a l o n e
"Akala ko ba kumain ka na?" tanong niya habang nanatili ang kaniyang mga mata sa daan.
"Gutom ako ulit eh," sagot ko naman.
"Takaw talaga," pabulong niyang komento.
Napabuntong hininga ako. Mabuti naman at naging okay na kami. Kanina pa niya ako pinapatahan pero hindi ko ba alam, tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. Kaya nang mabanggit niya ang usapang pagkain, agad akong naging okay. Nakaka-excite kasi talagang kumain.
Tahimik lang kaming sa loob ng sasakyan. Siguro, kung noon iyon, nagkaugaga nako sa kakaisip ng topic na pwedeng pag-usapan. Pero ngayon, ewan ko ba, parang nagiging komportable na ako sa katahimikan. Hindi siya awkward silence na madalas kong nararanasan sa mga taong nakakasalamuha ko. This is different, the kind of silence that's peaceful...almost tranquil.
Nang iparada ni Henry ang sasakyan niya sa isang karenderya, napatingin agad ako sa kaniya. Tingnan mo 'to, sikat na sikat na photographer, galing America pa, pero gusto niyang kumain sa isang simpleng restaurant. Minsan nakakahanga talaga siya kahit mas madalas na nakakainis siya.
Bumaba rin agad ako at sumunod sa kaniya.
"Paano mo 'to nahanap?" tanong ko agad habang nakabuntot sa kaniya.
Pumila naman kami agad at sabay na kumuha ng tray.
"Dito kami kumakain ng pamilya ko noon," simpleng sagot naman niya.
Napatango nalang ako. Ito ang unang beses na nabanggit niya ang pamilya niya. Medyo madaldal si Henry, pero hindi siya gaanong nagki-kwento tungkol sa pamilya niya. I admit, nacu-curious talaga ako. Pero mas pinili ko nalang manahimik kesa kulitin siya. Baka mamaya, magka round two pa ang away namin.
Nang malatag na sa lamesa lahat ng mga inorder naming putahe, my mouth immediately watered. Nakahain sa amin ang dalawang piraso ng tortang talong, isang serve ng bulalo at ginataang gulay. Mapaparami ata ang kain ko ngayon!
Agad naman kaming nagsimulang kumain.
Habang nilalantakan ko ang bulalo, nagkomento naman agad tong kasama ko.
"Kung inaakala mong cute yang attitude mo na mapili sa pagkain, sinasabi ko sayo ngayon na hindi," agad naman niyang sabi at nilagyan ng ginataang gulay ang plato ko.
Napasimangot naman agad ako.
"For your information, hindi ako nagpapa-cute no? Hindi lang talaga ako mahilig sa gulay!" sagot ko naman sa kaniya habang inuusog ang nilagay niyang gulay sa gilid ng aking plato.
Napailing-iling nalang siya at nagpatuloy sa pagkain.
"Alam mo Henry, ito talaga ang gusto ko," biglang kwento ko sa kaniya.
"Ang kumain ng gulay?" takang tanong niya.
Natawa naman ako agad.
"Hindi, ang ibig kong sabihin, ang magkaroon ng makakasalo sa pagkain," ang sabi ko sa kaniya.
Agad naman siyang napatingin sa akin.
"Bakit? Wala ka ba laging kasabay kumain? What about your friends? Di ka ba nila sinasamahan?" tanong niya.
"Laging kasing magkasabay kumain ang magbo-boyfriend. Si Martha naman, laging pamilya niya ang kasama niya kapag dinner. Kaya mag-isa lang ako. Minsan nga hindi na ako kumakain eh. Just to avoid being alone," kwento ko sa kaniya. "Kaya naisip ko, pag nagka-boyfriend kaya ako, magkakaroon na ako ng kasabay kumain. Kaya thank you ha, kahit pretend-girlfriend mo lang ako, sinasabayan mo kong kumain."
Nang matapos kaming kumain, hindi na muna agad kami umuwi. We decided to get ourselves some ice cream while taking a late night walk. Masarap kasi ang hangin sa gabi.
"Ako rin," biglang sabi ni Henry.
"Ha? Favorite mo rin ang vanilla?" napatingin agad ako sa kaniya.
Umiling lamang siya.
"Ang ibig kong sabihin, ako rin, minsan iniiwasan ko ring kumain dahil ayokong kumain mag-isa. When I was in highschool, my parents got divorced. Pumuntang states ang Mom ko, habang ang Dad ko naman, nagkaroon na ng ibang pamilya. Mag-isa ako lagi sa hotel suite na kumakain. Nakaka-lungkot kapagka ganoon. But then I realized, I have to learn how to be alone. Kailangan kong sanayin ang sarili kong mag-isa at makontento sa ganoon," pagkwento niya.
Napatigil ako sa paglalakad.
Hindi ko inaasahan yun kay Henry. Kaya pala mag-isa lang siya sa bahay niya.
"Oh, ba't ganyan ka makatingin sa akin?" tanong niya nang naestatwa ako.
"Grabe, hinahangaan talaga kita Henry," ang sabi ko sa kaniya.
"Nasisiraan ka na ba talaga?" gulat niyang tanong.
"Alam mo, simula ngayon, gagayahin na kita! Kailangan kong sanayin ang sarili kong mag-isa," ang sabi ko naman.
Kahit medyo madilim at mga ilaw lang sa daan ang nagbibigay ilaw, napansin ko pa rin ang biglang pamumungay ng kaniyang mga mata.
"Alam mo Henry, feeling ko nagkaka-crush na ako sayo," biglang biro ko. Masyado kasing seryoso ang mukha niya.
He scoffed.
"Kilabutan ka sa mga pinagsasabi mo," ang sabi niya at nauna ng maglakad.
"Teka! Grabe ka naman! Ire-reject mo agad ako?! Tama nga sila! Heartbreaker ka talaga!!!" ang sabi ko haban sinusundan siya.
"Magmove on ka muna," ang sagot naman niya.
Napasimangot nalang ako. Hmp! Pinaalala pa talaga niya!
"Wait lang!" at agad akong tumakbo para masundan siya.
===============================================
Don't forget to comment and vote! You can also share your thoughts on twitter and just use this official hashtag #TWEOH or you can also follow me on twitter: downcastpoetess
I hope you enjoy reading this book as much as I enjoyed writing it :') This is Patch saying Yes to Happy Reading and Happy life ❤
BINABASA MO ANG
The Weird Existence of Henry
Подростковая литератураGwen has always been alone. Well that's not entirely true. All of her life, she's been surrounded by people she call her friends but they never treated her like one. She's always surrounded with unfamilliar laughters, estranged parties and indiffere...