ch. 20

111 13 13
                                    

d a r e

I don't like drinking. Hindi ko gusto ang lasa nito pagkatapos ng mga tawa, but as weird as it gets, I like the idea of drinking, the idea of letting go of your worries and not thinking too much about everything. Kaya nang magkayayaang uminom, after dinner, hindi ko mapigilang hindi kabahan. I've never experience drinking with them so the mystery is making me anxious. I mean, they're veryool to hang out with but I just don't know how they're gonna be like when alchohol kicks in.

Gusto ko mang maunang matulog or magdahilan para hindi na sumama, pero kapagka nakikita ko ang ngiti ni Mila, hindi ko magawang hindian to. Lalo pa dahil sa kwinento ni Henry tungkol sa family ni Mila, mas gusto ko tuloy na gawing mas masaya pa ang birthday niya.

Me and the girls went inside para magligpit sa mga pinagkainan namin at ang boys naman nasa labas at hinahanda ang bonfire. Doon daw kami mag-iinom para mas exciting and chill.

Few moments later, the drinks were served by Gab and Timo and we're all trying to get comfortable here on the sand. Nilapag lang namin ang aming mga sarong at doon na umupo. Pinapaikutan namin ang bonfire at habang tahimik pa ay tunog ng gitara ni Gab ang tanging nagsasalita.

"You okay?" biglang tumindig ang mga balahibo ko nang madampian ng hininga ang aking tenga. Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino iyon. Boses palang kilalang-kilala ko na. Tumango lamang ako.

Umupo siya sa sarong ko at tumabi sakin. Our thighs are slightly touching 'cause the sarong's too small for the both of us.

"You sure? Di ka giniginaw?" he asked again, leaning his head towars me, trying to search for my eyes.

Doon ko lang napansin na nakasundress pa rin nga pala ako. Medyo maginaw nga pero hindi rin naman masyado dahil sa apoy ng bonfire.

"Yeah," sagot ko naman.

Henry's eyes looked like it's brown because of the light of the fire. Tumerno pa sa autumn-colored printed polo niya. His eyes are just so dreamy which makes my heart flutter. Napabuntong-hininga nalang ako.

"I'd like to make a toast," pagpatay ni Rian sa katahimikan. Tumayo siya at tinaas ang red cup sa ere. "Here's to Mila, the prettiest and sweetest birthday girl, to our friendship and may it last like this, to new friendships and loved ones. Here's to our family."

"Cheers!!!" sigaw ni Mila at nagtawanan ang lahat.

Natawa na rin ako at nakipagcheers kay Henry.

"You sure you're gonna drink?" bulong ni Henry. I could sense his worries in his voice.

"Yep," sagot ko naman at ininom ng diretso ang drink ko.

Surprisingly, it tastes really good! Ang sarap ng pagkakatimpla ni Gab at Timo. Kulay pink ito at medyo matamis, parang juice lang pero kapagka dumaan na sa lalamunan mo'y may guhit kang mararamdaman.

"It tastes so good!" ang sabi ko naman.

"Talaga? Nagustuhan mo Gwen?" tanong ni Timo, medyo namamangha rin.

Tumango naman agad ako at ngumiti. "Pwede mo ba akong kunan pa?" tanong ko kay Henry. He just looked at me. Ngayon nagiging kulay dilaw na may halong brown ang mga mata niya. Ganoon nga siguro kapag hazel eyes, paiba-iba ang kulay depende sa light. I could sense his hesitation but he grabbed my cup and got up.

"Kantahan niyo naman ako guys!" request ni Mila sa kanila.

"Oo nga! Di niyo na kami kinakantahan. Ikaw din Luca!" dagdag naman ni Ebonie.

The Weird Existence of HenryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon