be just friends. But after all that has happened, some things never change," paliwanag ni Henry.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero sa totoo lang, nakakapanghinayang sila. I was in awe while watching them, very comfortable on stage, while everyone's taking pictures. Then they hugged. They look so good together!!!

"Sayang naman. Sobrang bagay pa naman nila," ang sabi ko.

"Well, hindi naman talaga kailangan maging sila. Clearly they love each other genuinely. Mahahanap din nila ang right time na para sa kanila," ang sabi naman niya.

Napatango nalang ako. "Alam mo, pansin ko, ang dami mong realization sa life. Parang konti nalang, pwd ka na sa Ted Talks eh."

Tinawanan lang ako ng mokong.

"CR muna ako."

I went to the bathroom to freshen up. Kahit ang lamig-lamig dito tsaka medyo kita ang balat ko rito sa suot ko, pinagpapawisan ako ng todo. Siguro na rin sa kaba. I love fashion but I don't often wear dresses like this. Hindi rin kasi ako ganoon ka-komportable sa katawan ko. But...I gotta admit, it feels great to do something different. It feels as if I'm in control. Almost...empowering.

Nang makalabas ako, bigla akong napatigil dahil sa imahe ni Wesley. Nanlaki agad ang mga mata ko. Ramdam ko ang pagsulyap niya sa akin, mula ulo hanggang paa. Mapupungay ang kaniyang mga mata. Siguro, napasobra ang inom niya.

"Gwen."

"Wesley? Okay ka lang?" tanong ko, medyo nag-aalala sa kalagayan niya.

Nakatingin siya sa mga mata ko. Halos malusaw ako sa pagsusumamo ng kaniyang mga mata.

"Why are you here? Bakit kasama mo na naman siya?" tanong niya.

Napabuntong-hininga nalang ako. Ganito nalang ba kami lagi? Nakakapagod ng makipagtalo sa kaniya.

"If you're just going to bring up, what you said the last time, mas mabuti pang huwag mo nalang ituloy," ang sabi ko at tinalikuran siya.

Pero ang sunod niyang kilos ang hindi kapani-paniwala.

Bigla niya akong hinila papunta sa kaniya at hinagkan ako mula sa likod. Gulat ang agad na rumehistro sa akin sistema!

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" tanong ko agad sa kaniya na sinusubukang kumawala.

Agad akong napatingin sa paligid, walang tao. Pero paano kung may makakita sa amin?!!!

"Bitaw," utos ko pero hindi niya iyon pinakinggan. "Bitaw sabi kundi sisigaw ako!"

"Shhhh, teka lang," bulong niya. "Please."

Nasisiraan na ba talaga to si Wesley?

"Break up with him. Please," pakiusap niya sa akin. Biglang lumuwag ang kaniyang mga bisig kaya nakawala agad ako at hinarap siya.

"Why do you want me to break up with him so bad?" tanong ko sa kaniya. Realization dawned on me. "Unless..."

"No, no. That's not the reason why," he cut me off.

Mas lalo akong naguluhan sa kaniya.

O baka naman.

"So you want me to break up with him and keep waiting for you to finally love me back?" hindi ako makapaniwala sa kaniya.

"No, that's not what I meant," depensa naman niya, habang sinusubukang hawakan ako.

"I can't play this little game anymore!" ang sabi ko sa kaniya. "Hindi porket ginusto kita ay habang buhay na akong manlilimos sa pagmamahal mo!"

"Gwen," tawag niya hinilang muli ang aking siko.

"No!" pagbitaw ko. "This time, I'm really done!"

===============================================

Don't forget to comment and vote! You can also share your thoughts on twitter and just use this official hashtag #TWEOH or you can also follow me on twitter: downcastpoetess

I hope you enjoy reading this book as much as I enjoyed writing it :') This is Patch saying Yes to Happy Reading and Happy life ❤

The Weird Existence of HenryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon