ch. 18

104 9 7
                                    

c a p t u r e d

Hindi ko na maalala ang huling beses na nakatapak ang aking mga paa sa buhangin. Hindi ko na rin maalala ang huling beses na nakaramdam ako ng ganito. To be honest, it's hard to explain. It feels so peaceful...almost tranquil.

Mga bandang alas-nuebe kami dumating dito sa rest house nila Mila. May taga-pangasiwa na tingin ko ay malapit sa pamilya nila. Isang matandang ale at ang apo nitong dalaga ang sumalubong sa amin. Pagkatapos mananghalian, lumusong agad kami sa dagat. Medyo hindi pa nga ako komportable sa suot kong two-piece pero kapag nakikita kong parang wala lang ito kina Rian, parang nagkakalakas-loob din akong ibalewala ito. That's one of the things I like about hanging out with them. Nakakahawa ang attitude nilang carefree. Sana dumating din ang araw na hindi ko na gaanong pinapahalagahan ang iisipin ng ibang tao.

Habang ninanamnam ko ang langit na unti-unti ng nagiging kulay kahel, pinagmamasdan ko lang sila Ebonie, Mila at Rian na nagpapa-picture kay Henry. Actually, kanina pa panay ang pagkuha ni Henry ng picture sa kanila. Sinusulit naman nila ang magandang view at skills ng kaibigan nila. Now that I thought about it, ngayon ko lang napansin na saglit lang si Henry sa tubig. Kanina pa siya panay kuha ng mga litrato sa paligid. May kumukuha kaya ng picture niya?

"Ikaw naman," nabalik ako sa huwisyo nang biglang lumapit si Rian sa akin at tumabi sa kinauupuan ko.

"Naku, kayo nalang," ang sabi ko naman.

"Hay! It feels so good here! Walang stress!" ang sabi niya.

"Oo nga eh. Malayo sa city na super crowded," pagsang-ayon ko naman sa kaniya.

"I heard from Mila and Bonie na nag-away daw kayo ni Henry," kwento niya bigla kaya napatingin agad ako sa kaniya gawi. "Pagpasensyahan mo na yan si Henry ha. Hindi lang talaga siya gaanong marunong i-handle ang emotions niya. He could be an ass sometimes."

"Oh, it's fine, really. Okay na kami. Nakapag-usap na kami," ang sabi ko naman sa kaniya.

"Serious relationships and commitments all new to him. Hindi kasi siya nagse-settle noon. Kaya nga medyo nagulat kami nang may ipakilala samin eh," paliwanag naman niya.

"Yan din ang sabi ng iba," sagot ko naman.

"Ayokong i pressure ka or anything ha pero please, be careful with his heart. I don't think he can handle another ruined relationship," malumanay na sabi ni Rian.

"Oh yeah, totally. I understand," I smiled.

Another ruined relationship? She must be talking about Henry's family. He looks so cool and carefree pero sa likod ng imaheng kaniyang binubuo ay isang pusong takot ng masaktan muli.

"Gwen!" my train of thoughts got interrupted when Henry called me. Agad akong napalingon. He was gesturing for me to come near him. Napalingon din naman agad ako sa katabi kong si Rian.

"Sige lang," ang sabi niya.

So I walked up to him. Wala na sina Mila at Ebonie, nasa dagat na at nakikipaglaro kina Gab, Timo at Luca.

"What's up?" ang sabi ko nang makalapit ako sa kaniya.

"Look at this," aniya.

Ipinikita niya sa akin ang kuha niya ng tanawin ng dagat at kulay kahel na langit.

"Naks naman! Galing mo talaga," ang sabi ko sa kaniya.

"I think it's missing something though," aniya.

"Ano naman?" pagtataka ko.

"Tayo ka diyan dali!" utos niya.

"Kukunan mo ko? Naku! Ayoko! Wag na Henry," pagtanggi ko agad.

"Dali na! Before the sun sets!" ang sabi naman niya.

Napabuntong-hininga nalang ako! Bakit sa lahat, ako pa napili niyang kunan. Nandiyan naman sina Rian oh. Kainis! Wala na akong nagawa kundi pumwesto sa sinabi niya bago pa mag-away na naman kami.

"Okay, when I count to three I want you to look at me alright?" ang sabi niya.

"Okay," sagot ko naman.

"Okay, ready....and three!" nagulat ako nang marinig ko ang three kaya agad akong napatingin sa kaniya.

Clicked.

"Ang sabi mo count to three!!!" reklamo ko sa kaniya.

Pinagtawanan lang ako ng sira-ulo.

"Come here, look," aniya.

Lumapit naman agad ako sa kaniya para tignan ang shot. Nagulat ako sa nakita ko sa picture. Ako ba talaga yan?

"How did you do it?" gulat na tanong ko.

"How did you do it?" tanong naman niya.

Napatingin agad ako sa picture. It looks so good. Parang candid ang photo. It doesn't look like it's planned at all.

"Sometimes, you just have to capture moments," he said, looking directly into my eyes.

Kumalabog muli ang puso ko.

I think he just captured something else in me.

===============================================

Don't forget to comment and vote! You can also share your thoughts on twitter and just use this official hashtag #TWEOH or you can also follow me on twitter: downcastpoetess

I hope you enjoy reading this book as much as I enjoyed writing it :') This is Patch saying Yes to Happy Reading and Happy life ❤

The Weird Existence of HenryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon