ch. 05

137 9 3
                                    

d e a l

So I'm doing some research about my pseudo boyfriend. Nagiging stalker na tuloy ako dahil sa isang maling akala. I stalked him on twitter and IG. Ang official facebook acc niya kasi, hind masyadong updated tsaka, ang dami niya ring poser acc. So you never know what's true and what's not. As I was scrolling down, may biglang nagnotify sa twitter ko. I got a direct message. It's from Henry. Ugh!! What does he want now?


***

@henry_sebastian

We need to talk. San ka??

Nandito ako ngayon sa pool ng school.

Okay.

***

Ano kayang meron? Anyways, nandito ako ngayon sa pool, PE class nila Martha, Stacey, Cindy, Simon at Wes. Actually, tapos na ang klase ko. I'm just hanging out here 'cause I have nowhere to go.

I found out a lot of things about Henry. Back in Junior High, he was the captain of the Williamson's Basketball Varsity Team. I guess doon sila nagkakilala nila Dave at Simon. Medyo sikat siya sa school. Kaya pala maraming nakakakilala sa kaniya. Based on his IG, he's into photography. He has done a lot of portraits and photoshoots.

Apparently he stayed in the States for years and now he's back. Wala pang nakakaalam kung bakit siya biglang bumalik. I wonder why. Bakit kaya siya bumalik?

"Whoah? Inlove with your boyfriend much? Why are you on his IG?" bigla nalang sumulpot si Stacey sa gilid ko, removing her swimming cap.

"Wala. Nadaanan ko lang," sagot ko naman, feeling conscious with their eyes on me.

"Ikaw ha, di mo pa nga kinikwento samin ang tungkol sa inyo ni Henry! Daliii! Kwento ka na," pamimilit ni Martha sakin.

"Di nga yan nag kwento sakin na dating roommate niya eh," dagdag naman ni Cindy, medyo may tampo sa kaniyang tono.

"I'm gonna tell you guys in time but for now, I gotto go. May pupuntahan pa kasi ako," ang sabi ko sa kanila.

Medyo timming din tong si Henry ha.

"Asuuus! Halatang may date oh," kantyaw naman ni Simon.

"Ha-ha-ha," pagsakay ko sa trip niya. "Sige na, una nako."

Dali-dali agad akong lumabas sa pool. Mas mabuting dito nalang ako maghintay kesa paulanan ako ng tanong nina Martha.

I was about to message him when I heard a honk. Halos mabitawan ko ang phone ko sa sobrang gulat!!! Biglang bumaba ang salamin ng shotgun seat.

"Come on, let's go," ang sabi ni Henry, sumesenyas na pumasok ako.

Nang makapasok ako sa shutgun seat, napatingin agad ako sa kaniyang banda. He's still on his phone and that gave me time to roam my eyes around. Malinis ang car niya. Maaliwalas din ang amoy at walang mga nakakalat na bottled water. It's nice that he takes care of his car. All black BMW panaman to.

"So what do you want to talk about?" tanong ko.

"Let's get something to eat first. I'm craving for sweets," ang sabi niya.

The Weird Existence of HenryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon