ch. 21

98 10 18
                                    

s o b e r

Kapagka nalalasing sila, andiyan ako lagi para bantayan sila. Ako ang laging naka-assign na hindi pwedeng maglasing to watch over my friends. Honestly, I don't mind at all. Looking how they behaved when they're drunk scarred me for life. Kaya ayokong umiinom. Sa totoo lang, nakakapagod silang bantayan, kasi in the first place, wala sana akong problema kasi hindi naman ako mahilig uminom but...kaibigan ko sila. They were the only ones I got, tsaka sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin, napamahal na rin sila sa akin kaya...kahit nakakapagod, ginagawa ko pa rin. Kaya nang magising ako na para bang mabibiak ang ulo ko sa sobrang sakit, agad akong napasapo.

Oh God! What happened?!!!

Ganito ba ang feeling ng hang-over? Dinilat ko ang aking mga mata, medyo hindi ko nakikita ng maayos ang paligid. Lasing ba ako hanggang ngayon? Teka, nasaan ba ako? I immediately scanned the room. Nandito ako sa isa sa mga kwarto sa Resthouse. Ano bang nangyari kagabi? I tried to recall but I cannot rememeber anything. It's like everything about last night is pitch black.

Paano kaya ako napunta rito? Teka! Agad kong sinilip ang ilalim ng kumot, napabuntong-hininga ako nang makita kong may saplot pa ako. Sino kaya nagdala rito sa akin? Marahil si Henry. Hala! Anong oras na? Dali-dali kong hinanap ang phone ko at tiningnan ang oras. It's past nine in the morning!

Oh my God! We're supposed to go for Island Hopping! Siguro nauna na sila dahil late akong nagising! Bakit ba kasi napasobra ang inom ko?!! Ayan tuloy!

Nagmadali akong pumunta sa shower at naglinis ng katawan. The shower helped a lot in curing my headache. Medyo naging okay ang pakiramdam ko. I put on another white sundress and made my hair dry. Kung lasing na lasing ako kagabi, panigurado naabala ko sila! Lalong-lalo na si Henry! Oh, I know exactly what it feels like to babysit drunk-asses! Diyos ko!! Nakakahiya! Baka isipin nila lasinggera ang girlfriend ni Henry! Ang tanga-tanga ko talaga!!!

Bumaba ako para tignan kung nandiyan na ba sila, pero tanging si Manang at ang apo lamang niya ang naroon na naghahanda ng makakain.

"Naku Iha, nagising ka na pala. Ang sabi ng mga kaibigan mo, nauna na raw sila sa pamamasyal dahil masyado raw mahiming ang tulog mo kaya hindi ka na nila ginising. Teka lang ha, ipagtitimpla kita ng kape," ang sabi ni Manang.

"Salamat po," naupo muna ako sa sala, kasama ang apo ni Manang na babae. Sa tingin ko nasa edad katorse na ito.

"Ate, boyfriend mo ba yung matangkad na sobrang ganda ng mga mata?" hindi ko mapigilang di magulat sa tanong niya. Ngumiti nalang ako at tumango.

"Naku! Ang swerte-swerte niyo naman ate sa kaniya! Ang gwapo talaga niya! Tsaka kaninang umaga, alalang-alala siya sayo dahil baka raw malungkot ka kapag gumising ka ng wala siya. Grabe talaga!!!!" kilig na kilig niyang kwento sa akin.

Hanggang dito ba naman may fans club din si Henry. Kung sa bagay, totoo rin naman lahat ng sinabi ng bata. Gwapo naman talaga yun, nakakaasar nga lang minsan pero...mabait din naman.

Base sa kwento ng dalaga, parang pinahirapan ko talaga si Henry kagabi. Siguro, alalang-alala siya! Naging pasanin pa tuloy ako ng tao. Bakit ba hindi ko maalala ang mga nangyari?!!!

"Heto na ang kape mo iha. Makakatulong yan sa sakit ng ulo mo," ang sabi ni Manang at nilapag ang kape sa coffee table.

"Salamat po," sagot ko naman.

"Sa tingin ko, sayo ito," inabot niya ang kulay dilaw na sarong mula sa sahig.

And then it got me. Moments of me, begging went back to me like flashes. Halos manginig ang kamay ko nang tanggapin ito.

The Weird Existence of HenryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon